Ang driver fatigue o pagkapagod sa daan ay isa sa mga dahilan ng aksidente sa biyahe.
Ano ang mga signs na meron ka neto?
Sign #1: Ang pagkapagod (tiredness), paninigas (stiffness) at pamumulikat (cramps) ng ilang bahagi ng katawan, at ilan pang pananakit at pagkirot nito.
Sign #2: Ang pagtango (nodding off), paghihikab (yawning), madalas na pagkurap ng mata (blinking than usual), at ang pagkawala ng focus na maaring magdulot ng mababa at mabagal na reaction time.
Sign #3: Ang pagkalimot sa nakalipas na minuto ng pagmamaneho o pagdradrive, paghahallucinate o daydreaming, pati na rin ang pagkaranas ng “tunnel vision” o ang pagkawala ng sense sa nangyayari sa paligid (periphery).
Increased back pain
Ang back pain ang pinakacommon na epekto ng matagal na pagkakaupo (prolonged sitting). Ito ay maaaring maiugnay rin sa mga sakit tulad ng obesity o high blood pressure at ilan pang karamdaman tulad ng chronic leg pain o pamamaga nito.
Maaaring magdulot ng stress
Ang mahigit sa dalawang oras na pagmamaneho ay maaring magdulot ng mas posibleng pagkaramdam ng stress – na maaring maka-dagdag sa risk of heart diseases at iba pang issues na may kaugnayan sa high stress.
Exposure sa pollution
Alam niyo ba na mataas rin ang pollution sa loob ng air-conditioned na mga sasakyan? Ito rin ay nakakadagdag sa noise pollution na maaring maka- pagpataas ng level ng stress, maka- apekto sa pandinig, at magdulot ng headache. Maari rin itong magdulot at makapagpalala ng asthma.
May lead to poor vision
Kailan pa nung huli kang nagpacheck ng mata? Alam mo ba na ang required na beses ng eye test ay kada dalawang (2) taon? Ang labis na focus na kailangan tuwing nag-mamaneho ay maaring maka-apekto sa paningin. Ito ay maaring sanhi ng pagmamaneho sa madilim at dahil sa ilaw mula sa ibang mga sasakyan.
Alam mo ba na ang general rule sa pagmamaneho ay ang pagkakaroon ng 15-minute break tuwing dalwang (2) oras? Ito ay makakatulong para panatilihin kang alert.
Bigyang lunas ang sakit ng ulo
Isa sa common na nararamdaman sa pagmamaneho ay ang pagsakit ng ulo (headache). Ito ay maaring sanhi ng labis na oras sa pagmamaneho, stress, o init. Magandang ito ay inuman ng paracetamol para sa mas ligtas na byahe.
Iwasan ang labis na pag-kain bago magmaneho
Ang mga pagkain na mayaman sa protein at carbohydrates ay maaring magdulot ng pagkaantok. Pinaka-mainam pa rin ang pagkakaroon ng sapat na tulog, at ilevel up ang immune system sa tulong ng vitamin C bago isabak ang katawan sa byahe.
Palakasin ang immune system
Ang pagpapanatili ng malakas na immune system ay higit na makakatulong para mas matibay ang iyong resistensya. Ang pag-inom ng vitamin C para sa mas protektadong immune system laban sa mga sakit.