Iwas Scam Tips: Guidelines on Data Protection and Security

Maraming iba’t ibang modus ang naglipana lalo na ngayong krisis. Kaya naku paps, wag magpapaloko!

Para hindi mabiktima ng mga mapagsamantala, maging extra-cautious tayo sa mga pinagbibigyan natin ng impormasyon.

Huwag basta-basta ibibigay ang personal information kapalit ng ayuda, relief goods at iba pa.

Kung mapunta sa maling kamay ang impormasyon mo, baka mapahamak ka pa at ang iyong pamilya. Magsagot lang ng sign-up o survey forms na galing mismo sa Grab SMS o sa Grab App.
AnTi-SCAM TIP #1

Huwag ibibigay sa iba ang iyong password, One Time PIN o activation code na matatanggap mula sa Grab

Never na hihingin ni Grab ang iyong password, GCash pin, o activation code. Kung may manghingi, Pasp, wag mong ibigay!
AnTi-SCAM TIP #2

WALANG bayad ang activation sa Grab

Hindi rin kami manghihingi ng pera o anumang kapalit para ma-activate o hindi made-activate ang iyong account dahil meron tayong tamang proseso para dito.
AnTi-SCAM TIP #3

Huwag mag-install ng Grab Driver app na hindi galing sa App store o Playstore.

Baka hindi mo alam na nakukuha na pala ng peke o unauthorized app ang iyong impormasyon. Regular naming hinihigpitan ang security ng iyong driver app kaya ugaliin rin na palaging i-update ito sa latest version para maiwasang ma-hack.
AnTi-SCAM TIP #4

Kung may operator ka, huwag hayaan ang iyong operator na maglogin sa iyong driver app,

Naku, bawal yan, paps! Dapat na ikaw lang ang nakakalogin sa iyong account para siguradong secured tayong lahat sa platform
AnTi-SCAM TIP #5

Pinaka-importante, huwag gumawa ng anumang posibleng maging kaso ng fraud para hindi mabiktima.

Huwag mangontrata ng pasahero, makipagsabwatan sa ibang driver at gumawa ng kahit anong ipinagbabawal sa platform para hindi nakokompromiso ang data mo at ng Grab. 'Wag naman ganun Paps, dun lang tayo sa tama!
AnTi-SCAM TIP #6

Meron rin pala kaming mga nakalap na modus na ginagawa ng mga scammer ngayon.

Kung makaranas ng scam at lalo na kung nagpakilalang mula sa Grab, ipag-bigay alam sa amin! I-check ang ating Help Centre article para malaman ang mga ito at kung paano mag-report ng naranasang fraud! 'Wag naman ganun Paps, dun lang tayo sa tama!

Pwede ring pumunta sa Anti-Scam Widget!

Kung may nais i-report, makita ang tips & reminders, at malaman ang mga bagong modus sa ngayon, puntahan ang ating Anti-Scam Widget.