May Grab Virtual TNVS Centre na tayo, Paps!
Di na kailangan lumabas ng bahay para maka-avail ng TNVS assistance!
Medyo mahirap pumunta sa ating TNVS Centre – Prima sa ngayon dahil sa Covid-19 kaya naman nagkaroon tayo ng ONLINE assistance para matulungan ka sa’yong TNVS concerns.
Ano ang pwedeng idulog sa Virtual TNVS Centre?
- Inquiry sa proseso ng TNVS accreditation
- Provisional Authority at Certificate of Public Convenience (CPC) Checklist
- Concern sa renewal ng PA
- Request ng Certificate of Good Standing (CAGS)
- Proseso para sa dismissed CPC
Paano mag-request ng Online TNVS Assitance?
O maaari ring i-click ang link: Go to Help Centre
Para makapagset ng appointment, i-click ang grb.to/GVTNVSAppointment mula sa help centre article.
Note: Accessible lang ang form ng Monday to Friday, mula 8:30 AM to 4PM
Ibigay ang tamang information:
- Plate No/Conduction Sticker
- Kumpletong pangalan (First name, Middle Name, Last name)
- Cellphone number (siguraduhing tama ito dahil dito namin ise-send ang confirmation)
- Preferred time
Hintayin ang SMS kung saan nakalagay ang confirmation ng iyong appointment at link sa zoom schedule. Upang mabuksan ang zoom link, siguruhin na naidownload ang Zoom cloud meetings sa iyong phone.
Download Zoom – Android | Download Zoom – Iphone
Pagkatapos i-download, gumawa ng zoom account.
- I-click ang Sign Up to create new account.
- I-enter ang iyong birthday, e-mail address at pangalan
- Huwag kalimutan i-tap ang I agree to the Terms of Service.
- I-tap muli ang Sign-up sa taas at i-click ang OK. Makakatanggap ka ng confirmation link sa e-mail na inilagay mo.
- Buksan ang e-mail at i-click ang Activate Account
- Mapupunta ka muli sa Zoom website. Maglagay ng Username at Password.
- Pag nakapasok na, maaari mo nang gamitin ang Zoom
Mag-attend ng zoom meeting sa itinakdang oras. Gamitin ang link na natanggap sa SMS para makapasok.
Ilang Paalala:
- Kung late ka ng 5 minutes sa piniling session, automatic na maka-cancel ang iyong appointment
- Hanggang 25 minutes lang ang session kaya i-prepare na ang iyong concerns at mga documents na kakailanganin.
- Hindi pwedeng iba ang mag-attend para sa’yo. Siguruhin na available sa araw na pinili.
- Ang TNVS virtual assistance ay exclusive lang sa Metro Manila sa ngayon
Pakgkatapos ng iyong session, maaaring makatanggap ka ng e-mail mula sa Grab para sa TNVS guidelines ng iyong specific concern.