PAMPANGA: Introducing Ka-Grab Rewards Plus 🚗🎁

Kita namin ang iyong araw-araw na pagsisikap para makapagbigay ng magandang serbisyo sa ating mga pasahero, at gusto naming malaman mo na pinahahalagahan ka namin bilang isang driver-partner.

Bilang pasasalamat, patuloy nating pinapaganda ang rewards na iyong matatanggap sa bawat paglevel-up mo sa iyong tier!

CHECK THE NEW KA-GRAB REWARDS PLUS GUIDE

Ano ang bago sa Ka-Grab Rewards Plus?

Updated Ka-Grab Rewards Plus Benefits

Paano mag-qualify sa Ka-Grab rewards Plus?

Paano i-claim ang bagong Ka-Grab Rewards Plus benefits

Frequently Asked Questions


ANO ANG BAGO SA KA-GRAB REWARDS PLUS?

Para lalo kang ganahan na kumita para sa’yong pamilya, dinagdagan namin ang mga benefits na maaari mong makuha sa bawat tier. 

Bukod sa mga existing benefits, madadagdagan ito ng mga BAGONG REWARDS na makakatulong sa iyong everyday needs at sa health & wellness ng iyong pamilya.


UPDATED KA-GRAB REWARDS PLUS BENEFITS

I-enjoy ang current benefits tulad ng lower commission rate through fare rebates PLUS basic needs subsidies na malaking tulong sa’yong pang-araw araw na pangangailangan!


PAANO MAG-QUALIFY SA KA-GRAB REWARDS PLUS?

Narito ang mga target requirements para ma-qualify sa alinmang tier ng Ka-Grab Rewards Plus:

Ang bawat tier ay may iba’t-ibang targets na kailangang ma-hit para ma-qualify.

Tandaan na ang bawat target requirements na nabanggit ay base sa iyong performance sa nakaraang 3 buwan.


Mag-aapply pa rin ang KGR  tier mo noong March 2020 bago pa ang lock down.

Kung ano ang tier mo noong March 2020, yun pa rin ang tier mo sa bagong KGR+ starting Sept 21, 2020. Maaaari mo na rin agad ma-enjoy ang bagong KGR+ benefits na kasama sa iyong KGR+ tier.

Wala munang trip targets sa iyong KGR+ tier para matulungan ka mag-adjust this New Normal

Kahit na meron nang bagong benefits sa KGR+, wala munang target ride requirements dahil mananatili ang tier mo noong March 2020 (pre-COVID).

Hintayin ang aming announcement sa resumption ng KGR+ target at New eligibility criteria.

Ituluy-tuloy lang ang pagbibigay ng magandang serbisyo para sa pagkakataon na umangat ng tier at makuha ang new & improved benefits.

Ang Member tier ay walang minimum requirements ngunit kailangang sundin ang Driver Code of Conduct Requirements na para ma-maintain ang tier at ma-avail ang rewards.


Ang iyong Ka-Grab Rewards Plus tier ay base sa iyong 3-month rolling average. 

Nagri-refresh ang Ka-Grab Rewards Tiers kada buwan.

Halimbawa: Ang Ka-Grab Rewards tier mo para sa buwan ng March ay base sa monthly rides at completion rate mo noong December 2018 hanggang February 2019.

Ilang mahalagang Paalala:

  1. Nagri-refresh ang Ka-Grab Rewards Plus tier kada buwan. Maaaring mabago ang iyong tier sa susunod na buwan dahil ito ay nakadepende sa iyong performance sa last 3 months.
  2. Para sa Gold, Silver at Member tiers, maaari pa ding tumaas ang iyong tier sa susunod na buwan. Dahil ang tier ay nagri-refresh monthly, may chance ka na mapataas pa ang iyong current tier para maging eligible sa mas maraming rewards.
  3. Ang iyong rewards ay base sa iyong current tier.

PAANO I-CLAIM ANG BAGONG KA-GRAB REWARDS PLUS BENEFITS?

MedPadala– Hintayin ang SMS code na maaaring gamitin para mag-avail ng iba’t ibang medicines sa lahat ng MedPadala branches.

Hospital Assistance (Reimbursement) – Para mag-claim ng Hospital assistance? I-file sa link na ito ang claim habang naka-confine ang pasyente (pwedeng ikaw o ang iyong immediate family member) o kaya naman ay within one month pagkatapos ma-discharge.

Para ma-enjoy ang iba pang benefits, I-click ang link para malaman kung paano ma-claim ang iyong rewards.

HMO Package – Kung ikaw ay Silver or Gold, hintayin kada-15 ng bawat buwan ang SMS mula kay Grab. Huwag idelete ang SMS na matatanggap ninyo.

