Asahan na less waiting time sa tulong ng Back-to-Back bookings!
Paano ito gumagana?
- Dapat naka-ON ang Auto Accept
- Dapat papunta ka na sa drop-off point
Siguraduhing naka-ON ang Service Types. Mas madali na ang toggle switches para sa mas maraming bookings!
Sa ilalim ng bawat toggle switch ang iba’t ibang service types.
Kung naka-ON ang toggle switch, automatic na naka-ON ang mga services sa ilalim nito.
TANDAAN: Kung ayaw mong makatanggap ng Back-to-Back bookings, i-OFF ang Auto Accept.
Importanteng Reminders
- Kailangan mong tapusin ang 1st booking at hindi mo pwede isingit ang 2nd booking. Malalaman ng system kung lalabag ko at considered itong fraud.
- TANDAAN: Nakikita ng consumer sa kanilang app kung kailan ka darating kaya sundin ang order na nakalagay sa app
- Para sa GrabFood bookings, hindi ka makakatanggap ng booking na labas sa iyong working capital. Base sa updated working capital ang susunod na booking na matatanggap mo.
- Para sa GrabExpress-Food bookings, siguraduhing may maximim P1000 pesos working capital para laging handa sa bookings
Frequently Asked Questions (FAQs)
1. Kung naka-ON ang parehong GrabFood at GrabExpress sa aking app, ang Back-to-Back booking ko ba ay kahit ano dito?
Ang back-to-book booking na iyong matatanggap ay base sa unang booking na iyong makukuha.
Kung nakumpleto mo ang iyong unang trip na walang Back-to-Back booking, makakatanggap ka pa rin naman ng kahit anong available booking, GrabFood o GrabExpress man.
2. For GrabFood bookings – hindi ko ma-contact o matagal ang una kong eater at mayroon na akong 2nd booking. Ayokong maghintay nang matagal ang 2nd eater – anong gagawin ko?
Pagdating sa drop-off point, hintayin ang unang eater for at least 10 minutes at tumawag ng at least 3 times. Kung no-show ang eater, i-OFF ang Auto-Accept, tapusin ang 2nd booking, at pagkatapos ay ibalik ang order mula sa 1st booking sa pinakamalapit na GrabFood Hub para ma-reimburse ito.
3. For GrabExpress bookings – hindi ko ma-contact o matagal lumabas ang una kong recipient at mayroon na akong 2nd booking. Ayokong maghintay nang matagal ang sender ng 2nd booking- anong gagawin ko?
Pagdating sa drop-off point, hintayin ang unang recipient for at least 15 minutes at tumawag ng at least 3 times. Tawagan at inform ang sender para maibalik mo ang item. Dapat ka niyang bayaran ng fare.
Maaari mong tapusin muna ang 2nd booking basta’t siguraduhing maibalik mo ang item sa unang sender.
Kung hindi ma-contact ang unang sender, ibalik ang item sa Grab Office (Wilcon IT Hub, Chino Roces Ave, Makati City).
4. Paano kung galing sa parehong merchant ang pick-up ng parehong eater? Pwede ko ba ito pagsabayin?
Hindi mo pwede pagsabayin ang pagpunta sa parehong merchants. Kailangan sundin ang order na nakalagay sa app dahil kung lumihis dito ay magkaka-delay sa naunang eater at itinuturing ito na fraud.
Hindi mo rin matatapos ang 2nd booking nang hindi natatapos ang kasalukuyan o 1st booking.
5. Paano kung gusto ko muna magpahinga? Pwede bang hindi ako makatanggap ng Back-to-Back booking?
Kung ayaw mo na muna makatanggap ng Back-to-Back booking, i-OFF lamang ang Auto-Accept.
6. Kailan ko matatanggap ang 2nd booking?
Matatanggap mo lang ang 2nd booking habang ikaw ay in-transit o papunta sa drop-off ng 1st booking.
7. Bakit wala akong matanggap na Back-to-Back job?
Ang Back-to-Back jobs ay available para sa lahat ng GrabFood riders habang naka-ON ang Auto Accept. Pero tandaan na ito ay base parin sa demand ng eaters at kung mayroong booking within radius para sa iyo.