May Cash in Via Driver Feature na!

Paps, meron na tayong new and improved Cash In with Driver Feature!

Pwede nang magpa-load ng GrabPay credits ang pasahero gamit ang cash  at i-convert ito bilang cashless fare payment habang nasa ride!

NOTE: Sa ngayon ay available ito sa GrabCar drivers at unti-unti na itong linalabas sa GrabTaxi drivers

Teka, teka... Ano ba ang bago sa Cash in via Driver Feature?

Pwede na magbook ang mga cash-users gamit ang Cash in with Driver feature!

Kung dati ay pang-top up lamang ng passenger GrabPay wallet ang cash in request, ngayon ay pwede nilang gamitin ito upang bayaran ang existing trips nila sa inyo!

Mas maraming GrabPay credits ang pasahero, mas malaki  ang chance sa pagbook ng GrabCar  rides.

Pwede nang mag-book ang pasahero ng ‘Cash In with Driver’!

Yes, that’s right paps! Kahit wala nang laman ang GrabPay wallet ng pasahero, pwede pa rin siyang mag-book sa Grab using Cash in with Driver option.

Paano gumagana ang New & Improved Cash in with  Driver booking option?

Katulad ng dating version, pagkasakay ng pasahero, makakatanggap ka ng top-up request para load-an ang kanyang GrabPay credits. Sa new version na ito, pwede nang gamitin ng pasahero ang pina-load niyang GrabPay credits bilang pambayad sa current trip.

Paalala lang paps! Hindi pa rin tayo allowed tumanggap ng cash bookings, ah! Bawal pa rin yan ayon sa LTFRB.

Dapat na nakalagay ito sa middle console kung saan merong butas ang plastic barrier for ventilation.

Posibleng ma-pause ang iyong jobs kung wala ng mga ito kaya i-send na ang proof sa amin.

Paano ko loload-an ang pasahero ng GrabPay credits?

Pag pinili nila ang option na ito at nabigyan sila ng driver, makakatanggap ang pasahero ng notifcation na kumpletuhin ang KYC  (kung hindi pa) at magbayad ng cash habang nasa ride.

Pagkatapos mabigyan ng pasaherong nag-book ng cash in with driver, makikita mo ito bilang Cash Ride na may note na tulungan ang pasahero na mag-cash in.

Ipaalala na sa pasahero na kasama dapat sa kanilang ika-cash in ang fare amount sa kanilang current ride.

Halimbawa : 

Kung ang cash in amount ay 500 at 200 ang fare, ang 200 ay automatic na ma-coconvert bilang cashless payment sa ride. Matitira naman ang P300 sa GrabPay wallet ng pasahero

Kung ayaw ng pasahero magload ng tamang amount, maaari siyang ireport dito

  • Makipag usap muna sa pasahero tungkol sa limit  ng amount na maaari mong i-load ngunit siguruhin na sapat ito para makapagbayad ng fare.
  • Huwag mag-alala kung malaki ang cash-in ng pasahero kumpara sa laman ng iyong cash wallet, maaari mo pa rin load-an ang pasahero kahit nag-negative ito. Siguraduhin lang na dadagdagan mo ito ng sufficient amount para makatanggap muli ng  cash in with driver  rides.
  • Ipaalala rin sa pasahero na maglagay lang ng saktong amount para hindi mo kailangan magbigay ng sukli.

NOTE: huwag diretsong kunin ang cash at ilagay muna ito sa tray para maiwasan ang pagkalat ng virus.

MAHALAGANG PAALALA: Ihanda ang tray na paglalagyan ng cash ng pasahero

Para siguradong safe ang paghandle ng cash na galing sa pasahero, REQUIRED na meron kang tray na paglalagyan.  Dapat na nakalagay ito sa middle console kung saan merong butas ang plastic barrier for ventilation.

Posibleng ma-pause ang iyong jobs kung wala ng mga ito kaya i-send na ang proof sa amin

Ipakita sa amin ang iyong tray at plastic barrier 

Pag naging successful ang pag-load mo sa GrabPay wallet ng pasahero, automatic na mako-convert ang kanyang trip bilang cashless ride.

Halimbawa, kung nagpa-load siya ng P500 at P200 ang fare, automatic na ibabawas ito bilang kanyang GrabyPay ride payment.

