Introducing Grab’s New Safety Standard para sa New Normal! Safest and secure transport service type against COVID-19! Nandito na ang upgraded GrabCar! Ano ito at paano maging bahagi ng fleet? Alamin!
Ang Upgraded GrabCar ay ang mas pina-secure na dahil mga fully vaccinated Ka-Grab partners lamang ang magbibigay serbisyo.
Bukod pa rito, may added COVID-19 assistance din ito para sa mga passengers kaya’t dadami rin ang bookings at rides sa Service Type na ito.
Sa bagong GrabCar, sulit ang bawat booking! Oh diba?! Bakunado ka na, may extra kita ka pa!
Paano maging bahagi o manatili sa Upgraded na GrabCar?
First requirement ay ang pagiging vaccinated ng kahit anong brand ng COVID-19 vaccine. After vaccination ay i-submit ang inyong proof of vaccination dito sa link na ito.
After makapag-submit ng proof of vacccination, ikaw ay makaka-receive ng SMS o ng in-app notification na umattend ng ating required GrabCar safety training.
Dito malalaman ang mga requirements na kailangan at other safety reminders para makabilang o manatili sa GrabCar fleet.
Ang training ay via GrabAcademy sa Grab Driver App kaya kahit anong oras ay pwede mo itong i-accompliosh. Huwag kalimutan mag-sign in sa Grab Driver App gamit ang inyong account.
Ano nga ba ang mga kailangan sa vehicle para maging parte ng GrabCar?
- Acrylic or Plexiglass Barrier
- 500 mL alcohol
Kailangan magsubmit ng photos ng acrylic barrier at sanitizer sa submission form na ito.
Dahil pictures ng requirements ang kailangan i-submit, siguraduhing klaro at kita ang mga ito sa mga pictures na ipapasa sa form. Mayroong tatlong pictures na kailangang isubmit sa form at ito ang mga sumusunod:
Photo 1: Acrylic / Plexiglass barrier + Alcohol + Driver + Vehicle
Photo 2: Vehicle + Plate Number + Driver
Photo 3: Driver Valid ID
Siguraduhing makapag-pasa ng requirements two weeks after ng training session upang mapabilis ang inyong onboarding sa GrabCar.
Paalala: Ang pagsubmit ng mga fake documents pati na mga pictures na hindi sa iyo ay paglabag sa ating Driver Code of Conduct. Siguraduhing tama at tapat sa pag-submit ng requirements.
*** Sa ilalim ng Alert Level 1, optional na lamang ang Acrylic o Plexiglass Barriers. Kung ito ay tatanggalin, aming ipinapayo na ito ay itago nang mabuti bilang preparasyon kung sakali man na i-mandate muli ng IATF, at LTFRB.
Pagkatapos makapag-submit ng requirements sa submission form, ive-verify ito ng aming team.
After successful verification, hintayin ang SMS ng Grab representative upang mag-schedule ng pick-up appointment sa GDC para ma-claim ang Grab-issued vaccination badge at safety signage.
I-pick up ang mga safety signage at vaccination badge at i-install sa barrier upang sa pag-biyahe ay makita at mabasa ng maayos ng mga passengers.
At voila! Kasama ka na sa upgraded GrabCar fleet, ang safest transport Service Type sa ating Grab platform.
Requirement ng GrabCar ang pag-install ng acrylic o plexiglass barrier at sa inyong sasakyan. Kailangan ito upang mapanatili ang safety mo at ng passenger pati na rin dagdag na proteksiyon laban sa COVID-19 virus.
Bilang suporta sa mga naghahanap pa ng acrylic barrier, nakipag partner kami sa ilang suppliers na maaari ninyong puntahan para maka-avail ng barrier.
Partner 4: Arlechino Concepts Inc.
Price: Php 1,200 – Php 1,800
For more information, check GrabPerks here.
Steps to Avail
Step 1. Mag-inquire at pumunta sa napiling supplier.
Step 2. Ipakita ang inyong Grab Driver App at isang valid ID.
Step 3. Pag-usapan with supplier ang napiling acrylic barrier at presyo nito.
Step 4. Magbayad bago simulan ng supplier ang production.
Step 5. I-claim ang acrylic barrier pagkatapos ng production time. Ang installation ng barrier ay pwede ring gawin ni supplier.
Step 6. After claiming at installation, mag-submit ng photos ng acrylic barrier at other requirements sa ating proof of requirements submission for GrabCar.
Advisory: Sa ilalim ng Alert Level 1, optional na lamang ang Acrylic o Plexiglass Barriers. Kung ito ay tatanggalin, aming ipinapayo na ito ay itago nang mabuti bilang preparasyon kung sakali man na i-mandate muli ng IATF, at LTFRB.
1. Paano kung hindi pa ako fully-dosed sa aking vaccine?
Kailangan munang makumpleto ang iyong second dose ng vaccine para ma-activate ang GrabCar Protect sa iyong Driver App pero maaari ka nang maka-receive at umattend ng training invites at makapag-submit ng mga requirements.
2. Ako ay may plastic cover/ plastic barrier, hindi ba pwede iyon?
Ang requirement para sa GrabCar Protect ay acrylic o plexiglass barrier lamang. Kung nais mapabilang sa fleet na ito ay kailangan magpalit ng barrier.
Paalala: Sa ilalim ng Alert Level 1, optional na lamang ang Acrylic o Plexiglass Barriers. Kung ito ay tatanggalin, aming ipinapayo na ito ay itago nang mabuti bilang preparasyon kung sakali man na i-mandate muli ng IATF, at LTFRB.
3. Ako ay may acrylic L-type barrier, pwede na ba iyon?
Kung sakaling L-type acryclic/plexiglass barrier na ang naka-install sa vehicle, hindi mo na kailangan magpalit sa straight type barrier.
4. Anong benefits ang pwede kong makuha sa GrabCar kung sakaling ako ay magka-COVID 19?
Pareho pa rin ang benefits sa existing GrabProtect Driver COVID Assistance. Hindi ito nangangailangan pa na ma-ospital para makuha ang financial assistance.
5. Kumpleto ko na ang requirements at nakapag-training, bakit wala pa rin akong GrabCar?
Ka-Grab, after completion ng requirements, maghintay lamang dahil within 1 week ay makaka-receive ka na ng GrabCar Service Type.
6. Paano ilagay nang tama ang acrylic/plexiglass barrier?
Ipantay ang height ng acrylic/plexiglass barrier sa headrest (max 5 inches mula sa ceiling) para may daluyan ng hangin.