Completion Rate: Ang batayan ng STU at driver performance

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs) 

1. May mga sitwasyon na hindi ko ginusto ang cancellation- lalung lalo na galing sa eater. Naapektuhan ba nito ang  aking Completion Rate?

Naiintindihan namin na may mga cancels na hindi kanais-nais. Huwag mag-alala dahil pasok at kinonsidera sa 65% Minimum Completion Rate Requirement ang mga sitwasyon at cancellation na ganito.

Sa kasalukuyan, ang average o karaniwang CR ng isang rider katulad mo ay nasa 80% kaya wala ka dapat na ikabahala. Patuloy lang na tumanggap ng bookings para mas mapataas ang iyong Completion Rate.

Biyahe lang ng biyahe, Ka-Grab!

2. Counted ba sa aking Completion Rate ang Operator Cancellations o Forced Cancellations galing kay Grab?

Oo, counted at kasama ito sa computation ng iyong Completion Rate. Ngunit huwag mabahala dahil ang Operator at Forced Cancellations ay bihirang mangyari at less than 1% ito ng total cancellations ng lahat ng riders. 

3. Maapektuhan ba ng CR ang aking incentives o gems?

Ang iyong incentives ay naka-base parin sa AR/DCR. Ang Completion Rate (CR) ay batayan ng driver performance at STU.

4. Gaano ko kadalas dapat tingnan ang aking Completion Rate?

Mabuting tingnan ang iyong CR sa katapusan ng bawat araw upang ma-monitor ito. Sikapin na pataasin ito bawat araw. TANDAAN – Ang STU ay naka-base sa weekly CR performance mo (Monday – Sunday).

5. Saan ko makikita ang aking Completion Rate?

Makikita mo ang iyong CR sa incentives page sa driver app.