Menu Driver Sign-Up

TNVS Caravan

ONE-STOP TNVS ASSISTANCE

Naiintindihan namin na hindi madali ang mag-asikaso ng requirements sa LTFRB kaya nandito kami para tumulong, Ka-Grab!

Alam at danas rin namin ang iyong hirap sa pag-process ng iyong TNVS documents kaya nasaan ka man sa iyong application process, gagabayan ka namin all the way!

Magkakaroon muli ng TNVS Caravan para personal ka namin na matulungan sa anumang concerns mo sa iyong TNVS processing.

What: TNVS Caravan
When: July 15-19, 9AM-6PM
Where: Matrix, Quezon City

Huwag mag-atubiling pumunta sa ating Caravan kung kailangan ng tulong sa:

  • CoC requirements
  • Legal assistance sa pagkuha Motion for Extension/Motion for Reconsideration
  • Pagkumpleto sa iba pang documentary requirements

I-share ito sa vehicle owner para matutukan ang pag-ayos ng iyong TNVS accreditation!

PAALALA: Siguraduhin na makapag-register sa ating TNVS Caravan sa link na ito:

https://grb.to/tnvsassistanceevent

LEGAL ASSISTANCE

Kailangan mo ba ng Legal Assistance sa iyong PA Extension o CPC Hearing? Hindi ka na mahihirapan maghanap ng lawyer na makakatulong sa iyo!

Ang Grab ay nakipag-partner sa NABUA Law Offices para mabigyan ka ng legal services sa iyong TNVS processing sa mababang halaga.

Para sa Extension ng PA, matutulungan ka sa:

  1. Pagprocess ng iyong PA Extension
  2. Special Power of Attorney
  3. Pag-secure ng Extended PA

Para naman sa pag-asikaso ng iyong CPC Hearing, makakatulong sila sa:

  1. Pag-check at preparation ng mga ss na documents

-verified application ng proof of citizenship at financial capacity
-verification ng non-forum shopping
-Operator’s data sheet
-Formal offer of exhibits
-Affivadits

2. Assistance sa Publication ng Notice of Hearing

3. Appearance sa 3 hearings within 6 month

4. Pagkuha ng Certificate of Good Standing sa Grab

Handa rin sila sumagot ng anumang katanungan na may kinalaman sa iyong TNVS documents! Para sa mga tanong tungkol sa Legal Assistance at iba pang TNVS processing concerns, punta na sa ating TNVS Caravan.