Sawa ka na ba sa 3 GrabExpress bookings lang kada araw? May panlaban kami sa tumal, Ka-Grab!
Ang sagot? Sulit na bookings para sa IYO at sa ating mga consumers.
Simula December 2, 2019, mag-iiba na ang fare at incentive pricing para masigurado na BAWAT booking ay sulit at counted.
Bagong fare pricing para sa mas SULIT na biyahe kada booking:
- P61 for the first km,
- P6 for every succeeding km
Malayong biyahe? May EXTRA BONUS ka!
Kung ang total distance from pick-up to drop-off ay:
- 18km-25km= +40 pesos
- Greater than 25km= +100 pesos
Malayong drop-off? May EXTRA BONUS rin yan!
Kung ang drop-off ng iyong booking ay nasa:
- Zone 1 (Bacoor, Imus, Cainta, Taytay) = +99 pesos
- Zone 2 (Areas outside Metro Manila na hindi sakop Ng Zone 1) = +149 pesos
*Ito ay on top pa sa Total Distance bonus (#2)
Bawat GrabExpress Instant Bike booking ay may katumbas na:
- +10 gems for trips from 9AM-8:59PM
- +15 gems for trips from 1PM-4:00PM
- BONUS: May on top at dagdag na +30 gems para sa trips na may distance na above 20km.
TANDAAN: Maaaring magbago ang gems equiavalent. Tingnan ang iyong driver app para sa latest scheme.
Sa bagong fare at incentive pricing na ito, hangad namin na mas maparami pa ang iyong daily bookings at mas lumaki ang iyong kita.
Paano mo mas mapapalaki ang iyong kita sa GrabExpress Instant Bike?
Mayroon kaming 3 kontra-tumal tips!
1. I-strategize ang iyong total number of GrabExpress trips per day
Alamin saan at kailan pupuwesto sa simula pa lang ng araw! Makakatulong ito para ma-hit mo ang iyong target number of rides at target incentive scheme.
- Peak Hours: 10AM-12NN, 1PM-4PM
- Peak Areas: Quezon City, Makati City, Manila, Pasig City, Mandaluyong City
2. I-turn ON ang Auto-Accept!
Ang bookings ay naka-linya depende sa available rider at mas napapalaki ang chance mo na makuha ang NEXT available booking sa pag-ON ng Auto-Accept.
Asahan na dahil mas SULIT na ang presyo kada booking, mas rarami na ang bookings para sa iyo!
3. Tanggapin ang anumang booking – malayo man o malapit.
TANDAAN: Hindi ibig sabihin na malayo ang booking, luge na! May EXTRA bonus depende sa total booking distance at drop-off location!
Frequently Asked Questions (FAQs)
1. Bakit nagbago ang presyo ng Grabexpress Instant?
Rinig namin ang iyong concern na mababa ang fare, Ka-Grab. Dahil dito, ginawa naming MAS sulit ang bawat booking para sa iyo at sa consumer. Inaasahan natin na kung mas sulit ang presyo ng booking, mas maraming consumers ang tatangkilik sa GrabExpress.
Mas maraming consumers, mas maraming bookings para sa iyo.
Alam rin namin na kapag malayo ang booking ay nahihirapan ka. Kaya’t may extra BONUS na kapag malayo ang total distance at malayo ang drop-off.
2. Hanggang kailan magiging epektibo ang bagong presyo?
Ang bagong presyo sa ngayon ay mananatili hangga’t may nakikitang pagtaas sa bookings per rider si Grab.
3. May pagbabago rin ba sa gems incentives ng GrabExpress Instant?
Bilang panigurado sa pangkabuuang kita ng isang rider, mas pinataas ang gems ng GrabExpress Instant kasabay sa pagbabago ng presyo nito. Tingnan ang job card para sa buong detalye.
4. Magkano na ang commission sa GrabExpress pagkatapos ang pagbabago ng presyo?
Ang commission ay mananatiling 20% pa rin ng total fare.
5. Ako’y isang bagong rider sa GrabExpress. Maaari rin bang maging GrabFood rider?
Simula December 2019, lahat ng Onboarding ay para sa GrabExpress lamang. Para maging eligible sa GrabFood, kina kailangang maka gawa lamang ng 30 trips sa GrabExpress.