Ka-Grab, naghanda kami ng mas extensive na reactivation process guide para sa GrabTaxi! Existing ka man o new driver/operator, mas pinadali na natin ang proseso!
I. GRABTAXI ACTIVATION GUIDE
STEP 1: Mag-sign-up sa https://register.grab.com/ph. Gamitin ang iyong grab-registered phone number sa pagsign-up.
STEP 2: Makakatanggap ka ng training invite via SMS. Siguraduhin na maipasa mo ang training para ma-activate ang iyong Grab driver account.
STEP 3. Mag-submit the vehicle and franchise information sa button sa ibaba.
STEP 4. Maghintay ng LTFRB confirmation na pwede ka nang bumiyahe. I-check ang iyong status sa link sa ibaba
STEP 5. Once na approved na ni LTFRB ang iyong application, ikaw ay maa-activate sa Grab platform kinabukasan.
STEP 6. Congrats! Activated ka na sa ating platform. Tingnan sa ibaba ang ating New Normal safety guidelines
STEP 1. Mag-submit the vehicle and franchise information sa button sa ibaba.
STEP 2. Maghintay ng LTFRB confirmation na pwede ka nang bumiyahe. I-check ang iyong status sa link sa ibaba
STEP 3. Once na approved na ni LTFRB ang iyong application, ikaw ay maa-activate sa Grab platform kinabukasan.
STEP 4. Congrats! Activated ka na sa ating platform. Tingnan sa ibaba ang ating New Normal safety guidelines
II. FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
Saan ako maaaring magpa-update ng plate number?
Mag-request lang ng plate number update sa https://help.grab.com/driver/en-ph/360039698412 mula 6 AM hanggang 10 PM.
Saan napupunta ang Promo at GrabPay rides?
Ang promo amount at GrabPay fares ay mare-remit sa iyong driver cash wallet pagkatapos ng trip.
Kinakailangan ba na mag-suot ngmask, gloves at magdala ng alcohol ang mga drivers sa byahe?
Oo. ayon sa LTFRB ang Drivers ay kailangan nakasuot ng facemasks, gloves (optional) at may sanitation kit sa kanilang sasakyan.
Kinakailangan din na mayroon barrier sa pagitan ng driver at pasahero.
Paano ko malalaman kung activated na ang aking driver sa Grab?
Makakatanggap ng SMS sa Grab registered number ang mga driver na activated na at maaari ng mag-byahe.
Paano kung approved na ng LTFRB ang TAXI ngunit hindi pa activated ang Grab driver account?
Siguraduhin na nakapag-register ka sa https://register.grab.com/ph at naka-attend na ng seminar. Ang validation ng Grab driver application ay umaabot ng 3-5 days kaya maghintay lang ng SMS.
Paano kung wala akong NBI or Police Clearance?
Maaari pa rin mag-apply bilang GrabTaxi driver kahit walang NBI/Police clearance. Ipasa na lamang ito kung ikaw ay makakakuha na.
Paano kung may existing account na ako sa Gcash at paano kukuhanin ang Gcash card?
Para sa existing GrabTaxi Drivers, hindi na kailangan ito palitan, para sa mga bagong GrabTaxi Drivers na papasok pagkatapos ng ECQ, kayo ay makakatanggap ng text message na maaari nang kuhanin ang inyo GCash card.
Paalala: Ang GCash card na galing lamang sa Grab ang gagamitin namen para sa driver remittance.
Paano pag ang booking ay hindi Grabpay?
Lahat ng bookings na manggagaling sa Grab app ay GrabPay or cashless payment.
Magkano ang kailangan na laman ng drive credit wallet upang ang driver ay patuloy na makatanggap ng Grab bookings?
Mag-maintain ng 100 pesos sa iyong credit balance upang patuloy na makatanggap ng Grab bookings.
Kailangan pa ba kaming kumuha ng special permit sa LTFRB?
Hindi na kailangan kumuha ng special permit galing sa LTFRB kung ikaw ay kabilang sa listahan na inilabas ng LTFRB sa kanilang website. Makikita dito ang listahan ng mga approved na vehicles grb.to/LTFRBApprovedVehicles
Saan mapupunta ang bayad ng pasahero?
Ang bayad ng pasahero ay automatically na mapupunta sa iyong Grab driver cash wallet pagkatapos maidrop-off ang pasahero.
Paano kung existing GrabTaxi na ang driver ngunit deactivated dahil hindi pa approved ng LTFRB and taxi na kanyang minamaneho?
Maaari ninyong ilipat sa approved na taxi ang inyong driver at ito ay automatically maaactivate kinabukasan.
Paano kung existing GrabTaxi na ang driver ngunit deactivated dahil mayroong syang violation?
Kung ang iyong driver ay deactivated dahil sya ay banned, hindi na maaaring maactivate ang kanyang account. Ngunit kung deactivated ang iyong driver dahil kailangan na lang mag-attend ng retraininng, pansamantala namin na ina-activate ang kanilang account kahit hindi pa nakaka-attend ng retraining basta approved na ng LTFRB ang kanyang taxi.
Paano ang process kung mag-transfer ng operator ang driver?
Kailangan lamang i-request ang change plate number upang makalipat ng ibang taxi operator.
Tandaan: Kailangan na approved ng LTFRB ang taxi na lilipatan.
Paano mag-request ng Grab ID?
Maaaring mag-request ng Grab ID sa https://help.grab.com/driver/en-ph/360032768871-Id-like-to-request-for-my-Grab-Electronic-ID
Paano kung hindi na maalala ng driver ang kanyang Grab email?
Bisitahin lamang ang https://help.grab.com/driver/en-ph/115008080208-I-cant-sign-in para magrequest ng new account or password.
Saan ko pwede tingnan ang status ng driver application?
Mag-login lamang sa https://register.grab.com/ph/login gamit ang iyong ini-register na Grab phone number upang makita ang status ng iyong application.