GrabCar Reactivation Guide

Sa pagpasok natin sa New Normal at sa pandemic crisis na kinaharap natin nitong mga nakaraang buwan, na-realize natin na pinakamahalaga ang kalusugan at kaligtasan ng lahat. Kaya lahat tayo ay may mga kailangan pagdaanang pagbabago para maging mas okay pa sa orayt ang ating pagbabalik-biyahe.

Kung matatandaan natin, ipinatigil muna ang operasyon ng mga TNVS noong Enhanced Community Quaratine. Ngayon na lang  GCQ na pinayagan na maka-biyahe muli ang ilan sa atin.

Naghihintay pa rin tayo ng listahan mula sa LTFRB kung sinu-sino na ang mga pwedeng magbalik sa GrabCar. Ka-Grab, huwag mawalan ng pag-asa. Patuloy kaming nakikipag-ugnayan sa LTFRB upang payagan na ang lahat na magsimulang bumiyahe ulit.

Ikaw man ay nagbalik-biyahe na, kasalukuyang bumabiyahe o magbabalik-biyahe pa lang, huwag na mag-alinlangan! 

Naghanda kami ng mas extensive na guide para hindi tayo maligaw sa proseso.

IMPORTANT UPDATES

UPDATE #1:  PARA SA DRIVERS NA NASA LTFRB LIST, BIG 3 REQUIREMENTS LANG ANG KAILANGAN I-ACCOMPLISH PARA MA-REACTIVATE!

REQUIREMENT 1. Attend Online  Safety training 

Hindi na kailangan maghintay ng SMS para sa schedule ng iyong online Safety Training. May available training sessions ang pwede mong attendan:

    1. 11:30 AM: https://grb.to/AMsession
    2. 1:30 PM: https://grb.to/PM1session

REQUIREMENT 2. Claim Sanitation kit

Kung ikaw ay nasa approved list ng LTFRB, madali na rin mag-claim ng sanitation kits. Pwede ka na mag walk-in dito:

    • Central hub (Mon-Sat, 9AM-5PM) Greenfield District Pavillion (Waze: Grab Driver Center – Mandaluyong

REQUIREMENT 3. Submit proof of Plastic Barrier Installation

Siguraduhin na nai-submit mo ang picture sa link na ito:  grb.to/gcplasticbarrier


I. ANO NA BA ANG GRABCAR REACTIVATION STATUS KO?

Curious ka ba sa status ng reactivation mo?

Para ma-activate sa GrabCar, siguruhin na approved ang LTFRB confirmation, completed ang training status, claimed ang kit claiming status, at approved ang sanitation barrier. Dito mo rin makikita ang iyong sanitation schedule.

Para malaman kung ano na ang mga nakumpleto mo at ang mga kulang mo pa, tingnan na rin dito kung ang mga status na posible mong makita sa ating GrabCar relaunch tracker:

Siguraduhin na tama ang ibinigay na vehicle information para tama ang nakalagay sa tracker.

  • Completed
  • No Record

Kung hindi pa nakakapag-training, tingnan sa taas ang schedule ng ating daily online safety training.

  • Claimed
  • No Record

After reactivation, dapat ay makuha mo na ang iyong sanitation kit within 10 days.

Tingnan sa taas ang available hubs kung saan maaaring i-pickup ang iyong sanitation kit

  • Approved
  • No Submission
  • Pending
  • Rejected

Kung hindi pa approved, isubmit ang proof of installation sa grb.to/gcplasticbarrier

  • Activated
  • Please complete requirements
  • [Day ] o [Day 2]
  • Please complete requirements

Note: Pwedeng mamili alinman sa araw ng iyong scheduled sanitation

Kung ikaw ay na-deactivate kahit nakapagsanitize ka na ng iyong sasakyan, maaari itong i-report sa ating Sanitation Issues Help Centre.

NOTE: 

Ang tracker na ito ay hindi nag-uupdate real time. Maghintay ng 48-72 hours para makita kung updated ang iyong status.

Kung may concern sa nailabas na status ng tracker, tumawag lang sa ating Help Centre hotline o gamitin ang Live Chat.

Mas maganda kung  sisikapin natin na makumpleto ang proseso bago pa dumating ang listahan ng LTFRB  para GO na agad tayo for activation pag nandyan na ang approved list.

