Government mandates cashless toll

Nakapagpa-install na ba kayo ng Autosweep at Easytrip RFID?

Ire-require na ng  Toll Regulatory Board (TRB)  na ang lahat ay magpa-install nito dahil magiging cashless na rin ang lahat ng transactions sa NLEX at SLEX.

Extended ang deadline hanggang November 30 para kayo ay makapag-pakabit ng RFID stickers kaya siguruhing makapag-pakabit kayo kaagad.

Libre lang ang installation kaya kumuha na bago ang deadline para walang hassle sa biyahe.

Tingnan sa ibaba kung paano at saan pwedeng kumuha at magpalagay ng RFID stickers. 

May dalawang uri ng RFID na maaaring gamitin sa iba’t ibang tollgates depende sa iyong pupuntahan:

Autosweep RFID

Ang Autosweep RFID ay pwedeng gamitin sa mga sumusunod na tollways:

  • Metro Manila Skyway
  • Muntinlupa–Cavite
  • Expressway (MCX)
  • NAIA Expressway (NAIAX)
  • South Luzon Expressway (SLEX)
  • STAR Tollway
  • Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX)

Paano kumuha at magpa-install ng Autosweep RFID?

Step 1. I-fill up  Autosweep RFID subscription/application form na makikita sa link

Step 2. Ihanda ang mga sumusunod na documents: OR/CR ng vehicle, Driver’s license or other primary government-issued ID, at authorization letter and ID with original signature kung hindi ikaw ang may-ari ng sasakyan.

Step 3: Pumunta sa alinmang Autosweep RFID installation site dala ang iyong filled-out subscription form, documents, at registered vehicle. Tingnan dito ang updated list ng RFID installation sites

Step 4. Magbayad ng P500 para sa initial load ng iyong RFID. 

Step 5. Ilagay ang RFID sticker sa windshield ng iyong sasakyan at hintayin na ma-activate within 12 hours. 

For more info: https://autosweeprfid.com/web/

Easytrip RFID

Ang EasyTrip RFID ay pwedeng gamitin sa mga sumusunod na tollways:

  • NLEX
  • SCTEX
  • CAVITEX
  • CALAX

Paano kumuha at magpa-install ng EasyTrip Tag?

Step 1. Dalhin ang iyong sasakyan sa pinakamalapit na EasyTrip installation site. Dalhin rin ang supplementary documents tulad ng OR/CR ng vehicle, Driver’s license or other primary government-issued ID, at authorization letter and ID with original signature kung hindi ikaw ang may-ari ng sasakyan.

Step 2. Iche-check ng EasyTrip ang eligibility ng iyong vehicle. Kung eligible, i-fillout ang ibibigay na form at kunin ang FREE EasyTrip sticker.

Step 3. I-install ang Easy trip tag. Magbibigay ng EasyTrip staff ng sticker like clip o support na maaari mong ikabit sa iyong windshield na paglalagyan ng tag.

Step 4. Maaari mo nang load-an ang iyong EasyTrip tag. Para malaman ang iba’t ibang paraan ng paglo-load, i-check ang link.

Pwede ring mag-order ng Stick-It-Yourself Easytrip RFID online!

Step 1. Gamit ang Shopee app, i-type sa search bar ang EasyTrip o EasyTrip RFID.

Step 2. Pumili ng payment method para bayaran ang P500 ang load fee plus shipping fee. Siguruhin na ilista ang ORDER NUMBER dahil ito ang iyong gagamitin sa pag-fillup ng order confirmation form. 

Step 3. Pagka-order, i-confirm ang iyong order at ibigay ang hinihinging information sa link.

Step 4. Kung nakuha na ang iyong EasyTrip sticker, panoorin dito ang step-by-step installation guide.

For more info, call EasyTrip at 8555 7575. | Follow them on Facebook – EasyTrip