Always-ON dito sa GrabShare!

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)

 

1. Bakit Always-On GrabShare?

Ang Always-On GrabShare ay isang opportunity na dumami ang bookings at madagdagan ang inyong kita sa bawat biyahe.

Ito ay malaking benepisyo para sa iyo dahil karamihan ng bookings ng mga pasahero ay GrabShare.

2. Bakit hindi ko ma-off ang Always-On GrabShare?

Ang Always-On GrabShare ay ang bagong feature ng Grab app kung saan automatic na naka-ON ang GrabShare.

Mas maraming bookings ang iyong matatanggap dahil mas maraming pasahero ang nagbo-book ng GrabShare.

Mas maraming GrabShare bookings, mas malaking kita!

NOTE – Hindi ito maaring ma-toggle-off.

3. Anong oras lang ako dapat makatanggap ng GrabShare bookings?

4am-11:59pm – makakatanggap ka ng GrabShare bookings maging peak hour man o hindi.

12mn -3:59am – HINDI makakatanggap ng GrabShare bookings

Hanggang 12 midnight lang effective ang GrabShare feature.

Kung nakakatanggap ka parin ng bookings lampas sa 12 midnight, i-report ito sa Ka-Grab Community App o pumunta sa Help Centre sa iyong app.