Ayon sa LTFRB MC 2020-16, maaari nang mag-request ng PA (Provisional Authority) Renewal via LTFRB Online or Electronic Filing ngayong ECQ at GCQ.
IMPORTANT UPDATE: Ayon sa LTFRB Board Resolution 2020-64 at 2020-100, nagbigay ng DEADLINE ang LTFRB para sa PA RENEWAL:
- Kung ang expiration ng PA ay bago March 17, 2020, walang binigay na extension ang LTFRB. Please lang, Ka-Grab mag-renew ka na ASAP! Mabilis lang naman.
- Kung ang Expiration ng PA mo ay March 17 to May 15, 2020 extended ang validity hanggang July 31, 2020 at waived ang fees. O, wala ka pang babayaran! Siguraduhing mag-renew ng PA BEFORE July 31, 2020.
- Kung ang expiration ng PA ay after May 17 – June 30, 2020, extended ang validity hanggang July 31, 2020 at waived din ang fees. O, wala ka ring babayaran! Siguraduhin na mag-renew ng PA BAGO ang July 31, 2020.
Paano mag-file ng TNVS PA renewal via LTFRB Online/Electronic Filing:
STEP 1. Download Form
I-download ang form mula sa LTFRB website o sa link na ito: LTFRB Online Transaction Request Form
STEP 2. Fill-up nang tama at kumpleto ang form
Kumpletuhin ang hinihinging detalye sa Request Form.
TIP: Pwedeng gumamit ng ng PDF editor apps para madali mong ma-accomplish ang Online Transaction Request Form.
Siguraduhing tama ang pag fill-up ng form:
✅ detalye ng Operator o TNVS Applicant o Vehicle Owner
✅ Case Number (kapareho ang Case No. ng old PA)
✅ Para sa Type of Service: TNVS
✅ Double check ang Plate No., Motor No., at Chassis No. dapat pareho sa nasa OR/CR
✅ Para as Type of Transaction, i-check ang box #5 ISSUANCE and RENEWAL OF PROVISIONAL AUTHORITY (PA) tulad ng nasa picture.
✅ Huwag kalimutang pirmahan, Paps!
STEP 3. Ihanda ang Requirements
Siguraduhin na nakahanda ang mga sumusunod na requirements para sa PA renewal:
- LTO OR/CR
- PAMI o Personal Passenger Accident Insurance
- Copy of Previous Order
TIP: Maaaring ihanda ang mga requirements sa picture format (PNG, JPEG, or PDF).
STEP 4. I-send ang email ng accomplished form at requirements
I-send ang accomplished form at mga requirements sa legal@ltfrb.gov.ph
Paps, siguraduhin mong kumpleto ang attachment sa email ha!
TIP: Kung gusto mo, pwede mo rin sundan ang Email Subject na ito:
TNVS PA Renewal | Case No. XXXXXXX
STEP 5. Hintayin ang result via email
Hintayin ang resulta ng trasanction sa iyong email address.
Pwede mo din i-check ang listahan ng approved/disapproved request sa LTFRB website (www.ltfrb.gov.ph) o sa LTFRB Official Facebook Page
Kung may tanong ka pa Paps, pwedeng bumisita sa:
- TNVS Help Desk sa Prima Building, East Avenue Corner Magalang St., Quezon City (Practice Proper Safety Protocols: Wear Mask and Practice Social Distancing 😷)
- O mag-message sa LTFRB Official Facebook Page