Gear Loan Program – 0% Down Payment at Interest!

Paps, kailangan mo na ba ng gear pero hindi pa sapat ang iyong cash? Wag mag-alalala! Hatid ng GrabFinance ang Gear Loan program. Makukuha agad ang gear with 0% Downpayment at 0% Interest! Alamin ang ibang detalye sa ibaba.

  1. Paano makapag-avail ng Gear Loan?
    • Ikaw ay makakatanggap ng SMS mula sa GrabFinance kung ikaw ay eligible para sa loan na ito. Once na makatanggap ng SMS, kumpletuhin lamang ang application form. 
  2. Paano maging eligible? 
    • Siguraduhing aktibo na bumibyahe sa Grab sa nakaraang 90 araw. Ikaw ay may magandang performance at hindi delinquent sa mga nakaraang loans. 
  3. Mayroon ba itong downpayment, interest o iba pang charges?
    • Ang ating gear loan ay may 0% interest at hindi kailangan ng down payment. Mayroon itong 3% processing fee na isasama sa iyong total loan balance. 
  4. Paano ang payment method?
    • Magkakaroon ng automatic deduction sa iyong cash wallet sa loob ng 60 days or 2 months (Mon to Fri deduction only). Tandaan na maaaring magkaroon ng multiple deduction attempts daily hanggang mabuo ang repayment amount na kailangan para sa araw na iyon. 
    • Ang actual payment scheme ay makikita sa iyong loan terms pagnakuha na ang approval. 
  5. Hanggang kailan ako maaaring mag-apply para sa Gear Loan?
    • Makikita sa SMS na matatanggap kung kailan ang deadline application. 
  6. Paano ko malalaman kung approve ang aking loan?
    • Pagkatapos isara ang programa, makakatanggap ka ng isa pang SMS kung saan malalaman mo ang status ng iyong loan sa loob ng 7 days. 
  7. Kailan magsisimula ang deduction para saking loan?
    • Magsisimula ang deduction 7 days after makuha ang Gear.
  1. Paaano ko makukuha ang aking Gear kapag na-approve na ang loan ko?
    • Puntahan ang link na ito para alamin kung paano mag-order ng gear set gamit ang Grab Passenger app.
    • Siguraduhin ilagay ang promo code bago mag place ng order
  2. Mayroon ba itong warranty? 
    • Pagkakuha ng bag, ikaw ay may 1 week o 7 days mula pagpurchase ng iyong gear para icheck ang status nito. Maaari ito ibalik for replacement kung ang Gear ay may sira or kulang na parts sa loob ng 7-day warranty period. Dapat tumungo kung saang branch una itong binili para ibalik ang item. 
  3. Paano ko ireregister ang Gear bag once nakuha ko na?
    • Pagkakuha ng gear, siguraduhing magfile for activation sa lalong madaling panahon para maactivate ito sa ating system. 
    • Pumunta lamang sa link na ito grb.to/GrabGearRegistration at kumpletuhin ang form. Abangan ang activation nito sa loob ng 48 hours.