Mas pinagandang platform experience sa #OneGrab Program

Sa ating sama-samang effort mga Ka-Grab, gaganda ang experience sa waiting time at pick-up distances para sa lahat ng Ka-Grab partners at passengers.

Ang updated Driver Code of Conduct ay para masigurado ang mataas na standards at magandang Grab service.

Simula October 31, 2018 ay bago na ang limits ng Completion Rate (CR) para sa Driver Code of Conduct violations at Jobmasking.

PAALALA:

Bilang pagsunod sa regulasyon ng Philippine Competition Commission, magkakaroon ng job masking ang lahat ng GRABCAR drivers* na nakakuha ng anumang Driver Code of Conduct points:

Completion Rate na mas mababa sa 65% mula November 2019 – January 2020 at 70% completion rate mula February – October 2020*

*hindi kasama ang bookings ng GrabShare, Premium at 6-seater sa computation ng PCC para sa jobmasking. 


Huwag mag-alala, makakakuha ka lamang ng penalty kung mayroon kang STU offense noong nakaraang linggo. Ang pagtaas ay base sa bilang ng STU points ninyo sa nakaraang 4 na linggo.

 


 

Ang suspensions ay maganap mula Wednesday – Saturday.

 

PAALALA: Kasama sa PCC Completion Rate computation ang Valid Cancels at My Destination bookings. Iba ito sa nakikita mong Incentives Card dahil ito naman ay para lang sa pag-track ng iyong incentives.

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

Kailan nakakakuha ng Driver Code of Conduct points?
Makukuha ito pagtapos ng isang buong linggo dahil base ito sa performance mula Monday-Sunday.
Tandaan: Malalaman ang status ng points tuwing Tuesday. Hindi maaapektuhan ang commission sa Monday.

Paano nagkakapenalty?
Ang penalty ay base sa points ng offenses na nakuha sa loob ng apat (4) na linggo. Kung nakakuha ng point, ikaw ay maaaring masuspinde mula isa hanggang tatlong araw.

Paano ko malalaman kung ano ang weekly Completion Rate (CR) at Driver Code of Conduct points ko?
Makikita ang weekly Completion Rate (CR) sa incentive job card driver app. Para sa Driver Code of Conduct points, hintayin ang SMS ng Grab tuwing umpisa ng linggo.

Bakit may Code of Conduct targets parin kahit wala ng incentives?
Ang Driver Code of Conduct targets po ay para matulungan kayo na ma-improve ang inyong performance para mapabilang sa Ka-Grab rewards sa susunod na buwan.