Para ma-check ang iyong GrabCar reactivation status, i-click ang button sa ibaba:


II. GRABCAR REACTIVATION PROCESS

Tignan dito ang pina-simpleng step-by-step process kung paano muling ma-reactivate sa Grab.

Sino ba ang mga eligible na bumiyahe ulit sa GrabCar ngayong GCQ?

  1. Nakakumpleto ng reboarding requirements (see below)
  2. Hindi above 60 years old ang edad
  3. Nakapasa sa online training (more on this later!)
  4. Nakakuha ng sanitation kits at nakapag-install na ng barrier
  5. Higit sa lahat, nasa listahan ng LTFRB: 

Kung nasa listahan ng LTFRB

Kung nakita mo ang iyong pangalan sa LTFRB list, pwede ka nang dumeretso sa step 2 para mag-attend ng online safety training. Bumalik sa taas para malaman ang available training sessions na pwede mong attend-an.

Kung wala pa sa listahan ng LTFRB

Kailangan mo magpasa ng mga sumusunod na requirements dito para mai-submit namin sa LTFRB

Ano ba ang mga valid documents na kailangan ipasa?

  • LTO Official Receipt (OR) and Certificate of Registration (CR)
  • Complete vehicle details (Chassis Number, Motor Number, Owner Name)
  • Latest Passengers Insurance (PAMI/SCCI)
  • LTFRB Case Number
Kung nakapagpasa na, hindi na kailangan mag-submit muli dahil ipinadala na namin ito sa LTFRB. Maghintay lang ng listahan na ipino-post ng LTFRB.
 
Pwede ring makita ang iyong document status sa ating GrabCar relaunch status checker:

Ka-Grab, remember! Para pabilisin ang process ng reactivation, pwede ka nang mag-attend sa ating DAILY ONLINE SAFETY TRAINING

Bumalik sa taas para malaman ang available training sessions na pwede mong attend-an.

Ipasa ang iyong exam upang magkaroon ng Grab Certificate of Completion na  ipapadala namin sa iyong Grab-registered e-mail. Kailangan itong isabit sa’yong sasakyan upang makita ng pasahero na seryoso tayo pagdating sa kaligtasan.

Para ma-check ang training schedule o confirmation ng iyong training, icheck ito sa

Paano kung naka-attend na ako ng training at naipasa ko ang exam pero ‘pending’ pa rin sa 4W relaunch status checker?

It takes 1-2 days bago magreflect ang actual status mo sa ating status checker. Don’t worry dahil may record naman kami ng iyong training. Hintayin lang mag-update ito.

Mga dapat tandaan para ma-access ang links:
  • I-access ang link ng napili mong schedule 10 minutes bago magsimula ang iyong training
  • Mag-join gamit ang iyong Grab registered email address at mobile number
  • Siguraduhing tama ang mga detalye at spelling na iyong ilalagay

Ni-require ng government ang mga TNVS na dapat laging may dalang sanitation kit sa biyahe.

Maaari ka nang mabigyan ng sanitation kits basta’t nasa listahan ka ng LTFRB, kumpleto mo ang iyong documents at meron ka nang Grab Certificate of Completion. Pwede ka rin mag-avail ng plastic barrier sa amin kung wala ka pa.

NOTE: Para sa mga nabigyan ng kits ngunit naghihintay pa rin confirmation, huwag munang gamitin ito hangga’t hindi pa nagsisimula ng pag-biyahe.

Ano ba dapat ang laman ng ating sanitation kit?

Cloth mask at Disinfectant. Kasama itong ibibigay sa’yo bilang parte ng reboarding. Ang halaga ng buong kit ay P500.00 o kung may kasamang plastic barrier, P800.00.

Huwag mag-alala dahil hindi ito agad kailangang bayaran. Kami muna ang taya, Ka-Grab. Sa susunod na buwan pa ito mababawas sa iyong wallet pagkatapos magsimulang bumiyahe.

Bakit may bayad ang sanitation kit?

Kaysa mahirapan pa kayong  bumili ng sarili niyong disinfectant, cloth mask at plastic barrier na maaaring lumagpas sa P1000, sinubsidize na ng Grab kahit papaano ang presyo ng mga ito para makadiscount tayong lahat.

