Hindi ka nag-iisa. Narito kami upang tumulong anuman ang mangyari – sa tagumpay, saya, takot at pag-iingat.
Sa kasalukuyang sitwasyon natin sa Coronavirus Disease-2019 (COVID-19), nais naming siguraduhin sa iyo na ang iyong health & safety ang aming priority.
Ginagawa ng Grab ang mga sumusunod na hakbang bilang tulong sa ating mga partners:
Financial assistance for DOH-Announced Confirmed Case
Medical assistance sa mga araw na hindi naka-biyahe dahil kumpirmadong kaso
na may COVID-19.
Financial assistance for DOH-Mandated Quarantine
Medical assistance sa mga araw na hindi naka-biyahe dahil nakasa-ilalim sa DOH-mandated quarantine.
Constant communication with DOH
Nakikipag-ugnayan ang Grab sa DOH para sa iba pang impormasyon sa COVID-19.
Passenger promotions
Para sa ating 4W driver-partners, magbibigay kami ng mas marami pang promos para sa ating mga pasahero.
Tingnan ang mga sumusunod na support channels na handang tumulong sa iyo:
Grab Safety Hotline
Tawagan ang +63 2 88837117, pindutin ang "1" para makausap ang Safety respondent
Help Centre sa Grab Driver App
https://grb.to/reportcovid
Buksan ang iyong Driver App at i-click ang Account sa bandang kanan sa ibaba. I-click ang Help Centre. I-click ang Accident, Safety, and Fraud. I-click ang artikulo na may title na "Report a serious incident"
DOH Hotline
Tawagan ang +632 8651 7800 local 1149 o 1150
Ka-Grab, mag self-check tayo.
Tanungin ang iyong sarili: Ako ba ay may sintomas ng COVID-19? Kasama dito ang lagnat, ubo, sore throat, at hirap sa paghinga.
Kung oo - mag-offline muna. Huwag munang bumiyahe at pumunta sa hospital para ma-assess ang iyong kondisyon.
Kung ikaw ay CLEARED na safe mula sa COVID-19, humingi ng medical certificate na nagpapatunay na ikaw ay FIT FOR WORK. Siguraduhin na ang date kung kailan nagpa-check up ay nakalagay sa certificate.
Kung ikaw ay kinakailangang i-quarantine as per DOH, magbigay ng authorized documents sa Grab sa pamamagitan ng pagtawag sa Grab Support Hotline: (+63 2 888 37117, Press 1) o kaya ay pumunta sa Help Centre sa iyong Driver app.
Kung may KUMPIRMADONG KASO NG COVID-19 alinman sa ating driver/delivery partners, pasahero o customer, sinisigurado namin na makikipag-ugnayan ang Grab sa Department of Health (DOH) para i-trace ang pinagmulan ng virus.
IMPORTANT: Ang mga driver-partners o rider-partners na may COVID-19 cases at quarantines lang na kinumpirma ng DOH ang mabibigyan ng financial at medical assistance sa mga nawalang araw sa biyahe.
Laging protektahan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa health & safety measures.
- Panatilihing malinis ang sarili. Maghugas ng kamay for at least 20 seconds gamit ang sabon at tubig. Gumamit rin ng hand sanitizer o alcohol.
- Panatilihing malinis ang iyong sasakyan. Mag-spray ng disinfectant tuwing bumababa ang pasahero, linisin ang door handles, at siguruhin na ang iyong sasakyan ay germ-free.
- Palakasin ang iyong immune system. Kumain ng balanced meals, uminom ng maraming tubig at mag-take ng Vitamin C.
- Iwasang hawakan ang iyong mukha at bibig. Maging maingat sa iyong mga hinahawakan dahil mabilis kumalat ang bacteria.
- Gumamit ng face mask para sa extra protection. I-dispose kung kinakailangan.
- Kapag bumahing, takpan ang ilong o bibig gamit ang iyong braso o tissue. Iwasan ang paggamit ng iyong mga kamay na pampunas. Itapon agad ang gamit na tissue.
- Iwasan ang mga taong maaaring may ubo, lagnat, o anumang mga sintomas ng COVID upang maiwasan ang pagkakasakit.
