Table of Contents
Ano ang top up?
Bilang isang Grab driver-partner, importanteng malaman kung ano ito. Sa top up kinukuha ni Grab ang commission para sa lahat ng iyong trips. Simula June 24, 2019 Lunes hindi ka na makakatanggap ng requests kung mas mababa sa P100* ang iyong top up. Ipagpatuloy ang pagbasa para malaman kung kung paano mag-top up.
*Ito ay para sa Grab Taxi lamang. Maaari pa ito magpalit.
Ano ang Cash Wallet?
Sa Cash Wallet Balance napupunta ang bayad mula sa mga GrabPay at Promo trips niyo matapos macomplete ang rides. Maaari niyong gamitin ang balance niyo sa wallet na ito para mag remittance request, mag top up ng Credit Wallet niyo gamit ang Cash to Credit feature at mag-laod sa inyong passenger gamit ang Load GrabPay to Passenger.
Ano ang nilalaman ng Cash Balance?
- GrabPay Remittances
- Selected Promos
- Grab Rewards
Ano ang nangyayari sa laman ng Cash Balance?
Maaari mong ilipat ang laman ng iyong Cash Balance papuntang GCash kahit kailan mo gusto. Remittance request ang tawag dito. Makikita mo ito sa iyong GCash sa susunod na araw. Maaari mo rin gamitin ang laman ng Cash Balance para mag-top up gamit ang Cash to Credit feature. Maaaring puntahan ang link na ito.
Cash to Credit top up
Isang paraan ito para mag-transfer ng pera galing sa iyong Cash Balance papuntang Credit Balance para makapag-top up.
Step-by-step Guide
- Pindutin ang GrabPay Wallet at buksan ang Credit Balance.
- Piliin ang Top up with Account at i-enter ang amount
- Mag-confirm para tapusin ang pag-top up
Paano mo makikita ang mga na-transfer sa Credit Balance?
- Driver App – Makikita ang lahat ng Cash to Credit transactions sa Credit Transactions History sa Driver App. Lahat ng Cash to Credit Top up transactions ay naka-label na “CTC-TOPUP-XXXXXXXXXX”
- Passbook – Ang mga Cash to Credit Top up transactions ay makikita bilang deductions sa Grab Rewards or GrabPay Remittance.
Driver Top up Locations
- GCASH
Load-an ang iyong GCash account sa mga establishments na mahahanap sa https://grb.to/gcashbranches.
Pano mag top-up through GCash:
- I-dial ang *143*9*8*1*1#
- Piliin ang voucher denomination
- I-type ang GCash account PIN (4 digit)
- I-type ang recipient’s (Driver’s) 11-digit mobile number
- Ang Driver ay makaka-receive ng confirmation message na mayroong code na magagamit para matop-up ang credit balance.
- Sa inyong Grab Driver app, pumunta sa Credit Wallet at piliin ang Top Up with Pin upang iyong i-type ang 16-digit code.
Important Reminders:
- Ang Grab driver voucher ay hindi automatic na ma-load sa iyong driver app, ito ay ma-load lang kung i-input ninyo sa mismong driver app.
- May service fee na Php5 sa bawat purchase ng voucher regardless sa halaga na binili.
- Kung hindi gumagana ang e-voucher na nabili, ipaalam ito sa amin.
- Kung nais i-VOID o ibalik ang e-voucher na nabili, tumawag sa GCash Hotline, i-dial ang 2882 (press 2, 1, 5).
- Kapag hindi natanggap ang 16-digit code, tumawag sa GCash Hotline, i-dial ang 2882 (press 2, 1, 5).
- ExpressPay
Maari ding bumili ng code sa higit 1000 outlets of Expressway nationwide. Para sa kumpletong listahan, pumunta sa https://grb.to/expresspaybranches.