Gusto man namin itong ibigay ng libre, Isa ang transport industry sa mga lubos na naapektuhan ng Covid-19 krisis. Mas mahalaga na tayong lahat ay  tuluy-tuloy na  makabiyahe  na makakapag-hanapbuhay. 

Paano i-claim ang aking sanitation kit?

Para sa claiming, makakatanggap ka ng text kung kailan at saan mo maaaring kunin ang iyong sanitation kits. Hangga’t maaari ay pumunta sa schedule na naka-indicate para mas madali ang pagproseso namin sa iyong reactivation.

ILANG PAALALA:

  • Siguraduhing may kopya ng Grab ID upang maipakita sa mga checkpoint. Ipinadala namin ang mga ito sa iyong grab e-mail.
  • No SMS, no entry. Ipakita ang official SMS  sa guard upang papasukin
  • Ang halaga ng buong kit ay PHP 800. Kung hindi kukunin ang plastic barrier, ang halaga ay PHP 500.
  • Hindi kailangan bayaran ang safety kit sa pag-claim. Ang sanitation kit fee ay ikakaltas pagkatapos ng isang buwan ng pag-biyahe.
  • Huwag munang pumunta kung masama ang pakiramdam. Mabibigyan ka ulit ng iba pang schedule 

Paano kung hindi ako maka-claim ng aking safety kit sa aking schedule?

Nag-aallow rin kami ng mga walk-ins na kukuha ng sanitation kits sa mga bukas na Grab Driver Centres. Tandaan na ire-release lang ang mga sanitation kits sa mga drivers na nakakumpleto na ng steps 1-3. I-check dito ang listahan ng mga bukas na GDCs

Note: maaari itong mabago kaya mas mabuting i-check muna ang mga bukas na GDCs sa ating help centre.

Kasabay ng pagkuha ng sanitation kits ay ang paglalagay ng sanitation barrier. Requirement ito ng gobyerno para sa mga bumabiyahe sa TNVS. Mahalaga rin ito para ma-proteksyunan ka sa iba’t ibang germs o virus na nasa iyong sasakyan.

Last few steps na lang! By this time, naibigay na namin sa’yo ang iyong sanitation kit (includes disinfectant at cloth mask). Updated na rin ito sa ating GC relaunch status checker.

Paano mag-install ng Plastic barrier?

Para sa GrabCar, nire-require lang natin ang straight type barrier dahil maximum na 2 pasahero lang ang allowed. Dapat ang pasahero ay nakasakay sa likuran at one-seat apart.

Panoorin sa ibaba kung paano ang tamang paglalagay ng plastic barrier

How to install plastic barrier?

Bakit ‘Pending’ pa rin ang status ng aking sanitation kit kahit nakuha ko na ito?

It takes 1-2 days bago magreflect ang actual status mo sa ating status checker. Antayin lang mag-update ito. Kung hindi pa rin updated o kulang ang nakuha, maaari itong i-report sa ating help centre via Live Chat.

Nakuha na ang sanitation kits? Good. Nailagay na rin ang plastic barrier? Nice! 

Tandaan na required ang tama at maayos na pagkaka-install ng plastic barrier bago ka payagang maka-biyahe. Mag-submit ng proof of installation na naikabit mo na ang iyong plastic barrier sa verification form:

Tingnan sa baba ang sample ng maayos na proof of installation:

Para ma-check kung verified na ang sanitation barrier, icheck lang ito sa GrabCar reactivation status checker:

Bakit ‘Pending’ ang status ko kahit nag-send na ako ng photo sa plastic barrier verification form?

Kung na-submit mo na ang photos sa form, maghintay na lamang ng update kung approved ang iyong sanitation barrier. Ni-rereview  namin isa-isa ang lahat ng mga photo submissions para masigurong nag-comply ito sa LTFRB mandate.

Bakit ‘Rejected’ ang status ng aking plastic barrier verification kahit nakapag-install na ako?

Maaaring rejected ang iyong status dahil mali ang pagkakalagay ng iyong barrier o kaya naman ay hindi malinaw ang photos na pinadala mo sa amin. Siguraduhin na sinunod mo ang tamang pag-install ng barrier . Tingnan ang tamang pag-install dito: How to install plastic barrier? bago mag-resubmit ng photos sa link na ito grb.to/gcplasticbarrier.

