Preferred Orders

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)

1. Napindot ko ang “LATER” sa halip na “OK”. Pwede pa ba akong makatanggap ng Preferred Orders?

Kung aksidente mong napindot ang “Later” sa iyong app at gusto mong makatanggap ng Preferred Orders, ipagbigay-alam ito sa Grab admin sa Ka-Grab Community app o KGC para mabuksan ang Preferred Orders para sa iyo.

2. Pwede ba akong HINDI makatanggap ng Preferred Orders?

Hindi pwede, Ka-Grab. Unti-unting linilipat ng GrabFood platform lahat ng orders para maging Preferred Merchant para sa mas mabilis na waiting time.

PAALALA: Hindi ka makakatanggap ng Preferred Orders kung hindi sapat ang iyong Credit at Cash Wallet balance para bayaran ang order value.

3. Paano ko malalaman kung Preferred ang isang booking?

Ang Preferred orders ay may Preferred stamp na iyong makikita sa iyong job card. Ito ay ang green na check mark na may nakasulat na Preferred.

Ang mga Preferred Orders rin ay galing lamang sa mga Preferred Merchants. Hindi lahat ng merchants ay Preferred. Ibig sabihin nito, kaunti at pili lamang ang mga merchants na ito.

4. Paano kung hindi sapat ang top-up ko sa Credit Wallet?

Kung kulang ang balance sa iyong Credit Wallet, kukunin ng Grab system ang butal mula sa Cash Wallet. Siguraduhing i-top up ang Credit Wallet dahil hindi maaaring sa Cash Wallet palaging kunin ng Grab ang order value.

PAALALA: Kung hindi sapat ang parehong Credit at Cash Wallet, makakatanggap ka parin ng Regular Cash Orders kung saan kailangan mo pumila at magbayad sa merchant. 

5. Pwede ko bang kunin ang order mula sa ibang branch ng parehas na merchant?

Hindi pwede, Ka-Grab. Para sa anumang order, Regular o Preferred booking man, kailangan mong pumunta sa tamang branch na nakalagay sa app.

Lalung-lalo na sa Preferred Merchants, inihahanda ng exact branch ang order ng eater. Hindi mo maaaring hingin ang order mula sa ibang branch dahil ang eater ang pumili sa exact branch na nakalagay sa app.

Itinuturing na fraud ang pagpunta sa ibang branch na hindi nakalagay sa app. Itatanggi sa iyo ang order kung hindi ito ang tamang branch.