For non-preferred merchants only
Mas pinadali na ang pagmanage ng mga orders sa pagitan ng consumer at merchants! Pwede mo nang i-edit ang order details kung kinakailangan.
Dati, mae-edit mo lang ang final order price sa drop-off point.
Ngayon, pwede mo nang ma-edit agad ang order details habang nago-order sa merchant. May matatanggap na notification ang eater kung binago mo ang details ng kanyang order.
TANDAAN
Ugaliing sabihan ang eater bago i-edit ang order items para malaman niya ang mga binago sa kanyang order
- Huwag i-edit ang order items kung hindi alam ng eater
- Huwag hulaan ang order ng eater
Kung may promo code ang original booking, maaring hindi na applicable ang promo pagkatapos ma-edit ang order items. Ipaalam ito agad sa eater.
Kung i-cancel ng eater ang booking, hindi maapektuhan ang iyong Completion Rate.
Ang Edit Order Items ay applicable lamang sa mga non-preferred merchant orders kung saan kailangan mo pumila at magbayad sa merchant. Hindi ito applicable sa mga Preferred orders.
PAANO MAG-EDIT NG ORDER?
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)
1. Available ba ang bagong Edit Order Item process sa lahat ng bookings?
- Ito ay available lamang para sa non-preferred merchants only.
- HINDI ito applicable para sa mga Preferred Orders ng Cash o Cashless. Para sa mga Preferred Orders, hindi mo maaaring i-edit ang order price kahit nasa drop-off ka na dahil final na ang mga prices galing sa Preferred Merchant.
2. Kailangan ko ba mag-update ng app para makita ang bagong feature na ito?
- Oo, kailangan mo mag-update ng app para makapag-edit ng order items. Kung hindi pa updated ang app mo, mababago mo lamang ang total price sa drop-off point, katulad ng dati.
3. Kung hindi na applicable ang promo code, malalaman ba ng eater?
- Oo, makakatanggap ng notification ang eater na hindi niya na magagamit ang orihinal na promo code dahil sa mga pagbabago sa order items. Ngunit maliban dito, siguraduhin na i-contact ang eater at sabihin sa kanya ang mga pagbabago.
4. Paano kung nagbago ang order items pero walang pagbabago sa final order price?
- Kung walang pagbabago sa final order price pero nagiba ang order items, kailangan mo parin ilagay ang detalye ng pagbabago (ex. From Cheese Fries to BBQ Fries – pero P120 parin ang presyo). Ito ay nagsisilbing patunay o proof ng pagbabago.
- Ito rin ay hahanapin ng eater mula sa iyo kaya siguradong gawin parin ito para matiyak na klaro ang lahat sa pagitan mo at ng eater.