- TouchPay
Pano mag top-up through Touchpay:
- Choose service
- Click E-money Folder
- Choose Grab or Grab Express
- Kiosk will show notice
- If driver agree and choose ‘Yes’ then kiosk will request Mobile Number.
- Type mobile number and click ‘Next’
- Choose preferred denomination
- Kiosk will show Payment screen
- Insert enough money to activate ‘Pay’
- Press ‘Pay’ and take receipt
Para sa listahan ng locations, pumunta sa https://grb.to/touchpaybranches
- Top-up vouchers via Retailer Stores
Maaari ring bumili ng physical Top-Up vouchers sa Grab HQ – 12th Floor, Wilcon IT Hub, 2251 Chino Roces Ave., Makati City (near MRT Magallanes station) o kaya’y bumisita sa mga sumusunod na Retail Load Partners https://grb.to/retailerstores.
- E-Top up
Ginagamit ang e-top up para magtop up mula sa GCash papunta sa Top up o Credit Balance ng iyong Driver App.
Kailangan lamang na:
- Registered sa GCAsh ang iyong smartphone
- May sapat na balance ang iyong GCash. Maaaring mag-load ng GCash sa mga GCash Partner outlets:
- 7-Eleven
- PureGold
- Globe
- SM Department Store
- Villarica Pawnshop
- Tambunting
Step-by-step Guide
- Para bilhin ang e-top up, i-dial ang *143# at sundan ang susunod na steps.
- Tap “Reply” at ilagay ang numero na katumbas ng “GCash”. Sa example na ito, type “9”.
- Tap ang “Reply” at ilagay ang numero na katumbas ng “GCash Biz Solutions”.
- Tap ang “Reply” at ilagay ang numero na katumbas ng “e-voucher”.
- Tap ang “Reply” at ilagay ang numero na katumbas ang “Yes I am a member”
- Tap “Reply at ilagay ang numero na katumbas ng napiling top up amount.
- Tap “Reply” at ilagay ang 4-Digit PIN ng iyong GCash Account.
- Tap “Reply” at ilagay ang 11-digit mobile number ng gustong padalahan ng e-top up.
- Tap “Reply” and type “Grab”. Huwag ito hayaan maging bakante.
- Magpapakita ang message na ito na nagsasabing makakatanggap ka ng SMS confirmation.
Note: May service fee ang pagbili ng e-top up na Php5
Piliin kung magkano ang pwedeng ilipat mula sa cash wallet papunta sa GCash account!
Ano ang laman ng Cash Wallet?
Pumapasok sa Cash Wallet ang lahat ng GrabPay, Promo, at Grab Rewards remittances ng Driver. Ang laman ng cash wallet ay napupunta sa GCash account ni Driver sa susunod na araw.
Tandaan:
- Ang total requested amount ay mareremit sa iyong bank account sa susunod na araw.
- Mas mabuting mag-cash out sa gabi kapag tapos magbiyahe o bago mag-offline sa Grab driver app upang isahan na lang ang pag-cash out sa susunod na araw.
- Iba ang Remittance Request feature sa Cash to Credit Top up feature. Ang Remittance Request ay nagagawa sa Cash Wallet at ang Cash to Credit Top up ay sa Credit Wallet.
Step-by Step Guide
- Pindutin ang Cash Wallet (kung saan nakukuha ang GrabPay, Promos, and GrabRewards) at piliin ang Transfer to Account.
- Ilagay ang amount na gustong ma-transfer. Pagka-input ng amount, piliin ang Next.
- Makikita ang Transfer Summary. Click confirm pagkatapos i-review ang detalye ng transfer.
- May mga pagkakataon na hindi magiging successful ang pag-transfer mo dahil sa mga sumusunod na rason:
- Maling GCash Information
- Hindi sapat ang balance
- Umabot na sa monthly limit ng pag-remit sa GCash
Frequently Asked Questions
- May service fee ba tuwing bumibili ako gamit ang *143#?
- May Php5 na fee sa bawat pagbili, kahit ano pa man ang halaga ng E-Voucher na binili.