- Kumonsulta kaagad sa doktor kung masama ang pakiramdam.
- Panatilihing malinis ang sarili. Maghugas ng kamay for at least 20 seconds gamit ang sabon at tubig. Gumamit rin ng hand sanitizer o alcohol.
- Panatilihing malinis ang delivery bag. Linising mabuti ang loob at labas ng iyong delivery bag gamit ang disinfectant spray
- Ibigay muna ang order bago kunin ang bayad. Iwasan ang pagkalat ng mga mikrobyo sa pamamagitan ng pagbibigay muna ng order bago kunin ang cash payment na maaaring madumi. Linisin ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig (o sanitizer) pagkatapos na humawak ng pera.
- Palakasin ang iyong immune system. Kumain ng balanced meals, uminom ng maraming tubig at mag-take ng Vitamin C.
- Iwasang hawakan ang iyong mukha at bibig. Maging maingat sa iyong mga hinahawakan dahil mabilis kumalat ang bacteria.
- Gumamit ng face mask para sa extra protection. I-dispose kung kinakailangan.
- Kapag bumahing, takpan ang ilong o bibig gamit ang iyong braso o tissue. Iwasan ang paggamit ng iyong mga kamay na pampunas. Itapon agad ang gamit na tissue.
- Iwasan ang mga taong maaaring may ubo, lagnat, o anumang mga sintomas ng COVID upang maiwasan ang pagkakasakit.
- Kumonsulta kaagad sa doktor kung masama ang pakiramdam.
- Pumunta sa iyong e-mail at hanapin ang e-mail na may subject na “Grab Electronic ID”
- Ito ang iyong official ID na nagpapatunay na ikaw ay official driver o rider-partner ng Grab.
- I-print ito (ipa-laminate para matibay), at laging dalhin
- Kung hindi mahanap ang ID o mali ang impormasyon na nakalagay, pumunta sa https://grb.to/idrequest
2-Wheels Updates
Fully operational ang GrabFood, GrabMart, at GrabExpress!
Base sa Memorandum galing sa Executive Secretary: “only those private establishments providing basic necessities and such activities related to food and medicine production, i.e food preparation and delivery services shall be open”
I-SAVE ANG KOPYA NG MEMORANDUM DITO: https://grb.to/memorandum
Kung humingi ang sinumang government official o authority ng documentation, gawin ang sumusunod:
- Ipakita ang Memorandum kasama ang iyong Official Grab ID (e-ID), at Certificate of Accreditation (COA). Parehong mahahanap ito sa iyong Grab e-mail.
- Kung In-Transit: Ipakita ang current booking job card
- Kung Off-Trip: Ipakita ang details ng last delivery na ginawa
- Open Stores Only: Patuloy na inu-update ng Grab ang mga merchants na nasa app para siguradong open stores lang ang nakalgay dito
- Merchants na nasa Mall: Hindi ibig sabihin na sarado na ang mall ay sarado narin ang merchant. Marami paring open merchants! I-double check sa Security Personnel kung ang merchant na nasa iyong app ay open sa mall at saang entrance ka pupunta.
- Kung nakatanggap ka ng booking na closed ang merchant, i-report dito: https://grb.to/closedmerchant
- Mandatory Temperature Check. May mga ibang merchants na required ang pag-check ng iyong body temperature gamit ang scanner. Maaaring sundin ito bilang merchant policy para masigurado na ikaw ay hindi nagpapakita ng sintomas ng COVID-19. Kung lagpas ang iyong temperature, pumunta sa pinakamalapit na doktor o ospital.
- Building or Village Drop-Off. May mga ibang buildings o private villages na hanggang sa labas o sa entrance lang pinapayagan ang pag-deliver. Pls contact your customer o eater para sa mga sitwasyon na ganito. Huwag basta-basta i-cancel!
- Temporary No-Show Policy. Hindi mo na kailangan pumunta sa Grab hub sakaling no-show ang eater mo. I-fill out lang ang link na ito kasama ang picture ng pag-uusap with eater, resibo, at order: https://grb.to/noshow