“Safety Protocols” at “Safety Guidelines” – mga salitang palagi nating nababasa o naririnig.
Pero gaano nga ba kaimportante na sundin ang mga ito? Ganito kasi yan Lodi, sa bawat hindi mo pagsunod sa tamang safety protocols ay inilalagay mo na kaagad ang sarili mo at ang mga nakapaligid sa’yo sa alanganin.
Bakit?
Kasi sobrang bilis kumalat at makahawa ng COVID-19. Halimbawa, ayon sa Department of Health, alam mo bang sa hindi pagsusuot ng face mask ay mayroon na kaagad 85% chance na ma-transmit o maipasa ang virus?
Sobrang laking porsyento nito di ba? 😲
Kaya tandaan, hangga’t nandiyan pa ang banta ng COVID-19, wag na wag mag pakampante at sundin ang tamang safety protocols.
1. Palakasin ang iyong immune system. Kumain ng balanced meals, uminom ng maraming tubig at mag-take ng Vitamin C.
2. Kapag bumahing, takpan ang ilong o bibig gamit ang iyong braso o tissue. Iwasan ang paggamit ng iyong mga kamay na pampunas. Itapon agad ang gamit na tissue.
3. Iwasang hawakan ang iyong mukha at bibig. Maging maingat sa iyong mga hinahawakan dahil mabilis kumalat ang bacteria.
4. Iwasan ang mga taong maaaring may ubo, lagnat, o anumang mga sintomas ng COVID upang maiwasan ang pagkakasakit.
May mga inihanda kaming Safety Tips para maging guide mo sa isang mas ligtas at swabeng biyahe.
1. Temperature check
Tiyakin na hindi tataas sa 38 C ang iyong temperature.
2. Masamang pakiramdam? Ipahinga na muna yan Lodi
Kapag hindi maganda ang pakiramdam ay wag ng piliting bumiyahe at magpahinga lang muna. Kumonsulta kaagad sa doktor kung masama ang pakiramdam.
3. Face mask| Face shield| Alcohol
Mag baon palagi ng face mask, face shield at alcohol bago bumiyahe.
4. I-sanitize ang bag
Siguraduhing sanitized ang bag bago gamitin para siguradong safe sa virus ang ilalagay na items.
Bago palang bumiyahe, linisan na ang bag! 🧼
1. Magsuot ng face mask at face shield
Kahit sa inyong mga tambayan, siguraduhing suot palagi ang inyong face mask at face shield.
2. Social Distancing Lodi!
Kapag nakita ang mga ka-tropa, wag magkukumpulan. I-praktis palagi ang social distancing.
1. REQUIRED magsuot ng face mask at face shield!
- Hindi ka exempted sa pagsusuot ng face shield at face mask sa mga restaurants!
- Kahit naghihintay ng order o nakatambay lang sa labas ng merchant, required ang face mask at face shield.
- Hindi porket naka-helmet o outdoors hindi kelangan ng faceshield.
- Sa mga panahong ito lalo tayo dapat sumunod sa patakaran ng IATF para tuloy-tuloy ang ating hanapbuhay.
2. Social Distancing Lodi!
Wag pa rin magkumpulan at praktisin palagi ang social distancing habang nag aantay sa order.
1. I-practice ang Contactless Delivery pagdating sa drop-off
- Pagdating sa drop-off, 1 meter apart pa rin Paps! Mas safe kung mababawasan ang contact mo at ng consumer.
- Kausapin sa GrabChat ang consumer kung papaano niya gustong i-claim ang kanyang order.
2. Go Cashless muna tayo!
Less contact, less chance din na mahawaan ng virus kaya i-encourage ang ating consumers na mag-cashless payment muna.
3. Ibigay muna ang order bago kunin ang bayad.
Iwasan ang pagkalat ng mga mikrobyo sa pamamagitan ng pagbibigay muna ng order bago kunin ang cash payment na maaaring madumi.
Linisin ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig (o sanitizer) pagkatapos na humawak ng pera.
1. Panatilihing malinis ang sarili.
Ulit pa, Paps? Alam mo na to! ‘Matic na yan!
Maghugas ng kamay for at least 20 seconds gamit ang sabon at tubig. Gumamit rin ng hand sanitizer o alcohol.
2. Mag-sanitize ng bag at kamay kada trip.
Base sa isang study, maaaring tumagal ng ilang oras o araw ang COVID-19 virus sa mga surfaces kaya ugaliing linisin lagi ang bag.
3. Mag sabon o mag-alcohol ng kamay
Pagkatapos ng trip ay maghugas o mag alcohol palagi ng kamay
4. REQUIRED ang Social Distancing kahit nakatambay!
Huwag magkumpulan kasama ng iba pang Grab riders para maiwasan ang pagkahawa, lalo na at may dala kang pagkain para sa consumer.
Lodi Tip: Nakakita ng pasaway?
Kung may makitang kapwa rider o merchant na hindi sumusunod sa rules ng social distancing, i-report dito.
Magtulungan tayong pigilan ang pagkalat ng virus.
At para matiyak natin ang pagsunod ng lahat ng ating mga Lodi, mayroon tayong mga road marshalls na nag iikot para mag-report ng mga pasaway. Pwede rin kayong ma-report sa amin ng marchants o ng inyong kapwa rider.
PAALALA lang Lodi ha, pwede kang ma-suspend o ma-ban dahil lang sa hindi pagsunod sa safety protocols. Gusto mo ba to? Syempre hindi. Ganito tayo kaseryoso pagdating sa usaping kalusugan.
At isa pa, ayaw natin na mawalan tayo ng consumer dahil takot na silang gumamit ng service natin. Ang tingin kasi nila, hindi tayo sumusunod sa tamang safety protocols. Syempre ayaw din natin to.
Hinding hindi kami magsasawang mag-paalala kaya naman Lodi, makinig at sumunod dahil itong mga sinasabi namin, hindi lang naman para sa amin to e, para din sa’yo at sa lahat ng mga taong nakapaligid sa atin.
O paano, ingat palagi sa biyahe at ride safe, Lodi.
Laging protektahan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa health & safety measures.