Kung nag-fail naman ang transaction nang ilang ulit at hindi makapag-load ang pasahero, magiging cash ang ride, Singilin sa kanya ang cash para sa amount ng fare.

Kung mangyayari ito, huwag kalimutan i-report sa ating help centre ang issue.

MGA MAHALAGANG PAALALA:

  • Ang fare amount at/o iba pang kasamang toll fee ang minimum amount na pwede mong i-load sa pasahero
  • Siguruhin na sapat ang laman ng iyong cash wallet para maka-pagload ng GrabPay credits sa’yong pasahero.
  • Kung sakaling mag-negative ang laman ng iyong cash wallet, tumanggap ng cashless bookings para maging suffient muli ang laman nito. Kung sufficient ang laman ng cash wallet, eligible ka muli makatanggap ng cash in with driver rides.

Frequently Asked Questions (FAQs)

Bakit may Cash in Via Driver feature?
Ini-launch natin ang Cash in via Driver feature para mabigyan ng iba pang option ang pasahero na punuan ng kanilang GrabPay wallet na pwede nilang gamitin sa kanilang GrabCar rides.

Makakatanggap ba ako ng cash booking?
Hindi. Ayon sa memo ng LTFRB, cashless pa rin dapat lahat ng bookings. Isang option lang ang cash in via driver feature para makapag-load ang pasahero ng kanilang GrabPay credits na magagamit nila sa cashless rides.

Pwede bang magbayad ang pasahero ng cash bilang fare?

Hindi. Para lang sa pag-load ng GrabPay credits ang cash na ibibigay ng pasahero. Para malimitahan ang exchange ng cash, paki-paalalahanan ang pasahero na magbigay ng saktong amount para hindi na kailangan ng sukli.

Kung sakaling nag-fail ang pag-load ng GrabPay credits after multiple attempts, tanggapin muna ang cash payment sa pasahero pansamantala at kumpletuhin ang trip.

Huwag kalimutang i-report ang issue sa ating help centre.

Para siguradong safe ang paghandle ng cash na galing sa pasahero, REQUIRED na meron kang tray na paglalagyan. Dapat na nakalagay ito sa middle console kung saan merong butas ang plastic barrier for ventilation.

Posibleng ma-pause ang iyong jobs kung wala ng mga ito kaya i-send na ang proof sa amin

Saan ibabawas ang cash-in amount na ni-request ng pasahero?
Mababawas ito sa iyong Cash Wallet, habang ang commission fees ay ibabawas pa rin sa inyong Credit Wallet, o kung insufficient ang laman ay pwede ring kunin sa cash wallet.

Paano kung mas malaki ang gusto i-cash in ng pasahero kaysa sa laman ng aking cash wallet?
Para sa kasalukuyang ride, maaari mo pa ring load-an ang pasahero kahit na mag-negative ang iyong cash wallet. Tandaan lang na hanggang P500 lang ang negative amount na allowed at hindi ka muna makakatanggap ng cash in with driver bookings.

Paano kung kailangan ko i-cancel ang transaction?
Maaari mong i-cancel ang transaction sa pamamagitan ng pag-select ng More sa Cash in request, at pagkatapos ay i-click ang cancel cash in request.

Bakit hindi ako nakakatanggap ng cash in via driver rides?
May 2 possible reasons:

  • Para sa Android users lang muna available ang bagong feature na ito, Wag mag-alala, inaayos pa natin ang product para soon ay maging available sa IOs users
  • Kung negative ang laman ng iyong cash wallet, hindi ka makakatanggap ng cash in via driver rides. Cashless bookings lang ang maaari mong ma-receive

Paano pag nag-fail ang cash in via driver transaction?
Pakiusapan ang pasahero na ulitin ang cash in with driver request. Kung paulit-ulit na pumapalya ang attempts, kolektahin muna ang cash payment mula sa pasahero. Huwag kalimutang i-report sa help centre ang pasahero.

Saan ko makikita ang mga na-cash in ko sa pasahero?
Makikita mo ang mga na-cash in mo sa pasahero o ‘passenger top up’ sa iyong earnings transaction history.

 

Pwede bang magtop-up from credit to cash wallet?
Sa ngayon ay hindi pa pwedeng mag-topup mula sa iyong credit wallet papunta sa’yong cash wallet. Para makapag-serve ng cash in request, mas mabuti na magtira ng laman sa iyong cash wallet at tumanggap ng maraming cashless rides.