Kung nandito ka na, ibig sabihin ay nakumpleto mo na ang proseso ng iyong reactivation sa GrabCar. Basta’t kumpleto mo na ang steps 1 to 5 at nasa listahan ka na rin ng LTFRB, maaari ka nang bumiyahe ulit. Maghintay lang ng 1-2 weeks bago ma-activate.

Magsesend rin kami ng SMS at Inbox Message para i-notify ka na maaari ka nang bumiyahe!

III. PAANO BA ANG BIYAHENG NEW NORMAL?

Activated ka na ulit, Ka-Grab? Congrats! Pagbutihin natin ang biyahe para tuloy-tuloy ang ating hanapbuhay.

Tandaan: Safety mo ang priotity namin, Ka-Grab.  Kaya siguraduhing safe ka at ang iyong pasahero. Ito ang ilan sa mga tips kung paano bumiyahe sa new normal:

  • Maximum na 2 pasahero lang ang allowed na bumiyahe sa GrabCar. Pwede mong i-reject ang ride kung ang nagbook ay higit sa dalawang pasahero.
  • Laging magsuot ng mask sa lahat ng oras.
  • Mandatory ang pagsagot ng Health Declaration araw-araw. Makikita mo ito magpop-up sa iyong app. Pwede rin itong sagutan via Discover Hub. Ang hindi pagsagot ay maaaring magresulta sa job restriction.
  • Cashless ang lahat ng rides kaya wala kang poproblemahin sa fare na ibibigay ng pasahero.Kung nais magbigay ng cash tip ang pasahero, ipaalala sa kanila na pwede rin silang magcashless tipping gamit ang kanilang Grab App.
  • Laging mag baon na disinfectant o alcohol sa iyong sasakyan
  • Linisin ang loob ng iyong sasakyan in between every ride para sure na hindi pamahayan ng virus

  •  

I-review dito ang buong GrabCar Safety Guidelines:

At para sure na extra-safe ka at ang iyong pasahero, required ang mandatory sanitation, ok?

Para  tuluy-tuloy ang ligtas na biyahe, ni-require tayo ng DOH at DOTr na magpalinis ng ating sasakyan sa mga sanitation hubs sa accredited car wash stations.

I-check sa ibaba ang iyong sanitation schedule: 

Huwag mag-alala dahil may vouchers ka na maaari mong gamitin sa accredited sanitation hubs. Pumunta lang sa GrabBenefits Tab sa iyong app o i-click dito:

ILANG PAALALA:

  1. No sanitation, No bookings! Required tayo na mag-comply sa government safety and sanitation regulations.
  2. Magpalinis lang sa araw at accredited sanitation hubs na indicated para ma-track namin ang iyong cleaning time.
  3. Gamitin lang ang GrabBenefits voucher sa mga accredited sanitation hubs.

IV. FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

Nasa listahan ako ng LTFRB pero bakit di pa rin ako pinapagbiyahe pa?
Araw at gabi kaming nag-aactivate ng mga drivers na pasok sa ating criteria at pwede nang bumiyahe.

Ulitin natin ang criteria para sa mga Ka-Grab na maaari nang makabiyahe ulit: 

  1. Nakakumpleto ng reboarding requirements (see above)
  2. Hindi above 60 years old ang edad
  3. Nakapasa sa online training
  4. Nakakuha ng sanitation kits at nakapag-install na ng barrier
  5. Higit sa lahat, nasa listahan ng LTFRB (icheck ang listahan dito: LTFRB Website

Kung nakumpleto na ang lahat ng proseso, maghintay lang ng at least 72 hours bago ma-activate. Magtetext kami sa’yo at magpapadala ng Inbox Message kung kailan ka pwedeng magsimula.

For more information, pwede mo ring i-check dito ang iyong status: grb.to/4wrelaunchstatus

Paano kung nakumpleto ko ang steps 1 to 4 pero wala pa rin ako sa listahan ng LTFRB?

Gustuhin man namin na maka-biyahe lahat, ang LTFRB ang nagbibigay sa atin ng listahan ng mga aprobadong drivers na pwede nang bumiyahe.

Konting pasensya pa Ka-Grab. Patuloy naman kaming nakikipag-usap para madagdagan pa ang listahan ng mga maaari nang bumiyahe sa GrabCar.

