Nakikiisa ang GrabFinance sa Bayanihan to Recover As One Act

Bilang pakikiisa sa Bayanihan to Recover as One Act, magkakaroon ng 60-day  grace period ang GrabFinance para sa lahat ng loan accounts na updated at walang overdue balance as of Sept. 30, 2020. 

 Ano ang Bayanihan to Recover as One Act (o Bayanihan 2 o BARO)?

Nagbibigay ito ng option sa mga qualified loans na mag-avail ng one-time 60-day grace period para ihinto muna ang loan repayments. 

Ano ang qualifications para makasali sa 60-day grace priod?

Ayon sa Implementing Rules and Regulation ng Bayanihan to Recover as One Act 2 mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang mga loan accounts na pwedeng makasama sa 60-day grace period ay dapat: 

  • May natitira pang loan balance as of September 15, 2020
  • Updated at walang overdue sa mga nakaraang repayment

Anong ibig sabihin nito para sa mga Ka-Grab na may loan?

  • Kung ACTIVE ka sa ating platform– mapa-2Ws o 4Ws man, at UPDATED ang iyong loan payments, ihihinto muna ang loan repayment deductions sa loob ng 60 days simula October 8, 2020.

Basta updated ang bayad sa loan at walang overdue balance noong mga nakaraang buwan hanggang September. 30, 2020, kasali ang loan mo sa 60-day grace period. Ihihinto ng GrabFinance ang loan repayments deductions simula October 8, 2020 hanggang December 7, 2020. Maaaring tingnan ang SMS na pinadala sa inyo para sa detalye ng iyong loan na qualified sa 60-day grace period. 

Magsisimula muli ang loan repayment deduction sa December 10, 2020 – pagkatapos ng 60-days grace period.

  • Para sa lahat ng 4Ws Ka-Grab na hindi pa ACTIVE sa GrabCar, ‘wag kang mag-alala, mananatiling nakahinto pa rin ang iyong loan repayment deductions until further notice.

Kung may katanungan o nais magpa-restructure ng loan repayments, maaaring tumawag sa GrabFinance Collections Hotline 8231-3608  o mag-email sa gfsa.ph.collections@grabtaxi.com

Frequently Asked Questions

1. Active driver-partner ako, bakit hindi kasali ang loan ko sa 60-Days Grace Period?

Base sa nilabas na mandato ng Department of Finance, ang mga current loans (o mga loans na walang past due or overdue amount) lamang ang qualified para maka avail sa 60-days grace period.

 

2. Yung isa kong loan kasali sa 60-Days Grace Period pero bakit tuloy-tuloy ang repayment deduction sa isa pang loan?

Kung meron kang higit sa isang loan, maaaring hindi pasok sa qualification ang isa o higit pa sa iyong loans. Para ma-qualify sa 60-day grace period, kailangan updated at walang overdue ang loan payments as of Sept. 30, 2020. Maaring tingnan ang SMS na aming pinadala para malaman kung anong loan ang qualified sa 60-day grace period

 

3. Kapag ba binayaran ko lahat ng overdue balance ko ngayon, pwede ba ba akong sumali sa 60-Days Grace Period?  

Ayon sa Implementing Rules and Regulation ng Bayanihan to Recover as One Act 2 mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang mga loan accounts lang na updated at walang overdue ang maaaring mabigyan ng 60-Days Grace period.

 

4. Nakabayad na ako sa lahat ng loans, bakit di padin ako kasama sa 60-Days Grace period?

Maaring tumawag lamang sa GrabFinance Collections Hotline sa  8231-3608 o mag-email sa  gfsa.ph.collections@grabtaxi.com para maverify ang iyong account.

 

5. Makakapag-loan pa ba ako kahit may past due account?

Siguraduhin lamang na makapabayad sa past due account at consistent ang pagbyahe upang magkaroon ng chance na makapag loan ulit sa GrabFinance.