Mandatory Swab Testing Process

Step by Step Process: Weekly Mandatory COVID-19 Swab Testing for Unvaccinated Drivers and Riders

Ka-Grab, sa ating patuloy na pagharap sa COVID-19 pandemic, mas lalo nating kailangan mag-ingat at maging responsable sa pananatili ng safety at security sa ating Grab community. Saludo kami sa inyong walang sawang pagsuporta sa ating mga hakbang upang proteksyunan ang ating sarili, at ang ating mga pasahero sa pag-biyahe.  

Simula January 17, 2022, magsisimula na ang Mandatory COVID-19 Swab Testing natin every week sa mga unvaccinated driver-partners. Ang halaga ng COVID swab test na ito ay kailangan sagutin ng unvaccinated na driver at rider. 

📝 Paano ang Proseso ng Mandatory COVID-19 Antigen Swab Test?

Kung unvaccinated ka pa, Ikaw ay kailangan magpa-schedule ng antigen test sa preferred mong Grab-accredited partner clinic every week hangga’t hindi ka pa nagpapa-bakuna. Mangyaring tuparin ang Mandatory COVID Swab Test upang hindi ma-deactivate o ma-restrict sa app 

Bawal ang walk-ins sa partner clinics. Kailangan magpa-schedule ng Antigen Test any day of the week basta’t maisagawa mo ito bago matapos ang Sunday kada linggo dahil every Monday ang deactivation/restriction. 

Ang Antigen cost ay sasagutin ng unvaccinated driver-partner at naka-base sa accredited partner clinic na iyong pipiliin. Tignan ang List of clinics, branches at prices sa ibaba. 

PAALALA: Kailangan mong tawagan at mag-inquire sa Partner Clinic upang makapag-schedule ng iyong Antigen Test. No walk-ins allowed. 

Pumunta sa testing clinic kung saan nagpa-schedule. Huwag kalimutan ipakita ang testing appointment/schedule confirmation. Magdala rin ng sariling ballpen, valid ID pati ang iyong Grab ID for identification. Huwag kalimutan magsuot ng face mask bilang health and safety protocol.

 

Pagpasok sa waiting area ng testing center, mag-register at mag-fill out ng mga required forms. Bayaran ang antigen test base sa presyong nakatakda sa table ng partner clinic information.

PRO-TIP:

Mas maiging agahan ang pagpunta sa Testing Center para mabilis ring matapos sa Antigen Test!

After successful registration, antayin ang inyong turn na pumunta sa Testing Station para sa iyong antigen test.

Pagkatapos ng antigen test, malalaman mo ang iyong result via Email, SMS, or Viber within 24-48  hours. Ang message na ito ay galing sa authorized Grab-accredited partner-clinic.

TANDAAN:

Para siguradong matanggap ang swab result, siguruhing tama ang cellphone number at email na ilalagay mo sa registration form.

Kung ikaw ay NEGATIVE: Maari ka nang magpatuloy sa pagbiyahe. Magpabakuna upang ikaw ay ma-exempt sa policy.

Kung ikaw ay POSITIVE: Pansamantala kang mare-restrict at kailangan mong mag-isolate for 10 days. Ibig sabihin, kailangang mong bumukod sa ibang mga tao, lalo na sa iyong mga kasama sa bahay. Iulat ito sa iyong barangay/LGU upang mai-record ang iyong Day 1 ng isolation . Kapag nag-positive, maaaring mag-file for assistance sa link na ito.

Kung ikaw ay hindi nakapunta sa Antigen Test Schedule, kailangan mong magpa-reschedule ulit ng iyong swab test sa preferred clinic bago matapos ang Sunday of the week upang ikaw ay hindi ma-deactivate sa Monday kinabukasan.



Kung ikaw ay nag-positibo sa test at nakapag-isolate na, para ma-reactivate, kailangan mag-submit ng Barangay clearance/certificate na nagsasabing nakumpleto mo ang 10-days isolation. At i-submit sa link na ito upang ma-unrestrict ang iyong account.

Kung ikaw naman ay na-deactivate dahil sa hindi pagpunta sa swab test mo, ikaw ay mare-reactivate upon completion ng swab test at kung ikaw ay NEGATIVE. Ang driver/rider ay mare-reactivate 24-48 hours within testing (with Negative results), except for Saturday at Sunday. Kung ang driver/rider ay na-deactivate any day of the week at naghintay ng weekends para makapag swab test, earliest siya na pwedeng ma-reactivate ay sa Monday.

⚕️🩺List of Partner-Clinics

Partner Clinic with Branches Available Nationwide

Antigen Test Cost: Php 900

Upang makapag-set ng appointment, magpadala ng SMS o text message sa contact number ng preferred branch.

Metro Manila Partner Clinics

Antigen Test Cost: Php 550

 

Antigen Test Cost: Php 650

Antigen Test Cost: Php 728

Please take note of the following for booking a schedule with Reliance United:

  1.   Send an SMS to 09190607659
  2. The SMS format should be as follows:

“Grab Partner Antigen Test Request for Schedule:

– Last name, First name, Middle Initial

– Date requested: (MM-DD-YYYY)

– Time requested: hour-minute- am/pm

– Clinic location: ______________”

 

Branches:

Other Cities Partner Clinics

Baguio City:

 Baguio General Hospital: Php 200

Batangas City:

Marilao Medical Diagnostics Clinic: Php 900

Lipa City:

Marilao Medical Diagnostics Clinic: Php 900

Legazpi City:

 Sacred Heart Clinic:

Pampanga:

Hi Precision Angeles, Pampanga: Php 900

 

Olongapo City:

Lab1 Diagnostic Center: 1,300

Tarlac City:

MTalon Diagnostics Center: Php 960

Bacolod City:

W.J. Villanueva Inc. (Villanueva Clinic Laboratory): Php 960

Cebu:

1. Reliance United: Php 728 Antigen Cost

2. Maaari rin magpa-schedule sa preferred Testing Center. Subject sa verification ng Grab ang inyong results.

Dumaguete:

Healthcare Diagnostics Center: Php 800

 

IloIlo:

Panay Medical Ventures: Php 960

 

Tacloban:

St. Paul Hospital: Php 1,200

Cagayan de Oro:

Hi Precision Diagnostics: Php 900

 

Davao:

Hi Precision Diagnostics: Php 900

Butuan:

Hi Precision Diagnostics: Php 900

General Santos City:

1. Vitalab Healthcare Inc: Php 960

 

2. Safeguard DNA Diagnostics Inc.

 

Zamboanga City:

Ciudad de Medical de Zamboanga

 

Note: Kasalukuyan pa rin tayong nagdadagdag ng iba pang mga partner-clinics sa iba’t-ibang areas malapit sa inyo upang makapag-schedule ng Antigen Swab Test. Tandaan na bawal ang walk-ins.

Bakunado ka na ba, Ka-Grab?

Kung hindi ka pa nakapag-submit ng proof of vaccination, mag-submit ka na!

FAQs

Para sa dagdag na kaalaman, katanungan o klaripikasyon, maaaring sumangguni sa ating Help Centre.