Ano ang MULTI-STOP DELIVERY (MSD)?
Ito ay ang delivery service kung saan maari nang mag-add ng multiple drop-off points ang mga consumers na magpapa-deliver sa GrabExpress.
Paano ito nagwo-work?
Under GrabExpress, pipiliin ng consumer ang “Multi-stop delivery.
Tatanggapin ng biker ang booking at makikipa-communicate sa consumer.
Pupunta ang biker sa location ng consumer para i-pick up ang items, saka mag-i-issue ng waybill. Siguraduhin din na kolektahin mula sa consumer/sender ang delivery fee.
Ihahatid ng biker ang item sa first drop-off location.
Ibibigay ng biker ang item sa recipient kasabay ng pag-issue ng waybill (receiver’s copy).
Pupunta ang biker sa next drop-off location base sa app, hanggang sa ma-complete niya ang lahat ng jobs.
Mga dapat tandaan:
- Bawat booking, isang pick-up location lang ang makukuha. Ang drop-off naman ay may maximum ng 5.
- Makakatanggap lamang ng bagong booking kapag natapos na ang lahat ng jobs sa unang booking.
- Palaging magbigay ng waybill sa sender at receiver (per item ang pag-issue ng waybill sa sender)
- Huwag kalimutang kolektahin ang bayad sa sender bago i-deliver ang items (cash or GrabPay)
- Ang maximum delivery time per MSD booking ay 3 hours. Sundin ang pagkakasunod-sunod ng delivery batay sa app.