GrabCare Package – ang lahat ng Ka-Grab ay maaaring mag-avail ng GrabCare package:

May (6) na programa sa loob ng GrabCare Package na available para sa lahat ng tiers:

Bukod pa dito ang Accident Insurance para sa lahat ng active driver-partners, dahil safety mo ang priority natin sa Grab!


FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

Bakit nagkaroon ng Ka-Grab Rewards Plus?

Nais ng Grab na magbigay-pugay sa ating mga driver partners sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas marami pang benefits na makakatulong sa pang-araw-araw na gastusin.

Lalo na ngayon na dumadaan tayong lahat sa krisis, nais namin bigyan-luwag ang ating driver-partners sa pamamagitan ng additional healthcare benefits,

Kailan magsisimulang matanggap ang bagong benefits ng Ka-Grab Rewards Plus?

Naka-tier freeze pa rin tayo at ang iyong kasalukuyang tier ay ang tier mo noong March 2020 (Pre-Covid). Wala munang trip targets sa iyong KGR+ tier para matulungan ka mag-adjust this New Normal

Para sa Gold & Silver tier, maaari nang i-avail ang HMO Package at Life Insurance* simula September 21. Magiging available naman ang MedPadala allowance simula October 5.

*Gold tiered drivers only

Meron ba na maidadagdag na benepisyo sa mga Members?

Lahat ng ating driver-partners ay may Grabcare Package at accident insurance para sa lahat ng active driver-partners ng Grab. Ngunit nais namin na lubusin mo ang iyong pagbiyahe upang makamit ang mas malaking rewards na meron sa Silver at Gold tiers.

Ano ang mga rewards na nasa loob ng GrabCare Package?

May (6) na programa sa loob ng GrabCare Package na available para sa lahat ng tiers:

Bukod pa dito ang Accident Insurance para sa lahat ng active driver-partners, dahil safety mo ang priority natin sa Grab!

Mababawasan ba ang aking nakasanayang benefits?

Hindi. Sa katunayan, nadagdagan pa ito ng mga rewards na sasagot sa iyong basic needs at health & wellness ng iyong pamilya.

Mag-level up lang sa iyong tier para mas maenjoy ang mas maraming rewards!

Ano ang mangyayari sa fare rebate?

Mapapalitan ng MAS MABABANG COMMISSION RATE ANG FARE REBATE. Dahil dito, wala na kayong kailangan bantayan na fare rebate target at lahat na ng driver ay makikinabang sa mas mababang commission rate.

Bakit wala na ang fare rebate?

Dati ay hindi lahat ng drivers ay nakaka-hit ng kanilang fare rebate target kaya mas kaunting drivers ang nakakatanggap nito. Gusto ng Grab na lahat ng driver ay makatanggap ng mas malaking earnings kaya ibinaba na lang namin ang commission rate kapalit ng pag-hit ng fare rebate.

Kailan magsisimula ang bagong commission rates?
Simula September 21, 2020. Ito ay kasabay ng tier refresh.

Bakit walang pagbabago sa commission rates ng Member?

Upang makakuha ng mas magandang benefits at mas makapagbigay ng serbisyo sa mas maraming pasahero, kinakailangan natin mag-driver more para mag-earn better! Mas mataas ang tier, mas magaganda ang benepisyo.

Lumipas ang buwan at hindi ko nagalaw ang aking rewards, madodoble ba ito sa susunod na buwan kung ma-maintain ko ang aking ranking?

Hindi. Babalik lang ito sa nakatakdang halaga kaya sulitin ang iyong rewards para hindi ito masayang.

Tuwing kailan magri-refresh ang aking benefits?

Maaari mo nang simulan ang paggamit ng iyong rewards sa 2nd Monday of the month. 

Paano kina-calculate ang Completion Rate?

Panoorin ang video sa baba para malaman kung paano ito kino-compute.

Saan ko makikita ang completion rate?

Buksan ang Grab Driver app at i-click ang MORE>INCENTIVES>STU COMPLETION RATE.

Paano ko malalaman ang Ka-Grab Rewards tier ko?

Ito ay ise-send namin kada buwan sa:
-Push notification at app inbox message sa iyong Grab Driver app

-SOON sa GrabBenefits

Paano ako mag a-apply para ma-qualify?

Hindi mo na kailangang mag-apply para ma-qualify sa programang ito. Automatic na ise-send ng Grab kada buwan ang mga updates sa iyong Grab driver app at passbook sakaling ma-meet mo ang mga targets ng specific na Ka-Grab Rewards tier.

Ano ang mangyayari kapag may nalabag sa Driver Code of Conduct?

Ayon sa ating Driver Code of Conduct, anumang paglabag dito  ay magiging sanhi ng ineligibility sa rewards program. Para malaman ang kumpletong detalye i-click ito: Driver Code of Conduct