Kinakailangan ang tamang coordination sa mga Grab passengers para sa maayos na booking experience.
Sa bagong feature na ito, pwede mo nang kontakin ang iyong pasahero gamit ang mobile data/Wi-Fi connection mo.
Dahil dito, makaka-save ka sa load at ang iyong phone number ay hindi makikita ng pasaherong nag-book.
I-click lang ang ‘CALL BUTTON’ sa Grab app upang makagawa ng internet calls. Siguraduhing updated ang iyong driver app para magawa ito.
Mga benefits ng pagtawag sa pasahero gamit ang internet connection:
Mas makaka-save sa iyong cellphone load
Makakatipid sa load dahil mobile data na lang ang iyong gagamitin sa pagtawag sa iyong pasahero. Imbes na regular cellphone load o di kaya ay free minutes of calls sa iyong telco subscription, mas makakatipid ka na sa iyong load dahil mobile data/Wi-Fi na ang iyong gagamitin.
Hindi makikita ang iyong phone number
Naka-hide sa app ang mobile number mo (at ng iyong pasahero) para sa privacy purposes.
Sundin lang ang mga sumusunod na steps:
Step 1: I-tap ang call button para tawagan ang iyong pasahero.
Step 2: Pindutin ang “End Call Button” kung gustong i-cancel o i-end ang call.
Step 3: Kung magkaroon man ng network problems, may lalabas na prompt upang i-notify ka sa option na regular phone call.
Lalabas sa incoming call screen ang pangalan ng iyong pasahero kapag tinawagan ka niya.
Frequently Asked Questions
Bakit hindi ko nakikita ang mobile number ng pasahero sa call?
Lahat ng calls during the booking ay through mobile data na imbes na regular phone call.
Bakit hindi ako makatawag gamit ang internet?
Dapat updated sa latest version ang Grab app ng driver at pasahero para mag-work ang feature na ito.
Anong mangyayari kapag hindi maganda ang signal sa area?
May lalabas na prompt sa iyong app para sa option na regular call ang gamitin sa pagtawag (regular phone call charges apply).
Ano ang mangyayari kung hindi active ang aking mobile data/Wi-Fi?
Makakatawag ka pa rin gamit ang iyong regular phone line (regular phone call charges apply).
Pwede pa rin ba akong tumawag sa pasahero after ng booking gamit ang internet kapag may naiwan ang pasahero (lost and found)?
Dahil tapos na ang booking, ito ay magagawa na lang gamit ang regular call (regular phone call charges apply).
Ano ang mangyayari kapag naputol ang call dahil sa internet connection issues?
Matatapos ang call pero pwede mo pa rin tawagan ang pasahero via regular phone call. I-click lang ulit ang call button sa booking page (regular phone call charges apply).
Lumalabas ang ‘Free Call’ sa screen ng app ko pero na-charge pa rin ako for mobile data. Bakit?
Ang ‘Free Call’ ay term na ginamit dahil ito ay hindi kagaya ng regular phone call na may bawas sa iyong regular load. Kung walang mobile data/Wi-Fi, ito ay magiging regular phone call (regular phone call charges apply).
Ayokong gamitin ang data sa call. Paano ko ito maibabalik sa regular phone call?
Sa ngayon ay hindi pwedeng maibalik ito sa regular phone call. Nire-rekomenda namin na gamitin mo ang feature na ito para din sa privacy ng iyong contact details.
Paano ma-prevent ang data overcharge?
Ito ay hindi supported ng app. Kontakin ang iyong network provider ukol dito.