Welcome Back sa GrabBayanihan!

Heto na… Heto na ang  pagkakataon mong kumita habang tumutulong sa ating healthcare workers!

Welcome Back Ka-Grab! Pinayagan na muli tayong bumiyahe simula August 7, 6AM.

Syempre, nandito pa rin kami para maitawid natin ng sabay-sabay ang krisis at gabayan ka sa new normal. Tingnan muli dito ang  aming mga munting reminders:

  • Makakabiyahe ka lang kung kumpleto ang iyong requirements
  • LTFRB pa rin ang may last say kung kailan at sinu-sino ang mga pwede nang bumiyahe pagkatapos ng quarantine.

Don’t worry mga paps! Nandito kami to help you get back on track!

New Normal Must Haves is as easy as ABC!

I-memorize ang A-B-C na palaging dapat bitbit sa iyong biyahe!

Grab App New Features

Bilang paghahanda sa iyong balik-biyahe sa new normal, nagdagdag rin kami ng mga bagong product features para sa’yo: 

‘Passenger not wearing mask or face shield’ additional valid cancellation

You read it right! Pwede mong i-cancel ang pasaway na pasaherong hindi naka-mask at nakasuot ng face shield.

‘Passenger Overload’ revised valid cancellation

Dahil social distancing mode pa rin tayo, pag more than 1 ang nag-show up na pasahero, pwede na yan i-valid cancel!

Increased cashless tip

Yes! Pwede ka nang mabigyan ng mas malaking tip para sa’yong above and beyond na serbisyo

New Normal Safety Checklist

Game ka na bang bumiyahe muli? Kung Game na, isapuso at sundin ang NEW NORMAL rules and regulations habang tayo ay nasa platform.
Lagi nating tandaan na ito ay para sa kapakanan mo at ng iyong pasahero

Twice a week ang mandatory sanitation sa GrabBayanihan.

TANDAAN: No sanitation, no bookings! Hindi ka makatanggap ng bookings kung hindi ka magpapalinis sa accredited car wash partners at kung hindi mo susundin ang iyong sanitation schedule

GrabBayanihan FAQs

Paano kung wala akong IATF ID?

Ang IATF ID ay nirerequire lamang sa ilang checkpoints sa Maynila. Kung sakaling hanapan ka ng IATF ID, ipakita ang iba pang dokumento na nagpapatunay na ikaw ay bumabiyahe sa Grab tulad ng Grab ID, Rapid Pass etc.

Kailangan ba ang medical certificate sa biyahe?

Kailangan lang ang medical certificate na nagsasabing Fit to Work kapag ikaw ay nakaranas ng symptomas ng sakit o kakagaling lamang sa sakit. Ito ay kailangan ipadala sa Grab upang ikaw ay makapagpatuloy ng pagbiyahe.

Paano kung nakikitaan ko ang aking pasahero ng COVID-19 symptoms bago pa siya sumakay?

Kung ang pasahero ay confirmed na COVID-19 na pasyente bago sila ay nakasakay, kailangan sila bigyan ng abiso na I-contact ang ‘Local COVID-19 Task force o Ligtas COVID centers na nakasakop sa kanilang lugar, alinsunod sa DOH-DILG Joint Adminstrative Order No. 2020-0001 para sila ay ma-transport ng kwalipikadong personnel.

Kung ang pasahero naman ay hindi confirmed COVID+ (e.g. inubo sa lamig), maari natin i-report ang pasahero sa ating help center.

Tutulungan ba ako ng Grab kung magkakasakit ako ng COVID-19?

Oo. Mayroon kaming nakahandang tulong kung sakaling ikaw ay magkaroon ng COVID-19.

Apektado ba ng curfew ang aming operating hours/oras ng pagbiyahe?

Para sa GrabBayanihan, maaari kang bumiyahe 24/7

Ano ang gagawin ko kung ang pickup/drop off ng pasahero ay sa hospital?

Sa kasalukuyan, hindi pinagbabawal ang paghatid o pagsundo sa nga ospital.

Paano ko ipi-pickup ang safety kit na bigay ng Grab?

Pagkatapos ng inyong safety training, kayo ay makakatanggap ng SMS mula kay Grab kung kailan at kung saan niyo ito pwede kunin

Paano kung ubos na ang safety kit na bigay ng Grab?

Ang ibibigay sa iyo ay good for one (1) month at kung ubos na ito ay pwede itong i-refill pagkatapos ng isang buwan. Maaaring mag-order sa form na ito at kami ang bahalang magdeliver sa’yo.

Ano ang GrabBayanihan?

Ang GrabBayanihan ay serbisyo na ginawa ni Grab para makatulong sa pagbabiyahe ng ating mga healthcare frontliners.

Paano ito naiiba sa GrabCar?

Ang pagbook at pagkuha ng sakay ay pareho lang sa kung paano ito ginagawa sa GrabCar. Subalit, mas mababa ang commission rates (5% lamang) na kinukuha ni Grab para na rin makatulong sa mga driver.

Sino ang pwedeng magbook ng GrabBayanihan?

Hindi lahat ng pasahero ay maaaring magbook ng GrabBayanihan. Tanging ang mga staff lang ng ating mga partner hospitals at iba pang medical institutions  ang pwedeng gumamit ng serbisyong ito.

Maaari pa ba ako makakuha ng GrabCar jobs?

Kung ikaw ay nasa GrabBayanihan, tanging GrabBayanihan  jobs lang ang iyong makikita. Huwag mag-alala, dahil bibigyan ka ng online-hour guarantee na 350 pesos basta lang ikaw ay makakumpleto ng buong 8 active hours sa isang araw.

May makukuha ba ako na incentives?

Wala kang incentives na makukuha sa ngayon dahil GrabBayanihan lang ang available service type.

ikaw rin ay makakatanggap ng HMO prepaid health card, life insurance, MedPadala allowance at libreng disposable surgical masks kada araw.