Ipaalam ang iyong live location at humingi ng assistance gamit ang Driver app.
Gamit ang Share My Location button, maaari mo nang i-update ang iyong mga mahal sa buhay tungkol sa iyong location. Gamit ang Share My Location button, maaari kang:
- Mag-share ng live location link
- Mag-send ng SMS at location link sa iyong Emergency Contacts
- Humingi ng tulong sa awtoridad para sa mga emergency o urgent situations
PAALALA: Siguraduhing updated ang iyong app para makita ng buo ang feature
Mas madali na ngayon maging ligtas at humingi ng assistance.
Ipaalam ang iyong live location at destination.
Makakatanggap ng link ang iyong mahal sa buhay sa iyong live location at drop-off point.
One-click SMS to maximum of 3 Emergency Contacts.
Daliang mag-send ng SMS at live location sa iyong Emergency Contacts.
I-contact ang Awtoridad.
Humingi ng assistance kung may emergency o urgent situation.
Frequently Asked Questions (FAQs)
Ano ang bagong “Share My Location” button?
Ang bagong feature na ito ay isang mabilis na paraan upang ipaalam ang iyong live location sa iyong mga mahal sa buhay at i-contact ang awtoridad, lalung-lalo na kung sa tingin mo ay hindi ka ligtas. Mahalaga sa amin ang iyong kaligtasan, Ka-Grab.
Anong mangyayari kung pindutin ko ang button na ito habang ako ay nasa biyahe?
Kung ikaw ay online at available for jobs, ikaw ay may access sa sumusunod:
- Mag-share ng live location link
- Mag-send ng SMS at location link sa iyong Emergency Contacts
- Humingi ng tulong sa awtoridad para sa mga emergency o urgent situations
Magagamit ko lang ba ito habang nasa biyahe o nasa isang booking?
As long as ikaw ay available for a job, magagamit mo ang Share My Location button. Ngunit kung i-turn off mo ang iyong availability habang nasa biyahe, hindi mo magagamit ang Share My Location button.
Galing ba sa aking mobile number o sa aking load ang mga SMS at tawag?
Hindi gagamitin ang iyong mobile number at hindi mababawasan ang iyong load. Ang SMS para sa Share My Location button at ang mga tawag sa Awtoridad ay sagot ng Grab.
Kung mag-send ako ng SMS sa aking Emergency Contacts, paaano ako masisigurado na natanggap niya ito?
Kung na-send na ang SMS sa iyong Emergency Contact, may checkmark kang makikita. Paalala- Hindi hindi ibig sabihin nito na nabasa na ng iyong Emergency Contact ang SMS.