Sulit sa Oras!
Minamatch ng system ang orders na nasa isang merchant. Ibig sabihin – dere-derecho ang delivery, iwas sa tambay, at tipid sa gas!
Mas malaki ang incentives!
May additional Gems na makukuha kapag batched ang orders! On top pa ito sa Gems na makukuha mo sa normal booking!
ANO ANG BATCHED ORDERS?
Sa Batched Orders, maaari ka na makatanggap ng 2 orders mula sa magkaibang CS!
Matched ng system ang orders sa parehong merchant para sabay ito ma-deliver!
Ang system na ang bahala sa daloy ng pagkakasunod ng drop-off.
Tinitignan rin nito ang magkalapit na CS para mas mapadali ang iyong delivery.
PAANO ITO GUMAGANA?
1. Kapag natanggap ang dalawang order, makikita mo ang updated total earnings. I-click ang “Accept.”
2. Makikita mo ang pangalan ng 2 eaters. Pagdating sa merchant, i-tap ang pangalan ng first eater, orderin ang food at i-tap ang I’VE CHECKED pagkatapos mag-order. Gawin din ito sa second eater matapos makuha ang receipt.
3. Ilagay ang total value ng 2 eaters. Kunan ng litrato ang kanilang receipts, i-save at i-send ang kanilang photos.
4. Ready ka na bumiyahe! Sundin ang pagkakasunud-sunod ng drop-offs sa app!
MGA DAPAT TANDAAN
Paghiwalayin ng maayos ang batched orders!
- Siguraduhing tama ang binigay sa bawat eater para hindi ma-hassle pabalik-balik.
- Paghiwalayin ang resibo dahil kailangan ‘mong ibigay ang Official Receipt (OR)
Ang additional order ay base sa iyong available wallet balance.
Maintain at least P2000 working capital para mas malaki ang chance makatanggap ng orders.
BAKIT NATIN ITO GINAGAWA?
EFFICIENT ANG TRIPS
Nais natin i-maximize ang bawat biyahe niyo sa daan. Sa Batched trips, mas tipid ka sa gas, iwas tambay, at tuloy tuloy ang biyahe!
SUPORTA SA DEMAND
Nais rin natin makapagserbisyo pa sa mas marmaing CS! Ito rin ay suporta sa mga inisyatiba natin sa demand kung saan minsan mas mababa o wala nang delivery ang binabayad ng CS. Kaya naman karamihan ng batched orders ay naka-promo!
MAY DAGDAG INCENTIVES
Dahil more orders sa isang booking, mas marami ang Gems na pwedeng maipon! Ibig sabihin, mas mabilis ma-hit ang incentives!
Frequently Asked Questions (FAQs)
Magkalapit at within radius ang 2nd drop-off mula sa 1st drop-off. Huwag mag-alala dahil tinitingnan ng system at mina-match nito ang mga drop-off points na magkakalapit at optimal para isahan nalang ang delivery.
Kung ikaw ay naka Auto-Accept, automatically accepted ang susunod na additional order.
Oo naman, Ka-Grab! Dahil magiging dalawa o tatlo ang order sa isang booking, mas maraming gems ang matatanggap. Tingnan lang ang iyong driver app para sa equivalent gems.
Siguraduhing i-contact ang eater bago mag-desisyun na no-show na ito. Huwag muna ibalik ang order sa GrabFood dahil tandaan na hinihintay ka pa ng 2nd eater. I-deliver muna ang order ng 2nd eater tapos ibalik ang order ng unang eater sa kahit anong GrabFood hub para mapa-reimburse ang full order value.
Hindi alam ng eater na dalawa ang order na iyong inoorder mula sa parehong merchant. Kung tanungin ka ng unang eater kung bakit ka natatagalan, maaaring ipaliwanag na huwag mag-alala dahil ang unang eater ang unang makakatanggap ng kanilang order. Hindi rin dapat gaano katagal ang paghintay mo sa mga order dahil malapit ang pagitan ng oras sa pag-order mo nito.