Ka-Grab! Patuloy kaming nakikipag-ugnayan sa DSWD upang mabigyan ka ng financial assistance ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine.
IMPORTANT NOTES:
1. Para sa mga GrabCar Drivers na may ACTIVE Franchise, ang LTFRB ang magdi-disburse ng iyong Financial Assistance thru Landbank ngunit kailangan pa rin kumpletuhin ang iyong driver details at DSWD SAC form.
2. Para sa mga GrabFood/GrabExpress riders, ang striktong requirement ng DSWD para maging eligible sa programa ay kinakailangan na ang rider-partner ay may ZERO INCOME mula sa simula ng Enhanced Community Quarantine hanggang sa araw na isinumite ang listahan sa DSWD. FINAL NA ANG LIST.
- Kung eligible at nais mong bumiyahe, huwag mag-alala dahil hindi maapektuhan ang iyong eligibility sa programa.
- Kung HINDI eligible, ang hindi pagbiyahe ay HINDI makakaapekto sa current list.
Narito ang mga paraan kung paano makakuha ng Financial Assistance mula sa DSWD:
Para sa mga GrabCar franchises: Upang mapasama sa listahan ng DSWD o LTFRB, kumpletuhin ang iyong driver details sa button sa ibaba.
Para sa mga GrabFood/GrabExpress riders: Ang DSWD list ay final na. Huwag mag-fill up ng form kung hindi nakatanggap ng eligibility SMS mula sa Grab.
Paalala: Siguraduhing tama ang driver details na iyong ilalagay para mabigyan ng UNIQUE form mula sa DSWD. Kung nakapag-fillup na, HINDI na kailangan pang mag-fillup muli.
1) Hintayin ang SMS mula sa Grab para mai-download ang UNIQUE Social Amelioration form mula sa DSWD. Paalala: Ito ay manggagaling sa DSWD at may code na para sa’yo lang kaya huwag i-share sa iba ang link.
Halimbawa ng mensahe na iyong matatanggap:
I-click ang link para sa iyong Unique SAC form at i-save ito bilang PDF.
2) Kumpletuhin ang pagsagot sa form. Tignan sa ibaba ang mga fields na kailangan sagutan ang kumpletuhin sa form. Siguraduhin na TAMA, KUMPLETO at may SIGNATURE ang SAC form na ia-upload.
PRO-DRIVER TIP! Kung gamit ang iyong phone sa pag-fillup ng form, maaaring mag-download at install ng PDF filler app mula sa Playstore (Android) o App Store (IPhone).
a) Pagka-install ng PDF filler, i-register ang email para makapag-simula.
b) I-click ang +Add Document
c) I-click ang upload from Device at hanapin ang iyong file sa Download.
d) I-click ang Text para masimulan ang pag-type ng iyong details.
e) Pag tapos nang fill-up ang form, i-click ang DONE at i-save bilang PDF.
3) Kapag nakumpleto na ang kumpletong detalye, i-upload ang SAC form sa link sa ibaba.
Tignan dito kung paano malalaman ang tamang pag-fillup ng form:
1) Kumpletong pangalan
2) Detalyado at kumpletong current address o address na nakalagay sa driver’s license (house no., street, brgy, municipality, province, region)
3) Employment details (Trabaho, salary per month, type of beneficiary), and contact number. Ilagay ang ‘Grab Driver’ bilang trabaho
4) Dependents (asawa, anak)
5) Signature and date signed. IMPORTANTE na huwag itong kalimutan ilagay.
6) Gender, driver’s license and license number at birthday
7) *Hindi na kailangan ang Barangay Captain signature
8 ) Sektor ng mga dependents (paki-lagyan ang naaayon). Tingnan ang legend ng definition sa box 9
9) definition ng iba’t ibang sektor at kalusugan. (Ilagay lamang ang nararapat)
Paalala: Isang beses lang i-upload ang iyong form. Ang form na nanggaling lang sa Grab via SMS ang pwedeng i-submit sa link.
Sa ngayon, tinitignan natin ang posibilidad na ang pag-payout ay via GCash upang gawing less hassle at mas convenient ito para sayo.
Matapos i-verify ng DSWD ang lahat requirements na ipinasa mo, i-reremit nila ang financial aid sa iyong GCash Account na nakaregister sa Grab. Kung ikaw ay driver na may operator, ire-remit ito sa GCash account na gagawin mo gamit ang iyong Grab-registered Mobile Number.
Paano kung wala akong GCash Account?
- Kung ikaw ang may-ari ng sasakyan mo, matatanggap mo ito sa Grab GCash Account mo.
- Kung ikaw ay may operator, kailangan mong gumawa ng GCash Account gamit ang iyong Grab-registered mobile number. Magdownload ng GCash App at mag-KYC upang mawithdraw ang financial aid kapag ito ay naremit na.
1) I-enter ang GRAB-registered mobile number (siguruhin na ito ang number sa iyong Driver App)
2) Makakatanggap ng 6-digit authentication code via SMS sa mobile number na inilagay. I-pasok ito sa authentication screen at i-click ang SUBMIT.
