Wag mag-alala kung kulang ang balance!

*Unti-unti ang pag-rollout ng bagong feature na ito sa iyong driver app. Siguraduhing updated ang app para maranasan ito.

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)

1. Kailangan ko parin ba mag top up? O maaari bang kaunti nalang ang amount na aking i-top up? 

Oo, kailangan mo parin ugaliing mag top-up palagi para makatanggap ng jobs. Pinapasimple lamang ng bagong feature na ito ang paraan kung paano mo matatanggap ang iyong kita pero kinakailangan mo parin mapanatili ang sapat na balance palagi. 

2. Para sa Preferred Cash bookings, kukunin parin ba sa Cash Wallet ko ang bayad para sa Order Value? 

Oo, walang magbabago at sa Cash Wallet mo parin kukunin ang value ng order. Ang pinagkaiba lamang ngayon ay imbis na ang order value ang basehan kung makakatanggap ka ng bagong booking, ang iyong final Cash Wallet transaction o ang net value ang bagong  basehan na. 

Halimbawa: Kahit na P85 nalang ang Cash Wallet balance mo, makakatanggap ka parin ng susunod na booking na may halagang P100 na order value kung ang promo value plus earning adjustment sa booking na ito ay higit o equal sa butal na P15. 

3. Para sa  Preferred Cash booking, may nakikita akong “order price after promo” sa aking Earnings Summary o History Page. Anong ibig sabihin nito? 

Para sa mga bookings na may promo, ang promo amount ay deducted derecho mula sa order value. 

Halimbawa: Kung ang order value ay P150 pero gumamit ang eater ng promo code na may P50 discount, makikita mo sa iyong Earning Summary ang order price after promo na P100. Itong P100 na ito ay deducted mula sa iyong wallet balance. 

TANDAAN: Ito ay para lamang sa Preferred Cash bookings.