Mas pinadali ang bookings dahil mas malaki ang kita sa IISANG booking lamang!
Ano ba ang GrabExpress Same Day?
Isang booking na naka-batch na ang multiple deliveries
Optimized ang route! Magkakalapit ang mga pick-up at drop-off.
Bawat pick-up ay counted sa incentives. Ibig sabihin, may GEMS ka kada pick-up!
TANDAAN:
- MAS maraming pick-ups, MAS maraming gems. MAS sulit!
- Kada booking, iba-iba ang pagkasunod-sunod ng deliveries o trips base sa system (maaring maging alternate o salitan)
- Huwag mag-alala dahil pipiliin ng system ang pinakamagandang route kung saan magkakalapit ang mga pick-up at drop-off.
Paano malalaman kung GrabExpress Same Day ang iyong booking?
- Makikita mo ito sa iyong job card:
Bakit sulit ang GrabExpress Same Day?
- Binibilang ang INCENTIVES sa BAWAT pick-up, at hindi lang base sa isang booking!
- MAS maraming pick-ups at drop-offs, MAS maraming gems!
- On top pa dito ang FARE na nakikita mo sa iyong job card.
Paano ako kikita sa GrabExpress Same Day
Ano ang benefits ng GrabExpress Same Day?
1. Sulit sa ORAS!
Less waiting time dahil higit sa isang trip ang nasa isang booking.
2. LESS Tumal!
Ang Grab system na ang bahala sa pag-batch ng malalapit na pick-up at drop-off.
3. Mas malaking INCENTIVES!
Counted ang bawat pick-up sa GEMS. Mas maraming pick-ups,, mas maraming gems!
4. ON TOP pa ang FARE!
Ang fare na makikita sa iyong job card ay DAGDAG pa dahil on top pa dito ang incentives.
Frequently Asked Questions (FAQs)
1. Kung nakatanggap ako ng isang booking na may 3 pick-up points, considered ba ito na 1 booking o 3 bookings pagdating sa incentives calculation?
Ito ay considered na 3 jobs na may gems KADA pick-up point. Ibig sabihin, may gems kang matatanggap sa bawat isa sa tatlong pick-up point at hindi lang sa iisang booking.
2. Kung may 3 akong pick-up para sa iisang booking, paano ko malalaman kung magkano ang na delivery fee?
Makikita mo sa iyong driver app ang fare na sisingil kada pick-up point para hindi ka malito sa fare sa bawat pick-up na iyong puntahan.
3. Anong gagawin ko kung hindi ko ma-contact ang recipient ng delivery?
Siguraduhing maghintay ng at least 15 minutes sa drop-off point. Kung wala talaga ang recipient, i-contact ang sender at ibalik ito sa kanya. Ang sender ang kailangang magbayad ng fare amount na nakalagay sa passenger app.
Lahat ng returns ay dapat ibalik pagkatapos mapuntahan at ma-complete lahat ng deliveries sa booking.
4. Lahat ng pick-up points ko sa booking ay paid via CASH pero ang na-collect ko ay kulang kumpara sa nakalagay sa app. Posible ba ito?
Maaari ngang mangyari ito, Ka-Grab. Pero huwag mag-alala dahil laging calculated ang iyong fare base sa distance at babayaran ni Grab ang anumang butal pagkatapos ng bawat booking. Makikita mo ang breakdown sa payment screen ng iyong app pagkatapos ma-complete ang booking.