3) Ilagay ang mga hinihinging detalye
4) Sa susunod na step, siguraduhing tama ang nilagay na mga detalye
5) Sa huling step, mag assign ng 4-digit MPIN (ipapasok ito 2x). Iwasan gamitin ang birthday or MPIN na madaling hulaan.
6) Makakatanggap ng SMS na nakaregister ka na sa GCash. Pwede ng mag proceed sa log-in
7) Maari mo nang matanggap ang iyong financial assistance mula sa DSWD.
ILANG PAALALA:
- Siguraduhing KUMPLETO AT TAMA ang ilalagay na detalye sa SAC form. Siguraduhin rin na may kasamang SIGNATURE. Kung napansin namin na mali o hindi kumpleto ang iyong up-loaded SAC form, makakatanggap ka ng SMS para mai-submit itong muli.
- Ang DSWD ang mag-aassess kung ikaw ay eligible para sa financial assistance.
- Siguraduhin na gamit mo ang iyong GRAB-registered number para makuha ang financial aid
Bakit ko kailangan i-update ang aking driver details?
Kasama ito sa requirements na kailangan isubmit sa DSWD upang marelease ang inyong financial aid.
Kailan ko makukuha ang aking Unique DSWD SAC form?
Makukuha mo ang inyong DSWD Unique SAC form matapos magsubmit ng kumpletong driver details sa link na ito: grb.to/updatedriverdetails
Anong ID ang pwedeng gamitin kung expired na ang driver’s license?
Ang driver’s license o driver’s license receipt (kung walang physical card) ang pwede. Kung expired, maaring i-upload ang license as long as ang expiration date is within the ECQ period. No other IDs are allowed.
Ano ang address na kailangan ilagay sa form?
Ilagay ang iyong current address sa form.
Pano kung hindi match ang address sa license sa current address?
Ilagay pa rin ang iyong current address.
Pwede bang i-upload ang unique DSWD SAC form na nakuha ko sa barangay?
Hindi pwede ang copy ng DSWD SAC form nakuha mo sa iyong barangay. Hintayin ang SMS mula sa amin para makuha ang UNIQUE link para iyong DSWD SAC form. Tandaan, hindi ito pwede i-share kahit kanino dahil ang form na ito ay naka-assign sa’yo.
Pwede ko bang i-submit sa aking barangay ang nakumpletong SAC form?
Hindi na kailangan pang pumunta sa barangay para magpasa ng SAC form. I-submit lang ang tama at kumpletong SAC form sa link na aming ipinadala via SMS: grb.to/UploadSAC
Lahat ng copies ba ng SAC form ay kailangan upload?
Kailangang i-upload lahat ang copies.
Pwede ba hand or type written pag fill-up ng form?
Pwede. Kahit computerized or handwritten, valid pa rin ito basta may complete details at signature.
Kailan ko makukuha ang aking financial aid?
Para sa mga GrabCar Drivers na may ACTIVE Franchise, ang LTFRB ang magdi-disburse ng iyong Financial Assistance thru Landbank.
Sa mga hindi kasama sa listahan ng LTFRB, maghintay lamang ng future announcements dahil kasalukuyan kaming nakikipag-ugnayan sa DSWD ukol dito.
Paano kung nakalimutan ko ang aking MPIN?
Kung nakalimutan na ang MPIN, tumawag sa 2882 or pumunta sa https://help.gcash.com/hc/en-us at mag request ng RESET MPIN. Ihanda ang mga susunod na detalye:
- Buong pangalan
- Birthday
- Huling balance sa GCash
Pag na reset na ang MPIN, sundin ang mga sumusunod na steps:
- Makakatanggap ng temporary MPIN via SMS. Ipasok agad sa GCash app. Mayroon lamang 3 minuto bago ito mag expire.
- Pag pasok ng GCash app, pumunta ng settings at piliin ang change MPIN
- Ilagay ang MPIN na nakuha via SMS
- Pagkatapos, mag nominate ng bagong MPIN (ipasok ng 2x)
- PAALALA: ang temporary MPIN ay mag-eexpire at kailangan palitan agad.
Paano ko malalaman kung enrolled na ako sa GCash?
Napa-check na namin sa GCash team kung ang Grab-registered number niyo ay enrolled na sa GCash. Kung ang SMS na inyong natanggap ay nagsasabing enrolled na ang number niyo sa GCash, hindi na kailangang magregister muli.
Maaari niyo ring i-check dito.: https://gcsh.app/r/hWlkIm1
Paano kung gusto kong palitan ang aking account details?
Maglog-in lamang sa GCash app. Pumunta sa User Profile at i-click ang “Edit My Profile”.
Anong mobile number ang dapat kong i-enroll sa GCash?
Ang Grab-registered mobile number lamang ang pwedeng i-enroll sa GCash. Ito ay ang binigay namin sa listahan sa LTFRB upang masigurado na sa inyo mapupunta ang ayuda.