Lodi Mong Rider, Modelo at Idol Mo
Bakit dapat maging GrabFood SuperLodi?
Mas malaki ang tiwala ng merchant-partner at eater sa isang GrabFood SuperLodi dahil nakukumpleto niya ang bawat booking nang maayos at mahusay.
Hind lang siya masipag at matiyaga sa kanyang trabaho kundi sensitibo at magalang siya sa lahat.
Sikapin na maging katulad niya sa bawat booking na iyong makumpleto, sa bawat merchant na iyong puntahan, at bawat eater na iyong mabigyan ng order.
Kayang kaya mo rin maging katulad ni GrabFood SuperLodi!
Paano maging GrabFood SuperLodi?
1. Tamang Gear, Tiyak na Kita
Suotin ang proper delivery gear tuwing may bookings at habang nagde-deliver sa eater. Kabilang dito ang:
Sa pagsuot ng gear, nakikilala ka ng eater at ikaw ay mas pinagkakatiwalaan ng ating merchant-partners. Ang gear ay nakakatulong rin para protektahan kayo sa biyahe.
SUPER TIP #1: Ang gear ay sa iyo lamang, Ka-Grab. Hindi ito ipinapahiram o ibinebenta sa iba. Katulad ng anumang pagmamay-ari, ito ay pinapanatiling malinis at maayos upang maging presentable sa lahat ng oras.
2. Patuloy na tumanggap ng bookings
Ano ang tatak na maganda ang iyong performance? Mataas ang kanyang Completion Rate.
3. Alagaan ang order ng eater
Sa kabila ng traffic, araw o ulan – siguraduhin na ang order ay darating sa eater na kumpleto, malinis, at maayos.
Maliban dito, i-double check ang mga sumusunod:
✅ Malinis ang iyong delivery bag
✅ Dinadala mo ang delivery bag sa loob ng merchant para mapanatili ang freshness ng order
✅ Properly sealed at secured ang order na ilalagay sa delivery bag
✅ Swabe ang pagbiyahe para maiwasan ang posibleng pagtapon ng order
✅ Dumadating ang order sa eater na fresh at bago
✅ Ibigay ang resibo o Official Receipt (OR) sa eater. Ito ay nagsisilbing proof of payment ng order ng eater.
4. Maging best friend at lodi ng bayan
Hindi kumpleto ang pagiging GrabFood SuperLodi kung hindi ka modelo ng kabutihang-asal.
Pinapahalagahan ng bawat rider ang respeto at pagsunod sa tamang guidelines dahil dito nagmumula ang isang mabuting relasyon kasama ng merchant-partners at eaters.
SUPER TIP #2: Habang naghihintay ng booking, tingnan ang inbox message sa driver para malaman ang lahat ng latest updates mula kay Grab!
SUPER TIP #3: Malayo ang mararating ng pagiging magalang at mabait sa mga staff ng merchant. Kung masaya ang merchant, mas maraming bookings at mas malaking kita para sa iyo!
5. Alamin kung saan hihingi ng tulong
May mga di kanais-nais na sitwasyon na maaaring mangyari tuwing nasa booking.
Ano ang dapat gawin ng isang GrabFood SuperLodi? Huwag mag-panic at manatiling kalmado.
- Para sa wrong merchant information, click here
- Para sa mga booking na gusto i-report, click here
- Tulad ng: Passenger cancellations, technical issues
- Para sa operator cancels, tumawag sa Grab Hotline (883-7100).
Para sa mga iba pang issue o concern, pumunta sa Help Centre gamit ang iyong driver app. Click here.