Menu Driver Sign-Up

Sultin ang oras magbiyahe sa mas pinagandang Demand Heat Maps!

Mas Pinagandang Demand Heat Maps

Sulitin ang oras sa biyahe sa panibagong feature sa’yong Grab app! Simula September 24 hanggang October 2018, unti-unti na itong magiging available sa Grab app ng lahat ng Ka-Grab. Siguraduhin lang na updated ang app sa version v5.46.0 (Android) / v1.33.0 (iOS) o mas mataas pa.

 

Ano ang bago sa Demand Heat Maps?

  • Mas madaling makita ang passenger demand. Makikita ang dami ng demand base kung gaano ka pula ang nasa mapa (darker red, more demand).
  • Zoom at Scroll feature. Kung mag-zoom o scroll, makikita ang detalye kung saan mas maraming passenger demand.

 

Paano ito gamitin?

 

Frequently Asked Questions

1. Gaano kadalas mag-rerefresh ang Heat Maps ko?

Nag-rerefresh kada limang minuto (5 minutes) ang Heat Map. Kung mas mataas ang demand, mas magiging pula ang kulay sa mapa.

2. Kung mataas ang demand sa isang lugar, sigurado ba na makakakuha ako ng booking doon?

Hindi sigurado na makakakuha ng booking, ngunit sigurado na mas mataas ang pagkakataon na makakuha ng job sa lugar na mataas ang demand.

Tandaan: Nagbabago ang demand sa Heat Maps kada limang minuto (5 minutes) kaya’t hindi rin sigurado na makakauha ng bookings dahil maaaring magbago rin ang demand.

3. Kung mataas ang demand sa isang area, mataas din ba ang fares sa bookings doon?

Pinapakita lamang ng Heat Map ang dami ng booking na kailangan ng Grab service.

4. Bakit hindi parehas ang nakikita naming demand ng Ka-Grab ko?

Pinapakita ng Heat Map ang demand sa service types na activated sa Grab app mo.

5. Bakit nagpakita sa app ko na mag-on ng ibang service types?

Magpapakita ito kung wala masyadong demand sa naka-on na service type sa’yong app. Mag-on ng ibang service type sa “Settings” para makita ang demand sa ibang services.