Sulitin ang oras magbiyahe sa mas pinagandang Demand Heat Maps!

Mas Pinagandang Demand Heat Maps

Sulitin ang oras sa biyahe sa panibagong feature sa’yong Grab app! Simula October 1, unti-unti na itong magiging available sa Grab app ng lahat ng Ka-Grab. Siguraduhin lang na updated ang app!

In-update natin ang Demand Heatmaps para mas ma-plano mo ang iyong trips at hindi mo na kailangang maghintay ng matagal para sa mga pasahero sa lugar na maraming demand.

Ano ang bago sa Demand Heat Maps?

  • Mas madaling makita ang passenger demand. Makikita ang dami ng demand base kung gaano ka pula ang nasa mapa (darker red, more demand).
  • Zoom at Scroll feature. Kung mag-zoom o scroll, makikita ang detalye kung saan mas maraming passenger demand.
  • Mas accurate at detalyadong heatmap information. Huwag mag-alala kung hindi sobrang pula ang mapa, ibig sabihin lang nito ay mas accurate na ngayon ang location kung saan marami ang demand.
  • Estimated waiting time. Ngayon, makikita mo na ang estimated waiting time para makakuha ng booking.
  • Auto-refresh ng Demand heatmap. Every 5 minutes, nag a-auto refresh ang demand heatmaps. Maaari mo rin itong i-refresh manually.

 

Paalala: Hindi ibig sabihin na mas pula ang heatmap ay mas mataas ang fare. Ibig sabihin lang nito na mas balanse ang demand at supply sa area kaya mas malaki ang chance mo na mas makakuha ng booking ng mas mabilis. 

Paano ito gamitin?

 

Frequently Asked Questions

1. Gaano kadalas mag-rerefresh ang Heat Maps ko?

Nag-rerefresh kada limang minuto (5 minutes) ang Heat Map. Kung mas mataas ang demand, mas magiging pula ang kulay sa mapa.

2. Kung mataas ang demand sa isang lugar, sigurado ba na makakakuha ako ng booking doon?

Hindi sigurado na makakakuha ng booking, ngunit sigurado na mas mataas ang pagkakataon na makakuha ng job sa lugar na mataas ang demand.

Tandaan: Nagbabago ang demand sa Heat Maps kada limang minuto (5 minutes) kaya’t hindi rin sigurado na makakauha ng bookings dahil maaaring magbago rin ang demand.

3. Kung mataas ang demand sa isang area, mataas din ba ang fares sa bookings doon?

Pinapakita lamang ng Heat Map ang dami ng booking na kailangan ng Grab service.

4. Bakit hindi parehas ang nakikita naming demand ng Ka-Grab ko?

Pinapakita ng Heat Map ang demand sa service types na activated sa Grab app mo.

5. Bakit nagpakita sa app ko na mag-on ng ibang service types?

Magpapakita ito kung wala masyadong demand sa naka-on na service type sa’yong app. Mag-on ng ibang service type sa “Settings” para makita ang demand sa ibang services.