GrabFood Gear Deposit Program

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)

 

1. Pwede ba akong bumili ng higit sa isang (1) GrabFood gear set? 

Hindi pwede, Ka-Grab. Bawat rider ay maaari lang bumili ng isang (1) set ng gear. Hindi rin pwede bumili ng hiwa-hiwalay na gear (ex. hindi pwede bumili ng 1 long-sleeved shirt only/1 helmet only/1 GF bag only)

2. Nakumpleto ko na ang 200 rides – bakit wala pa akong natatanggap na SMS? 

Kung matagal mo nang na-hit ang 200th ride mo, hintayin lamang ang SMS mula kay Grab.

Kung kaka-hit mo lang ng 200th trip, maghintay ng 1-2 weeks mula sa araw na na-kumpleto mo ang 200th ride para makatanggap ng SMS. Kung hindi ka parin nakatanggap ng SMS pagkatapos ng 1-2 weeks, ibig sabihin nito ay wala pang available stock o inventory. 

3. Mayroon bang libreng gear? 

Walang libreng gear, Ka-Grab. Ang mga rider na nakatanggap ng libreng gear noon ay mga top-performing riders sa GrabFood na nakasali sa isang launch promo. Hindi na ito mauulit. 

4. Paano kung hindi ako nakapunta sa distribution date na nakasabi sa SMS?

Kung hindi ka nakapunta sa distribution schedule na nakasaad sa SMS, pwede kang makapunta sa susunod na distribution schedule. Hintayin lang ang SMS para sa susunod na schedule.

PAALALA – Isang (1) set lamang ang maari mong makuha. Kung nakuha mo na ito nang unang distribution schedule, huwag na pumunta ulit. 

5. Mababawasan ba ang aking Cash Wallet kahit zero (0) o wala na itong laman? 

Mababawasan parin ang iyong Cash Wallet kahit zero (0) ang laman nito. Ang deduction nito ay mula sa iyong daily incentives kaya kung zero (0) ang Cash Wallet, magmumukhang -250 ang iyong Cash Wallet. 

PAALALA – Babawasan ang iyong Cash Wallet ng PHP 250  tuwing katapusan ng linggo sa loob ng eight (8) weeks. Dahil dito, asahan na bababa ang laman ng iyong Cash Wallet dahil sa deduction na ito. 

6. Ano ang kailangan kong dalhin kapag kukunin ko na ang aking gear?

Dalhin ang sumusunod sa iyong pick-up schedule:

  1. SMS Confirmation na natanggap mula sa Grab, at
  2. Official Grab rider-partner ID (yung binigay ni Grab sa iyong e-mail)

NO SMS and NO GRAB ID, NO GEAR. 

Kailangan masigurado na ikaw ay qualified at eligible para matanggap ang limited quantity ng gear for distribution. 

7. Pwede bang ibang tao (rider, kamag-anak, kaibigan) ang kumuha ng aking gear?

Hindi pwede, Ka-Grab. Kailangan na ikaw mismo ang pumunta sa iyong pick-up schedule upang matiyak ang iyong identidad bilang Grab rider-partner.