Ngayon, lilipat na tayo mula Grab Driver app papuntang Grab Passenger app.
Kung meron nang Grab Passenger account, gamiting na lang ang iyong existing account. Make sure lang na pareho ang registered na phone number.
Grab Passenger app ang iyong gagamitin para makapag-cash out!
- Kung ikaw ay Android, pumunta sa PlayStore at i-download ang Grab Passenger app.
- Kung ikaw ay iOS, pumunta sa App Store at i-download ang Grab Passenger app.
3. Pagkatapos ma-download, mag-log in ka na!
TANDAAN: Gamitin ang iyong Grab-registered cellphone number sa pag-log in. Para i-check kung tama ang mobile number, pumunta sa iyong account sa Grab Driver App, i-click ang pencil icon at tingnan kung ano ang nakaregister na mobile number.
4. Makakatanggap ka ng 6-digit pin sa iyong cellphone. Ilagay ito.
5. Mag-log in sa Grab Passenger App gamit ang Driver-registered cellphone number.
Ito ang parehas na cellphone number na gamit mo sa iyong Grab Driver app
6. Once nakapasok ka na sa Grab Passenger app, i-double check kung verified ang iyong e-mail.
Pumunta sa Account Tab at tingnan ang e-mail na nakalagay. Dapat ay active e-mail mo ang nandito. Ito ay e-mail na pwede mong gamitin at buksan ang Inbox.
Malalaman mong verified na ang e-mail kung may CHECK MARK kang makita sa tabi ng iyong e-mail.
Sakaling wala pang e-mail na nakalagay dito, maglagay ng active e-mail. May verification e-mail kang matatangap mula kay Grab sa e-mail na ito.
Buksan ito sa active e-mail na iyong linagay at i-click ang Verify E-Mail Address para makabalik sa Grab App.