Ano ba ang mga valid documents na kailangan ipasa?

Para mas malaki ang tsansa na makabiyahe agad, kailangan mo magpasa ng mga sumusunod na requirements dito: grb.to/gcrequirements

  1. LTO Official Receipt (OR) and Certificate of Registration (CR)
  2. Complete vehicle details (Chassis Number, Motor Number, Owner Name)
  3. Latest Passengers Insurance (PAMI/SCCI)
  4. LTFRB Case Number

Paano ko malalaman na tama ang mga dokumento na aking nai-submit?

Kung ikaw ay nakatanggap na ng training invite mula sa Grab, ibig sabihin nito ay tama at kumpleto na ang mga dokumentong iyong isinubmit. Pwede ring makita ang iyong document status sa ating GrabCar relaunch status checker: grb.to/4wrelaunchstatus

Bakit hindi muna pinagbiyahe ang mga drivers na lagpas 60 years old?

Mas mahalaga sa amin ang iyong kaligtasan. Bukod pa sa ito ay government policy, nais rin namin na manatili kayong malusog kayo hangga’t hindi pa bumababa ang bilang ng covid cases. Kaya sa mga oldies but goodies Ka-grab, wait lang, makakabiyahe rin tayo.

Paano kung hindi pa ako nakapag-training pero kumpleto naman ang requirements na ipinasa ko? 

Kung wala ka pa ring training schedule, abangan ang webinar links na ipinapadala namin via SMS sa mga drivers na hindi pa nakakapag-training. Starting next week, maglalabas rin kami ng mga webinar links na maaari mong makita sa ating GrabCar relaunch status checker: grb.to/4wrelaunchstatus

Paano kung ‘no record found’ ang training schedule status ko pero meron na akong training schedule?

It takes 1 to 2 days bago mag-apply ang iyong updated status sa zoho tracker. Masusi naming chinecheck ang bawat status kaya hindi ito na-uupdate agad. 

But don’t worry dahil nag-aapply pa rin ang training schedule confirmation na natanggap mo via SMS. Basta’t umattend la sa piniling date para maka-akyat sa next step.

Ano ba dapat ang laman ng ating sanitation kit?

Disinfectant at cloth mask. Kasama itong ibibigay sa’yo bilang part ng re-boarding. Ang halaga ng buong kit ay P500.00 o kung may kasamang plastic barrier, P800.00.

Huwag mag-alala dahil hindi ito agad kailangang bayaran. Kami muna ang taya, Ka-Grab. Sa susunod na buwan pa ito mababawas sa iyong wallet pagkatapos magsimulang bumiyahe.

Bakit may bayad ang sanitation kit?

Kaysa mahirapan pa kayong  bumili ng sarili niyong disinfectant, cloth mask at plastic barrier na maaaring lumagpas sa P1000, sinubsidize na ng Grab kahit papaano ang presyo ng mga ito para makadiscount tayong lahat.

Gusto man namin itong ibigay ng libre, Isa ang transport industry sa mga lubos na naapektuhan ng Covid-19 krisis. Mas mahalaga na tayong lahat ay  tuluy-tuloy na  makabiyahe  na makakapag-hanapbuhay. 

Paano i-claim ang aking sanitation kit?

Para sa claiming, makakatanggap ka ng text kung kailan at saan mo maaaring kunin ang iyong sanitation kits. Hangga’t maaari ay pumunta sa schedule na naka-indicate para mas madali ang pagproseso namin sa iyong reactivation.

Bakit ‘Pending’ ang status ko kahit nag-send na ako ng photo sa plastic barrier verification form?

Kung na-submit mo na ang photos sa form, maghintay na lamang ng update kung approved ang iyong sanitation barrier. Ni-rereview  namin isa-isa ang lahat ng mga photo submissions para masigurong nag-comply ito sa LTFRB mandate.

Bakit ‘Rejected’ ang status ng aking plastic barrier verification kahit nakapag-install na ako?

Maaaring rejected ang iyong status dahil mali ang pagkakalagay ng iyong barrier o kaya naman ay hindi malinaw ang photos na pinadala mo sa amin. Siguraduhin na sinunod mo ang tamang pag-install ng barrier

Pag okay na, isend ang proof sa verification form sa link: grb.to/gcplasticbarrier​/