Grab Hatchback Update

We’re BACK with news, Grab Hatchbacks!

Recognized na tayo bilang TNVS partners! 

Simula October 28, 2019 – lahat ng accredited hatchback at sub-compact vehicles sa ilalim ng Grab platform ay kinikilala na bilang bahagi ng TNVS. 

Maaari ka nang bumiyahe nang walang pag-aalinlangan at may kasiguraduhan. 

Paano tayo nakarating dito?

Noong June 2019, sinubukan ng Grab na kumbinsihin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr), na payagan ang mga hatchback at sub-compact vehicles na maging bahagi ng TNVS.  

Kasangga natin ang Anti-Red Tape Body (ARTA) at iba’t ibang TNVS representatives na itinaguyod sa LTFRB at DOTr ang kabutihan na naidudulot ng hatchbacks sa mass transportation.  

Hindi ito naging madali. Lubusang hinikayat ng Grab ang mga regulatory body na payagan ang mga units na ito na mag-operate. Sa kabila nito, ilang hatchback units ang na-deactivate, at maraming units ang nalagay sa delikadong posisyon. 

Mula July 2019 to August 2019, nag-issue ng iba’t ibang Department Order at Memorandum Circular ang LTFRB kung saan nakasaad ang mga regulations at inclusions na kailangang sundin ng mga hatchbacks upang maging TNVS-compliant. 

Sa kabila ng lahat ng diskusyon, nananaig at naniniwala ang Grab na ang mga hatchbacks ay vehicle type na higit na nakakatulong sa riding public. Ito ay reliable, safe, environmentally friendly, dependable, at efficient. 

Paano susuportahan ng Grab ang mga hatchbacks sa platform?

Hangad nating mapanatili ang hatchback at sub-compact vehicles sa Grab platform bilang accredited TNVS partners at kikilalanin na ang mga vehicles bilang hiwalay na Service Type bilang GrabCar Hatchback.

Simula October 28 (Monday), kikilalanin na ang mga vehicles bilang hiwalay na Service Type – ang GrabCar Hatchback.

Hindi narin ito magiging bahagi ng GrabCar at GrabShare.

Bilang GrabCar Hatchback, mararanasan mo ang mga sumusunod na benepisyo: 

1. MORE demand from passengers 

  • Makikita ng passengers ang GrabCar Hatchback bilang mas affordable at mas sulit na commute option. Mas mabilis at mas efficient ito na paraan para makarating sa drop-off! 
  • Hindi na kailangan mag-GrabShare ng passengers kaya mas mabilis kang makakarating sa destination. Sunod-sunod ang bookings, Ka-Grab!

2. MORE bookings in the NEW Service Area 

  • Lahat ng pick-up at drop-off ay nakapaloob sa service area within Metro Manila.
  • Sa ganitong paraan, mas maikli na ang bawat trip at mas marami pa ang iyong total trips! 

Tingnan ang service area:

Ano ang mga kailangan nating sunding regulasyon?

Base sa Memorandum Circular na linabas ng LTFRB ang striktong pagpapatupad at pagsunod ng hatchback units sa sumusunod na regulasyon:

1. Pre-arranged at pre-authorized fare matrix mandated by LTFRB 

  • Base Fare: P 30.00 
  • Fare/km: P 13.00 
  • Fare/min: P 2.00

Memorandum Circular 2019-036:

 

2. Engine displacement criteria na less than 1,200cc 

3. Maximum passenger count na three (3) passengers, excluding the driver para sa safety ng lahat ng nasa vehicle 

Memorandum Circular 2019-42:

Siguraduhing COMPLETE at UPDATED ang iyong TNVS requirements. I-upload ang documents sa link na ito: https://grb.to/hatchbackupdate

May mga katanungan?

1. Deactivated ba ko kung ang kotse ko ay hatchback pero ang engine displacement ko ay higit sa 1200cc? 

Kung ang iyong hatchback ay higit sa 1200cc engine displacement, maaari kang ma-deactivate  dahil labag ito sa patakaran ng LTFRB ayon sa Memorandum Circular 2019-042.

2. Deactivated ang hatchback ko pero 1200 cc ang engine dsiplacecment ng aking sasakyan. Paano magpa-reactivate ng aking account? 

Upang ma-reactivate ang acccount, siguraduhin lamang na mayroon kang maipapakitang valid TNVS PA/CPC documents and ipasa ito sa https://grb.to/hatchbackupdate

3. Hindi ako nakapag-renew ng PA dahil wala ako sa master list. Pwede na ba mag-renew ng PA ngayon? 

Sa ngayon ay hindi pa nagbubukas ulit ang LTFRB ng bagong slots. Siguraduhing maging alerto sa anumang balita galing sa LTFRB tungkol dito.

4. Sa bagong classification, qualified pa rin ba ako makatanggap ng GrabShare rides?

Hindi na available ang GrabCar o GrabShare bilang bagong Service Type na GrabCar Hatchback.

Huwag mag-alala dahil siguradong mas malaki ang passenger demand sa hatchback dahil sa bagong fare matrix na mandated ng LTFRB kasabay ng NEW service area.

5. Saan ang boundaries ng Hatchback service area?

Ang hatchback vehicles ay maaari lamang magkaroon ng pick-ups at drop-offs sa mga CBD areas ng Metro Manila. Para makita ang buong map, tingnan ang photo sa itaas. 

6. Kailan namin malalaman ang bounderies ng Hatchback service area?

Sa kasalukuyan, ang service area ay makikita sa link sa ibaba. Ito ay nakapaloob lamang sa CBD areas within Metro Manila. Bibigyan ka namin ng update kung sakaling ito ay magiiba. 

7. Lalabas ba na hiwalay na toggle switch ang GrabCar (HatchBack)?

Oo, mayroong hiwalay na toggle switch ang GrabCar (Hatchback). Ito ay iyong makikita sa iyong Service Types menu sa driver app. 

8. May GrabShare din ba sa hatchback?

Walang GrabShare service type ang mga hatchback dahil ang passenger limit ng hatchbacks ay hanggang tatlo (3) lamang. Ang mga GrabShare ay may maximum na four (4) passengers. 

Wag mag-alala dahil inaasahan na mas magkakaroon ng demand ang GrabCar (Hatchback) dahil sa mas affordable na fare for passengers.