And We’re Back to Ka-Grab. Online na muli ang GrabTaxi!
Hep, hep, hep! Alam natin excited tayong lahat bumiyahe, pero bago yan, nandito ang mga bagong New Normal rules & regulations na iga-guide tayo sa ating pagbabalik-biyahe.
NEW NORMAL MUST HAVES
New Normal Must Haves is as easy as ABC!
I-memorize ang A-B-C na palaging dapat bitbit sa iyong biyahe!
Authorized Documents
Siguraduhin na updated at kumpleto na ang mga ipinasang documents
Mag-submit lang kung hindi pa kumpleto ang iyong documents o kung may nais baguhin.
- Valid Driver’s license
- OR/CR Documents
- Updated Plate Number info. Kung ikaw ay nagpalit ng plate number o sasakyan, i-update ang iyong plate number dito.
Body Protection
Required na laging suot o dala ang mga ito:
- Facemask
- Face shield
- Disposable Gloves (optional)
- Alcohol/Sanitizer
Car Care
Ang mga items na ito ay dapat na laging nasa iyong sasakyan:
- Malinis na wash cloth
- Seat markings na magpapaalala ng social distancing (masking tape)
- Alcohol/Disinfecting agent
- Plastic Barrier
GRAB DRIVER APP NEW NORMAL FEATURES
Bilang paghahanda sa iyong balik-biyahe sa new normal, nagdagdag rin kami ng mga bagong product features para sa’yo:
Cashless muna ang transactions
Yes! Para extra safe at hindi mahawa, cashless na ang lahat ng transactions!
‘Passenger not wearing mask or face shield’ additional valid cancellation
You read it right! Pwede mong i-cancel ang pasaway na pasaherong hindi naka-mask o naka-face shield
‘Passenger Overload’ revised valid cancellation
Dahil social distancing mode pa rin tayo, pag more than 2 ang nag-show up na pasahero, pwede na yan i-valid cancel!
Increased cashless tip
Yes! Pwede ka nang mabigyan ng mas malaking tip para sa’yong above and beyond na serbisyo
NEW NORMAL SAFETY CHECKLIST
Game ka na bang bumiyahe muli? Kung Game na, isapuso at sundin ang NEW NORMALrules and regulations habang tayo ay nasa platform. Lagi nating tandaan na ito ay para sa kapakanan mo at ng iyong pasahero:
- Cashless ang lahat ng rides kaya wala kang poproblemahin sa fare na ibibigay ng pasahero.
- Kung nais magbigay ng cash tip ang pasahero, ipaalala sa kanila na pwede rin silang magcashless tipping gamit ang kanilang Grab App.
- Ni-require ng gobyerno na magsuot ng mask at face shield ang parehong driver at passenger para protektado lahat sa platform
- Itanong sa pasahero kung siya ang nag-book ng ride dahil bawal magpa-book sa iba. Para masigurado, i-check ang kanilang booking ID.
- Para hindi ma-contaminate ang iyong sasakyan, sabihin sa pasahero na ikaw ang magbubukas at magsasara ng pinto para sa kanila bago sumakay.
- Pwede mong i-reject ang ride kung ang nagbook ay higit sa tatlong pasahero.
- Huwag mag-share sa pasahero ng gamit tulad ng alcohol, tissue, at iba pa para maiwasan ang pagkakahawaan.
- Ipaalala sa pasahero na kalungin na lang ang bag o mga personal na gamit
- Kung may luggage o malaking gamit ang pasahero, buksan lang at hayaan na ang pasahero ang maglagay nito sa compartment
- Pagdating sa drop-off, sabihin rin sa pasahero na ikaw ang magbubukas ng pinto para siya’y makababa
- Laging mag baon na disinfectant o alcohol sa iyong sasakyan
- Linisin ang loob ng iyong sasakyan para sure na hindi pamahayan ng virus
Paano linisin ang loob ng iyong sasakyan?
- Buksan ang passenger windows
- Lagyan ng tubig at alcohol ang iyong malinis na wash cloth
- Punasan ang mga areas na posibleng nahawakan ng iyong pasahero:
- Passenger Seat
- Passenger Headrest
- Grab handles
- Door handles
- Passenger window switch (kung nagamit)
- Compartment handle (kung nagamit)
NEW NORMAL DO's & DON'Ts
At dahil balik na tayo sa dating gawi, kaunting refresher lang sa ating Driver Code of Conduct. Balikan ang Do’s and Dont’s habang nasa biyahe:
Katulad rin ng dati, ang hindi pagsunod sa mga rules and regulations ng Driver Code of Conduct ay may kaukulang penalty.
