Lost and Found Chatbot

ADVISORY: Ang programang ito ay unti-unting maro-rollout sa mga susunod na linggo.

Para sa mga pagkakataon na mayroong nakalimutan na gamit ang pasahero sa iyong kotse, malalaman mo na ito sa pamamagitan ng Lost and Found Chatbot!

Sa tulong ng Lost and Found Chatbot, pwede nang:

  • Ma-confirm kung ang Lost Item ay nasa iyong kotse.
  • Ma-contact ang pasahero para maibalik ang Lost Item.
  • Pumunta sa Grab District Centre (GDC) para i-drop off ang Lost Item.

PRO-DRIVER TIP: Bigyang-paalala ang pasahero na i-double check ang kanyang mga gamit bago umalis ng kotse.

Paano ito gumagana?

May dalawang (2) paraan para maibalik ang Lost Item.

Option 1: Contact Passenger

Option 2: Return Lost Item to Grab Office

Paano kung hindi ko mahanap ang Lost Item?

PAALALA: Ang pagtanggi na ibalik ang Lost Item sa pasahero ay maaaring maging sanhi ng aksyon mula sa Grab.

PRO-DRIVER TIP: Bigyang-paalala ang pasahero na i-double check ang kanyang mga gamit bago umalis ng kotse.

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)

1. Paano kung hindi ako available para maibalik ang Lost Item sa pasahero?

Kung hindi ka available para maibalik ang Lost Item sa pasahero, pumunta sa  Grab Office (12th Floor, Wilcon IT Hub, Chino Roces Ave, Brgy Bangkal, Makati City) para ibalik ang Lost Item.

Ipapaalam ng Grab sa pasahero na dito kunin ang kanyang item.

2. Kailan ko matatanggap ang notification?

Upang iyong matiyak at ma-check kung nasa iyong kotse ang reported Lost Item, matatanggap mo ang Lost and Found notification kung ikaw ay walang sakay o walang current booking.  

Kung piliin mo ang “NOT NOW,” lalabas ulit ang notification every five (5) minutes.

Kung patuloy pa rin ang pagpili mo ng “NOT NOW,” asahan ang tawag mula sa isang Grab representative.

3. Ano ang deadline ko para ibalik ang Lost Item sa GDC?

Upon confirmation na ibabalik mo ang Lost Item sa GDC, mayroon kang 24 hours para pumunta at i-drop off ito sa GDC.