Andito na ang pinagandang GrabShare!

Dito sa Grab, lagi tayong naghahanap ng paraan para mas ma-improve pa ang iyong kita. 

Dahil diyan, dinagdagan natin ang ating serbisyo sa mga pasahero.

Bukod sa regular Grabshare service na ‘Book a Ride Now’, mayroon na rin tayong ‘Look for other passengers’ service kung saan mas masisigurado na naka-match at bundled ang bookings na ibibigay sa iyo ng ating Grab System.

Ang ‘Look for other passengers’ ay isang GrabShare ride kung saan may Matched Upfront jobs (pag-accept pa lang, may multiple bookings na agad).

Mababawasan na ang unmatched jobs mo, magkakalapit pa ang pick-up points.
Mas maraming trips, mas malaki ang earnings!

 

 

PAALALA: Hindi pa rin mawawala ang regular GrabShare rides. Makakakuha ka pa rin ng individual bookings habang nasa trip.

PAANO GUMAGANA ANG LOOK FOR OTHER PASSENGERS?

With the new & improved ‘Look for other passengers’ feature, dadalang na ang unmatched matches kaya mas siguradong sulit ang bawat biyahe mo, Ka-Grab!

 

Frequently Asked Questions:

  1. Paano malalaman kung Upfront Matched ang booking?
    • Sa job card, makikita ang Upfront Matched stamp. Makikita rin kung ilan ang pick-ups na kailangan mong daanan. Dito mo malalaman kung Upfront Matching ang iyong booking.
  2. Kailan ilulunsad ang pagkakaroon ng Upfront Matching sa app?
    • Magsisimula magkaroon ng Upfront Matching sa July 22. 
  3. Ano ang benefits ng Upfront Matched Jobs kumpara sa regular na Grabshare?
    • Dahil siguradong may multiple matched bookings ka sa Upfront Matched Jobs, ibig sabihin ay mas maraming trips na makukumpleto at mas malaki ang iyong GrabShare earnings! 
  4. Paano kung kailangan kong magbanyo o magpahinga? 
    • Maaari mong i-toggle off ang ‘Available’ para hindi ka muna maka-receive ng jobs. Mahalaga na magkaroon ng mga pahinga sa pagitan ng mga trips upang masiguradong ligtas ka at maganda ang mabibigay mong service.  
  5. Paano ko malalaman kung saan ang aking unang pick-up/drop-off point?
    • Makikita lahat ng pick-up at drop-off point sa iyong driver app. Dito rin makikita ang pagkakasunod-sunod ng iyong pick-up/drop-off. Laging ipaalam sa iyong mga pasahero na ang susundin mo na pagkakasunod-sunod na drop-off ay ang nakasaad sa app.
  6. Paano mag-cancel ng trip kapag Upfront Match ang aking booking?
    • Kapag nag-cancel ang isang passenger sa iyong Upfront Matched na booking, sundan lang ang natirang bookings at mag-intay ng panibago. 
  7. Ilang matches ang maaaring makuha ng mga GC 6-seater? 
    • Ang mga GC 6-seater ay maaaring makakuha ng hanggang apat(4) na matchess