Sali na sa GrabExpress at GrabPabili!

Kung gusto mo masubukan gumawa ng deliveries, mahalagang bihasa ka sa galawang Motorkada.

Alamin ang pasikot-sikot ng buhay rider-partner para siguradong maximized ang kita habang nasa biyahe.

  • GrabExpress –  Ang original! Door to door delivery service kung saan magpapadala ang sender ng parcel o item sa recipient.
  • GrabPabili – Ang pabili service ng GrabExpress! Aabonohan mo ang ipapabili ng consumer at babayaran ka pagdating sa drop-off! Pwedeng gamot, grocery, at iba pang basic needs!

Paano ito gumagana?

1. I-toggle ON ang GrabExpress Car Service Type.

2. Ganito magmumukha ng iyong job card:

3. Pumunta sa pick-up location. I-click lamang ang “I’ve Arrived” kung nasa location na.

4. I-contact ang sender via GrabChat o call para hindi sayang sa oras.

5. I-confirm ang sender o representative ng parcel/item. Kung tama sa nakalagay sa app, i-click ang “Correct Sender”.

Kung ang nagbigay sa iyo ng item ay iba sa nakalagay sa app, i-click ang “Met A Representative” at ilagay ang tamang pangalan kasama ang relasyon sa original na sender.

TANDAAN: Ang door-to-door delivery ay iyong responsibilidad bilang driver ng GrabExpress. Pumunta mismo sa pick-up ng sender at inspect ang laman ng package para sa iyong kaligtasan.

6. Kunan ng litrato ang item bilang Proof of Pick-Up (POP). Siguraduhing malinaw ang litrato.

6. Pagdating sa drop-off, i-click ang “I’ve Arrived”. I-contact ang Recipient. Kung wala ang Recipient, i-contact ang Sender.

7. Katulad ng sa pick-up, i-confirm ang Recipient o representative ng item. I-confirm rin ang pagtanggap niya ng item.

8. Bago ibigay ang item, kunan ito ng litrato bilang Proof of Drop-Off (POD). 

9. Pumunta sa payment screen at i-complete ang job! Good job, Ka-Grab!

Paano ito gumagana?

1. I-accept ang GrabExpress Pabili booking

2. I-click ang Delivery Details sa job card at basahin nang mabuti ang pinapabili ng consumer. I-contact ang consumer (call or chat) para masigurado ang lahat ng detalye. IMPORTANTE: Gawin ito bago pumunta sa store para klaro ang lahat.

3. Pumunta sa pick-up point o sa pagbibilhan ng items.

  • Laging magdala ng minimum P2,000 working capital
  • Practice patience, Ka-Grab! Malaki ang demand ngayon sa mga pabili items tulad ng groceries at medicine kaya maaaring makaranas ng mahabang pila.

4. Pagkatapos mabili ang items, pumunta na sa drop-off. Ibigay ang items sa consumer at kunan ng Proof of Deposit

  • Kung Cash ang gamit ng consumer, wag kalimutang singilin ang 1) inabonahan na bayad para sa item, at 2) booking fare
  • Kung GrabPay ang ginamit ng consumer, kunin lamang ang inabonahan na bayad para sa item. Papasok sa iyong Cash Wallet ang booking fare.

Kailangan ng top-up?

Maraming paraan mag-top-up! Alamin ang iba't ibang paraan at locations dito: https://grb.to/topuplocations

Wag mag-alala sa checkpoint!

Nakapag-apply na ang Grab ng RapidPass at hinihintay nalang natin ang update. Sa ngayon, laging dalhin ang iyong Certificate of Accreditation (COA), Grab ID, at kopya ng memorandum na matatagpuan sa https://grb.to/memorandum. Kung may IATF ID, dalhin ito.