Anong galawang rider ang talagang mapapa-WOW ang customer?
Ang Superlodi SOLID Guarantee.
Kung may SOLID na serbisyo, may SOLID na kita.
Previous slide
Next slide
Swabe sa Daan
- Steady bumiyahe. Hindi overspeeding at hindi bigla-biglang umarangkada. Hindi rin sumisiksik sa pagitan ng mga motor o sa mga masikip na kalye.
- Binubuksan ang headlights. Hindi matipid sa pagbukas ng ilaw, paps!
- Responsable kahit sa parking. Kapag paparada, laging secured ang motor o bike, pati narin ang bag.
- Protektado ang sarili. Nagsusuot ng proper gear: helmet, face mask, long-sleeved top, gloves, at closed shoes. Malaking no-no ang sando, tshirt, shorts, o tsinelas.
- Rain warrior. Nagsusuot ng kapote at hindi pinipilit na bumiyahe kung masama ang panahon. Sumusilong din para magpatila.
Sakaling masangkot sa aksidente, mag-offline muna at tawagan ang Emergency hotline sa (8) 883-7117 . Safety first!
Oras ay Maximized
- Hindi choosy! Binubuksan ang LAHAT ng 2W service types para sa maximum chance na makakuha ng booking.
- Naka-ON ang Auto-Accept. Hindi mapili. Anumang booking ang pumasok, blessing!
- May diskarte sa Working Capital. Ready kung kailangan mag-abono via Cash, at ready rin kung may pumasok na booking na Cashless. Alam ng bawat SuperLodi na mas malaking capital at cash-on-hand, mas malaki chance na makatanggap ng bookings!
- Hindi tumatambay sa isang lugar lagi! ‘Wag lagi sa pamilyar na lugar. Pumunta sa mga lugar na maaaring hind mo pa napupuntahan o hindi masyado dinadayo. Marami parin tayong customers na nagbo-book — tamang lugar at tamang oras lang ang diskarte, paps!
Loyal sa Booking
- Sinusunod ang nakalagay sa app.
- Kinokoleta ang payment kung Cash ang booking
- Walang kinokolekta kung GrabPay (Cashless) ang booking
- Sinusunod ang Total Amount na nakalagay sa app (walang overcharging!)
- Hindi sinisingil ang Promo Amount (sagot ni Grab yun, paps!)
- Communication is key! Malinaw ang pakikiusap via GrabChat, SMS, o call. Walang ginagawa sa delivery o food item na hindi alam ng customer
- Rinerespeto ang merchant staff. Magalang makipag-usap at patient na naghihintay o nagfo-follow up. Hindi hari-harian sa merchant branch!
- Magalang sa customer. Ito yung nagbibigay 5-stars talaga eh – mabait at may respeto makitungo sa customer.
- Walang shortcut. Pumupunta sa saktong pin na nakalagay sa app at hindi rin kinukumpleto ang booking nang hindi pa tapos.
Paano kung kailangan mag-cancel? Pwede naman, paps. Pero kung VALID lamang. ‘Wag ipapasa sa customer ang pag-cancel dahil pwedeng mag-VALID CANCEL at magpa-cancel sa LIVE CHAT kung kailangan.
Instant Alaga Sa Delivery Item
- Hindi lang basta tinatanggap! Bago man kunin ang item, tingnan kung ito ay kumpleto base sa nakalagay sa app. Dapat rin hindi ito ilegal o prohibited.
- Handle with care. Kadalasan pagkain, drinks, o mahalagang package ang delivery item, paps. Hawakan at ilagay ito sa bag nang maayos.
- May diskarte, may Grab bag man o wala. Laging dinadala ang Grab bag sa lahat ng deliveries at maximized ang espasyo at dividers nito. Kung walang bag, may topbox para may lalagyan ang delivery (plus points kung malinis at sanitized ang gear mo, paps.)
- ‘Matic na ang POP kung Express at POD kung Food! Malinaw at hindi blurry ang picture. Tandaan – delivery item para sa GrabExpress, resibo para sa GrabFood.
Doorstep Delivery
- Pumupunta sa mismong drop-off pin. Inaabot ang delivery item sa mismong customer para mabigay ang kanilang inaantay na delivery at sinisuguro na matatanggap nila ito. Hindi drop and run, paps!
- Vinavalidate ang identity ng customer. Hindi lang basta-basta binibigay ang order pero sinisiguro na sila ang nakalagay sa app.
- Best friend ang mga elevator o hagdanan. Hassle man, ang SuperLodi ay matiyagang umaakyat sa anumang floor para lang mabigay mismo sa customer ang order. (Pwera nalang kung may building regulation, iba galawan dun).
- Alam ang parking reimbursement process para sa GrabFood. Tinatago ang mga resibo ng parking at dinadaan ito sa tamang proseso ng pag-reimburse. Hindi pinipilit ang customer magbayad ng parking, kasi covered yun ni Grab!