Mananatiling Ligtas at Sumunod sa Batas (Stay Safe and Follow the Law)
- Laging siguruhin na may dalang documentation habang nasa biyahe
- Ang assault, harassment o anumang pang-aabuso ay hindi pinahihintulutan ng Grab
- Huwag gagawa ng anumang krimen
- Sundin ang mga batas pangkaligtasan sa kalsada
- Bawal ang pagkonsumo ng alak, drugs at pagdadala ng weapon habang nasa biyahe
- Laging panatilihing maganda ang kondisyon ng iyong sasakyan para iwas aksidente
Igalang ang ating Grab Users(Respect our Grab Users)
- Respetuhin ang privacy ng iyong pasahero
- Huwag tanggihan ang pasahero anuman ang kanyang katangian (lahi, relihiyon, kasarian, atbp)
- Maging fair sa ating mga pasahero lalo na sa paniningil ng fare.
- Huwag mamili ng biyahe
- Maging disente sa lahat ng pagkakataon habang nasa platform
- Siguraduhin na nakapagbigay ka ng maayos na serbisyo sa pasahero
- Siguraduhing tumawag muna sa awtoridad in case of emergency
Maging mabuting Grab Citizen (Be a Good Grab Citizen)
- Huwag dayain ang sistema ng Grab sa anumang paraan
- Huwag mang-bully, magbanta o mang-harass ng Grab staff
- Panatilihin ang good ratings para mas maganda ang takbo ng biyahe
- Maging open sa feedback at training para mas mapabuti pa ang iyong serbisyo
Tandaan ang 5 ‘Mag’ COVID-FREE Safety Guidelines at h’wag itong kalimutan!
- MAG-SANITIZE before and after every trip
- MAG-MASK AT FACE SHIELD at all times
- MAG-SOCIAL DISTANCING kahit nasa loob ng sasakyan
- MAG-ACCEPT NG PASAHERO na siya mismo ang nag-book para sa mas madaling contact tracing
- MAG-SELF CHECK at siguruhin na maayos ang pakiramdam bago bumiyahe.
Katulad rin ng dati, ang hindi pagsunod sa mga rules and regulations ng Driver Code of Conduct ay may kaukulang penalty.
FAQs
Paano kung wala akong IATF ID?
Ang IATF ID ay nirerequire lamang sa ilang checkpoints sa Maynila. Kung sakaling hanapan ka ng IATF ID, ipakita ang iba pang dokumento na nagpapatunay na ikaw ay bumabiyahe sa Grab tulad ng Grab ID, Rapid Pass etc.
Mas mabuting makipag-coordinate sa iyong operator at sa Grab para sa mga supporting documents na iyong kailangan.
Kailangan ba ang medical certificate sa biyahe?
Kailangan lang ang medical certificate na nagsasabing Fit to Work kapag ikaw ay nakaranas ng symptomas ng sakit o kakagaling lamang sa sakit. Ito ay kailangan ipadala sa Grab upang ikaw ay makapagpatuloy ng pagbiyahe.
Paano kung nakikitaan ko ang aking pasahero ng COVID-19 symptoms bago pa siya sumakay?
Kung ang pasahero ay confirmed na COVID-19 na pasyente bago sila ay nakasakay, kailangan sila bigyan ng abiso na I-contact ang ‘Local COVID-19 Task force o Ligtas COVID centers na nakasakop sa kanilang lugar, alinsunod sa DOH-DILG Joint Adminstrative Order No. 2020-0001 para sila ay ma-transport ng kwalipikadong personnel.
Kung ang pasahero naman ay hindi confirmed COVID+ (e.g. inubo sa lamig), maari natin i-report ang pasahero sa ating help center.
Apektado ba ng curfew ang aming operating hours/oras ng pagbiyahe?
Oo. Susunod tayo sa guidelines ng pamahalaan tungkol sa curfew hours. Mag-aannounce kami kung mayroon nang curfew na na-set ang gobyerno.
Paano kung ako ay hinuli sa checkpoint kahit kumpleto naman ang aking dokumento?
I-report ito sa ating Help Center para kayo ay matulungan.
Ano ang gagawin ko kung ang pickup/drop off ng pasahero ay sa hospital?
Sa kasalukuyan, hindi pinagbabawal ang paghatid o pagsundo sa nga ospital.