Menu Driver Sign-Up

GRABCAR PREMIUM: Your Premium Car deserves Premium Earnings

Handa ka na ba sa mas maraming Premium Trips?

Alam namin na ang PREMIUM vehicle mo deserves PREMIUM bookings at PREMIUM earnings.

Alam din namin na deserve ng ating mga passengers ang totoong PREMIUM experience.

Kaya muli nating ilulunsad at mas-iaangat ang —  GRABCAR PREMIUM.

Layunin natin sa Grab na bawat booking ay maging isang bukod-tanging experience para as ating mga pasahero.

Para maiangat ang standard ng buong platform, sisimulan namin ito sa mga certified premium drivers na tulad mo, Ka-Grab.

Ano ang maiiba sa GrabCar Premium?

PREMIUM SERVICE STANDARD

Para ma-deliver ang premium experience sa bawat pasahero,  ia-angat natin ang Service Standard at Driver Standard ng GrabCar Premium.

1. Driver Appearance

  • Tidy and presentable
  • Collared shirt/top
  • Smart casual pants (slacks, chinos, dark jeans)
  • Closed shoes

2. Car Condition

  • Aroma and Scent – Car must be pleasantly scneted
  • Cleanliness – Interior and exterior must be kept clean at all times
  • Music – Upon passenger’s request
  • Air conditioning – Kept cool and adjust upon passenger’s request

3. Must-Have Car Amenities (Premium Kit)

  • Grab Umbrella
  • Tissue Box
  • Mints
  • Air Freshener
  • Car Charger

*Hintayin ang announcement para sa full distribution ng Premium Kit. Kung hindi pa kumpleto ang iyong Premium Kit, sikapin na mag-lagay ng Premium items sa iyong kotse para mabigyan ang ating pasahero ng magandang Premium experience.

4.  Certification Training

  • GrabCar Premium Certification Training
  • A1 Advance Defensive Driving Training

PREMIUM VEHICLE

Bawat biyahe sa isang top-of-the-line vehicle ay walang kapantay sa ginhawa at kalidad.

Ito ang bagong vehicle requirements ng GrabCar Premium:

  • Car Type: Premium Sedan o Premium SUV (halimbawa – Fortuner, Everest, Montero)
  • Year: 2015 and up
  • Standard Retail Price Point (SRP):  Minimum of PHP 1.5 million
  • Engine Displacement: 2.0 non-turbo and 1.6 turbo
  • Seating Capacity: Sits at least 4 pax comfortably

PRO DRIVER TIP: Siguraduhing laging malinis at in good condition ang iyong premium vehicle.

PREMIUM BOOKINGS

Premium ang kita dahil sa Premium bookings galing sa Premium service areas. 

Simula April 1, 2019, mas maraming Premium bookings at GC 6-seater bookings* ang makukuha mo.

Mawawala ang GrabCar at GrabShare service type options sa iyong app para masiguro natin na PREMIUM din ang iyong kita.

*GC 6-seater bookings ay available para sa mga Premium vehicles na qualified for 6-seater (ie. SUVs).

 

Magkakaroon din tayo ng  service areas kung saan high demand ang GrabCar Premium bookings.

Bawat pick-up na galing sa premium service area ay siguradong may premium earnings din!

 

PREMIUM SERVICE AREA COVERAGE

*Ang service areas ay applicable lamang sa pick-up point at hindi sa drop-offs. 

Cubao

White Plains

Ugong Norte

San Juan

Mandaluyong

Fort Bonifacio

Makati Pasay

Ortigas CBD

Pateros

Malate

Pandacan

Baclaran

Newport

NAIA

 

 

 

PRO DRIVER TIP: Siguraduhing pumunta sa loob ng service area para makakuha ng Premium bookings dahil dito mataas ang demand ng GrabCar Premium.

 


FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)

 

1. Bilang GrabCar Premium, ano ang mga klase ng bookings na matatanggap ko?

Makakatanggap ka ng Premium bookings at GC 6-seater bookings.

Simula April 1, 2019, mawawala ang GrabCar at GrabShare service type options sa iyong app para masiguro natin na PREMIUM din ang iyong kita.

 

2. Ano ang maximum capacity ng isang premium na sasakyan?

  • GrabCar Premium – Maximum 4  passengers maximum (due to insurance limitation)
  • GC 6-Seater – Maximum 6 passengers

 

3. Sakop ba ng service area ang GC 6-seater bookings?

Maaari ka pa rin makatanggap ng GC 6-seater bookings kahit saan sa Metro Manila.

 

4. Paano kung may aso o pets na kasama ang passenger?

Hindi ito maiiwasan lalo na sa ating mga premium passengers. Kung sakali man na makalat ang passenger, maaaring i-report sa app gamit ang “Passenger Left Mess”  para maimbestigahan ng Grab ang insidente.

 

5. Makakagamit pa rin ba ako ng My Destination?

Oo, magagamit mo pa rin ito. Walang magbabago sa My Destination.

 

6. Qualified pa ba ako sa KaGrab Rewards Tiers?

Oo,  maaari ka pa rin ma-qualify sa Ka-Grab Rewards! Maaari lang maiba ang mga targets.

 

7. Paano kung naubusan ako ng car amenities (tissue, car perfume, etc..)?

Sa mga darating na buwan, magiging available for sale ang mga amenities at a discount para sa ating partners. Abangan ang announcement mula sa Grab.

 

8. Paano kung HINDI eligible ang sasakyan ko sa GrabCar Premium vehicle requirements?

Kung hindi ka eligible sa updated vehicle requirements ng Premium, ang iyong matatanggap na bookings ay para sa GrabCar/GrabCar 6-Seater at GrabShare lamang.

Maaari ring mag-drop and substitute ng sasakyan na papasok sa vehicle requirement bago mag-April 1, 2019. Para sa detalye ng drop and substitute, click here

 

9. Paano kung hindi ako nakapunta sa mandatory training para sa GrabCar Premium?

Kung hindi ka naka-attend sa Retraining na naganap noong nakaraang Feb 19-21, 2019 – huwag mag-alala. Maghintay sa SMS mula sa Grab para sa schedule ng iyong retraining. Siguraduhing makapunta sa rescheduled training para makatanggap ng Premium bookings.