- May limit ba sa number o halaga ng Grab e-top up na pwede kong bilihin sa sa isang araw o buwan?
- Walang limit sa pagbili ng e-Top up
- Pwede pa rin ba ako bumili ng Grab e-Top up kahit kulang ang balance ko sa aking GCash account?
- Kailangan ng sufficient balance bago makabili ng Grab e-Top up
- Available ba ito 24/7 o tuwing holiday?
- Oo, available ito anytime!
- Paano ko marerecieve ang Grab e-Top up ko?
- Makakakuha ka ng SMS galing sa 2882 (GCash) na naglalaman: “Wonderful day! You have purchased <Product> Grab e-voucher with code <coupon code> via GCash on <date><time> Ref No. <Ref no.>.
- Paano kung bumili ako ng Grab e-voucher pero wala akong nakuhang sagot o confirmation message sa status ng aking transaction?
- Pwede kang tumawag sa GCash hotline na 2882
- Ano ang laman ng Cash Wallet
- Nilalaman ng Cash Walley ang mga remittances mula sa Grab Rewards, GrabPay, Promos, at GrabRewards.
- Tuwing kailan updated ang laman ng Cash Wallet?
- Automatic na napupunta ang GrabPay, Promo, at GrabReward remittance mo sa CAsh Wallet matapos macomplete ang rides. Ang Grab Rewards ay nareremit sa cash wallet mo linggu-linggo matapos ang rewards period.
- Ano ang Remittance Request?
- Sa Remittance Request, pwede mo na ilagay sa’yong GCash Account ang laman ng Cash Wallet mo. Gamit ang Remittance request ng inyong app, maaari mo nang mapili kung magkano ang ilalagay mo mula sa cash wallet.
- Ano mangyayari kapag hindi ko na cash out ang mga earnings ko for the day?
- Lahat ng earnings na hindi na-remit via Manual Cash out ay mananatili sa iyong cash wallet at maaaring ma-remit sa susunod mong request.
- Magkano ang pwede kong i-cash out via Remittance Request?
- Maaaring kang mag-cash out ng minimum of P100 per transaction and maximum of P35,000 per transaction. Walang limit sa number of cash out transactions sa isang araw.
- Na-decline ang Remittance Remittance ko. anong kailangan kong gawin?
- Lahat ng declined cash out ay ibabalik sa cash wallet mo. Maaaring ma-decline ang cash out mo dahil naka-deactivate ang GCash account mo o umabot na sa limit ang inyong total cash in transactions for the month.
- Paano kung iba ang GCash account na makikita ko sa app vs sa GCash account na hawak ko?
- Pumunta sa office habang dala ang GCash account mo at i-request na i-update ito sa system. Tandaan ‘wag pindutin ang cash out kung iba ang iyong GCash account sa app.
- Paano kung napindot ko na ang cash out bago ko mapansin na iba ang GCash account ko sa app?
- Pumunta lamang sa office para i-report ang nangyari at para maibalik sa’yo ang amount na na-transfer sa ibang account.
- Kailan mare-remit ang Remittance Request ko?
- Mareremit ang remittance request isang araw pagkatapos mong irequest yung cashout (e.g. Kung nagmanual cashout ka mula sa cash wallet noong Monday, mareremit ito sa GCash sa Tuesday)
- Ano ang mangyayari sa balance ng Cash Wallet na hindi ko i-remit gamit ang Remittance Request feature? Maaari ba itong magamit para mag-top up?
- Mananatili lang ang balance sa’yong Cash Wallet kung hindi mag-remittance request feature. Oo, pwede mo magamit ang remaining balance ng Cash Wallet para mag-Cash to Credit Top Up.
- Pwede ba sa ibang GCash account ma-remit ang Cash Wallet balance?
- Hindi. Sa registered GCash lang ng driver mapupunta ang amount na na-request sa Remittance Request feature.