GrabPets nagbabalik by popular demand!

Ang paw-boritong biyahe ng passenger at pets, launching soon!

Simula ngayong September 25, 2023, magbabalik ang GrabPet ServiceType at maaari ka nang makatanggap ng bookings ng passengers na may kasamang mga pet

Who: Ka-Grab driver-partner na may kahit anong 6-seater na nag-opt in

When: September 25, 2023 Launch

Service Area

Ang GrabCar Pets ay magiging available sa:

  • Makati-BGC Area,
  • Shaw-Ortigas Area, 
  • Pasay-Mall Of Asia
  • NAIA Area
  • Malate-Ermita Area
  • San Juan

Ano ang bago sa GrabCar Pets?

Bumiyahe with GrabPet para sa posibleng mas mataas na earning opportunity kada trip at sa dagdag GrabPet Special Incentives!

Passengers ang REQUIRED magdala ng bag/cage/carrier para sa dala nilang pet! Kailangan ding naka-diaper ang alaga! Maaaring i-valid cancel kung walang pet carrier ang passenger.

Kung sakaling may naiwang kalat pa rin ang pet ng passenger kahit nasa cage/carrier, maaari mo itong i-reimburse sa GrabCare Package!

Paano makakasali sa GrabPet?

Mag-opt in sa link sa ibaba at tapusin ang Training sa iyong GrabAcademy!

Guidelines and FAQs

Requirement sa passengers na naka-cage/crate/carrier o bag ang dalang pet/s. Hindi pwede ang tali/leash lamang.

PAALALA: Maaari mong i-valid cancel ang trip kung sakaling hindi naka-cage/carrier ang pet ng passenger.

Tignan ang visual guide kung anong required container ng mga pets ng passenger

 

 Isang (1) large breed (more than 41cm height e.g. Golden Retriever, etc.) o dalawang (2) small-medium breed (toy poodle or cat).

Tignan ang pet size chart (dog comparison) para sa sizes.  Ang sizing guide ay naga-apply para sa lahat ng pets

Hanggang 4 passengers maximum  + 1 large breed of pet / 2 small-medium sized pets

May katanungan? Puntahan ang ating Help Centre