Good news para sa lahat ng mga GrabTaxi drivers sa Metro Manila! Pwede ka nang mag-set ng ‘My Destination‘!
Ano ang My Destination?
Ito ay bagong feature sa GrabTaxi driver app kung saan maari kang mag-set ng destination (halimbawa: address ng bahay/garahe mo). Kapag ito ay naka-ON, makaka-receive ka ng bookings na papunta o malapit sa naka-set na destination. Mag-update lang sa latest version ng app para magamit ito!
Sa feature na ito:
- Kikita ka kahit pauwi ka na sa bahay/garahe mo.
- Mabibigyan ka lang ng bookings papunta/malapit sa naka-set mong destination.
Paano i-turn on ang My Destination?
- Ang My Destination feature ay makikita sa driver app side menu.
2. I-type ang address ng destination na gusto mong i-set.
3. I-set ang destination . Maaaring pumili sa address suggestion.
4. Lalabas ang notification na hindi eligible sa incentives ang My Destination jobs.
5. Pagkatapos i-click ang Got It, mae-enable na ang My Destination sa app mo.
6. Kung hindi ka maka-receive ng booking sa loob ng isang minuto, may additional prompt na lalabas.
Mga Dapat Tandaan:
- Kapag naka-enable ang My Destination feature, makaka-receive ka lang ng bookings na malapit o di kaya ay along the way sa destination na iyong sinet.
- Mayroon ka lang maximum of two (2) My Destination sessions with completed jobs. Ang quota ay made-deduct lang kapag naka ON na ang My Destination feature at kapag matapos maka-kumpleto ng booking.
- Maaring mag-save ng hanggang limang (5) favorite destinations.
- Ang quota ay mare-reset araw-araw tuwing 12 midnight, at ang mga unused na quota ay hindi make-carry over.
- Kapag na-turn off ang My Destination, may in-app message na lalabas para ipakita kung ilang quota pa ang natitira para sa araw na iyon.
- Ang mga bookings na na-complete sa My Destination ay hindi nakaka-contribute at hindi rin eligible for incentives.
- Ang pag-ignore sa booking ay magre-resulta sa pagka-lock ng iyong driver app at madi-disable ang My Destination feature.
Frequently Asked Questions
Q: Hindi ko magamit ang My Destination feature. Pinala-log in ako gamit ang email address.
A: Para magamit ang My Destination feature, mag log-in gamit ang iyong Grab-registered Gmail account for authentication purposes.
Q: Nai-set ko na ang My Destination. Bakit natatagalan bago ako maka-receive ng booking?
A: Ito ay dahil sa ang mga bookings na mare-receive mo ay ang mga bookings na along the way to, o malapit sa naka-set na destination. mafi-filter ang ibang bookings na hindi papunta o malapit sa destination na sinet mo.
Q: Qualified ba o nakaka-contribute sa incentives ang My Destination?
A: Hindi qualified, o nakaka-contribute ang My Destination bookings sa incentives.
Q: Makaka-apekto ba sa aking AR at CR ang pag-ignore o pag-cancel My Destination bookings?
A: Oo. Maari din nitong ma-improve ang iyong weekly AR at CR kapag nag-accept accept/complete ng My Destination bookings.
Q: Malalaman ba ng pasahero kung ito ay isang My Destination booking?
A: Hindi.
Q: Pareho lang ba ang fares ng My Destination bookings sa regular bookings?
A: Oo.
Q: Ilang My Destination bookings ang pwede kong gawin papunta sa aking destination?
A: Maari kang mag-complete ng multiple jobs papunta sa naka-set na destination.
Q: Ilang beses sa isang araw pwedeng mag-set ng destination?
A: Pwede kang mag-set ng iyong destination ng ilang beses sa isang araw. Mayroon ka lang quota ng dalawang (2)Â My Destination sessions na may completed jobs. Ang iyong quota ay mababawas lang kapag naka activate ang My Destination feature at maka-complete ng atleast isang booking sa session na iyon. Kahit maka-complete ng higit pa sa isang booking sa session na iyon, isang quota lang ang ma-deduct.
Q: Nag-set ako ng destination pero hindi naka-receive / complete ng booking. Mababawas ba ito sa daily quota ko?
A: Hindi. Kailangang maka-complete ng at least isang booking para mabawas ito sa daily quota mo.
Q: Nag-set ako ng destination at nakatanggap lang ng isang booking pero nag-cancel ang pasahero. Mababawas ba ito sa daily quota ko?
A: Hindi. Dapat maka-complete ng at least one booking habang naka on ang My Destination mode.
Q: Nagkamali ako sa pag-enter ng destination. Paano ko ito babaguhin?
A: Pwede mong balikan ang My Destination at ilagay ang bago/tamang address. Tandaan na ang iyong daily quota ay mababawas kung naka- complete ng bookings sa unang nai-set na address/destination.
Q: Tuwing kailan mare-reset ang daily quota?
A: Midnight (00:00 hours)
Q: Naka-on ang My Destination ko ng 11:30pm (Feb 3), naka-complete ng two bookings, at nag turn off ako ng 12:30am (Feb 4). Saang araw ito mababawas?
A: Depende sa kung kailan ka unang nag-accept ng booking. Kung nag accept ka ng first job bago ang midnight, mababawas ito sa quota mo sa Feb 3. Kung pagkatapos naman ng midnight,sa Feb 4 na ito mababawas.
Q: Paano ko ita-tag ang aking favourite destination?
A: I-tap ang ‘More’ icon sa tabi ng address. Pumili ng isa sa mga tags na lalabas.
Q: Ilang destinations ang pwede kong i-tag as favorite?
A: Lima (5).
Q:Â Kung nagpalit ako ng Grab vehicle type (e.g. mula GrabCar to GrabTaxi), masusunod pa rin ba ang favourite destinations ko?
A: Hindi. Kailangan mo itong ulitin.