Simula January 28, 2020, magkakaroon na ng “Willing to Share” feature para more chances of MATCHED GrabShare rides!
Ano ang Willing to Share?
Ito ay new feature kung saan kapag may guaranteed match na GrabShare booking malapit sa pick up point, ang pasaherong nag-book ng GrabCar ride ay may option na i-share ang kanyang biyahe.
Ano ang pinagandang GrabShare Experience?
More Matches of Matching!
Sa bagong “Willing to Share” feature, mas malaki ang chance magka-match!
Bawal ang mga pasaherong pasaway!
Patuloy na inaaksyunan ang cases ng abusive cancellations. Kaya naman, marami nang pasaway na passengers ang na-deactivate.
I-report ang malalayong pick up points!
Kung may makitang malayo na pick up point, maaari mo itong i-report sa amin. I-tap lang ang button sa ibaba.
Huwag mag-alala sa unmatched trips!
GUARANTEED ang 30% Fare Multiplier Incentives sa anumang GrabShare trips* na walang naka-match kahit willing to share ang pasahero.
* GrabShare trips mula 7am-4pm at 8pm-11pm lang
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
Ano ang Willing to Share feature?
Ito ay new feature kung saan kapag may guaranteed match na GrabShare booking malapit sa pick up point, ang pasaherong nag-book ng GrabCar ride ay may option na i-share ang kanyang biyahe.
Ano ang benefits ng Willing to Share feature?
More matched GrabShare rides, mas maraming multiple bookings! Makakatulong ito kung may kailangang i-maintain na KGR+ tier!
Mas sulit ang bawat biyahe! Mas sigurado ang matched GrabShare rides kaya mas malaki ang kita!
Kasama ba dito ang Hatchback?
Hindi kasama ang Hatchback cars.
Kailan makakatanggap ang pasahero ko ng Willing to Share option?
Kapag nakita ng aming system na mayroong matched GrabShare job na papunta rin sa parehong ruta bago pindutin ang “I’ve Arrived”. Hindi na din magiging available ang Willing to Share after pindutin ang “I’ve Arrived”.
Ano ang mangyayari kapag hindi pumayag maki-share ang pasahero ko?
Kung nag-decline mag-share ang pasahero mo, magiging GrabCar ang ride. Ang final fare na makukuha mo ay makikita mo sa in-transit screen.
Ano ang mangyayari kapag pumayag maki-share ang pasahero ko?
Makukuha mo ang ang GrabShare fare at dagdag na fare mula sa matched booking.
Paano kung nag-cancel ang matched passenger?
Makukuha mo ang GrabShare fare at may GUARANTEED 30% Fare Multiplier Incentive sa GrabShare trip.*
* GrabShare trips mula 7am-4pm at 8pm-11pm lang
Pwede pa bang mabago ang trip ko kapag in-transit na ang pasahero?
Kapag nasa biyahe na ang pasahero hindi na niya maaaring baguhin ang napiling option. Hindi na din magiging available ang Willing to Share after pindutin ang “I’ve Arrived”.
Ilan ang maximum na bilang ng pasahero na pwedeng sumakay sa GrabShare?
Maximum of 2 passengers lang ang pwede mag-share o maka-match. Kapag higit sa dalawa o hindi nag-declare ang pasahero, maaari ka mag-valid cancellation. Hindi maaapektuhan ang completion rate mo.