Mag-order ng sanitation kit sa Grab Passenger App!

Paps, pwede ka nang mag-order ng sanitation kit gamit ang Grab Passenger App!

NOTE: Available lang sa mga nasa LTFRB Approved List. Maka-cancel ang iyong order kung wala ka pa sa listahan.

Sanitation kit w/ plastic barrier

P800.00

Sanitation kit

P500.00

Sanitation refill kit

P200.00

*plus delivery fee

NOTE: nakadepende ang delivery fee sa pinned location

May 2 options para kunin ang iyong sanitation kit:

DELIVERY
Hindi mo na kailangan pumunta ng hub para kunin ito dahil kami na ang bahalang magpadala sa’yo sa minimum fee na P59*

*nakadepende ang delivery fee sa’yong pinned location

TAKEAWAY (Self-pickup)
Kung malapit ka sa available hubs, pwede mo na rin i-pick up ang iyong sanitation kit at di na kailangan magbayad ng delivery fee.

Hintayin lang ang notification na ready na ang iyong sanitation kit for pick-up.

*Available lang ang takeaway para sa cashless transactions

Paano mag-order ng sanitation kit sa Grab passenger app?

Importante na gamitin ang Grab registered e-mail at phone number sa pag-register.

Kung cash, delivery fee lang ang babayaran sa magde-deliver dahil ang bayad para sa biniling kit ay ibabawas sa iyong cash wallet.

Kung cashless naman, hindi mo kailangan magbayad sa magde-deliver dahil kasama na ang delivery fee sa piniling payment method (GrabPay, debitcard o credit card) at ang presyo na sanitation kit ay ibabawas sa cash wallet.

Maghintay ng announcement kung kailan magsisimula ang pagbawas sa sanitation kit fee sa iyong cash wallet.

*Ang pagbawas ay paunti-unti kada linggo.

Ang promo code ay natanggap mo sa iyong Inbox Message. 

PAALALA: Huwag i-share ang code na natanggap

Pagkatapos mag-order, pwede nang i-pick up o maideliver sa’yo ang sanitation kit within the day kapag ito ay tapos na namin mai-verify.