NBI Verification and Background Checking thru CIBI

Lodi, nahihirapan ka bang kumuha ng NBI Clearance para sa iyong application sa Grab?

Ito na ang mas pinadaling proseso ng pag verify ng iyong NBI sa tulong ng CIBI. Less hassle sa pagpila o pagkuha ng appointment online. 

Si CIBI Solution Inc. ay partner company ni Grab na nagchecheck at nagve-verify ng individual’s NBI status at Background checking o Negative record (kung meron). Si CIBI ay na-iisue ng certificate bilang resulta sa kanilang pagverify na pwedeng gamitin sa Grab bilang iyong NBI Clearance.

Madali lang kumuha o magrequest, Papaano?

I-scan and QR code para mag-request ng report o i-access ang 

bit.ly/CIBIRequestForm

 

Matapos magrequest, magbayad via PayMongo. Tinatanggap ang GrabPay, Credit/Debit Card, GCash o Paymaya sa pagprocess ng iyong payment. 

 

Hintayin ang report sa iyong email na maaring magtagal ng 2-3 araw simula ng iyong pagbayad.

FAQs

1. Kailangan ba sa CIBI kumuha ng verification ng NBI Clearance upang makumpleto ang application?

Optional ang pag-avail sa CIBI verification. Maaari ka pa rin dumiretso sa mismong NBI Office upang kumuha ng clearance. Nakipag-partner lamang ang Grab sa CIBI upang mabigyan ang ating mga applicants ng pagkakataon mapabilis ang pagproseso ng kanilang application sa Grab. 

2. Kapag sa CIBI ang aking verification, guaranteed na ba na makakapasok ako sa Grab?

Ang application sa Grab ay nakadepende sa maraming factors – hindi lamang sa pagkuha ng NBI Clearance.

Diba! Napakadali lamang Ka-Grab!