Menu Driver Sign-Up

Ka-Grab Referral Program

Kumita hanggang Php 1,500 sa bawat ma-refer na sasakyan!

At may matatanggap din na  Php 2,000 Top-up credit ang iyong referral!

Kung ikaw ay isang Ka-Grab Driver o Peer, maaari kang sumali sa ating Ka-Grab Referral Program at mag-refer ng bagong sasakyan.

 

Paano mag-refer sa Ka-Grab Referral Program?

Step 1. TNVS Online Registration

Tulungan ang iyong referral na mag-sign-up sa TNVS Online Registration: http://ltfrb.ph.net/tnvs/

ORCR lang ng sasakyan ang kailangan. May matatanggap ang iyong referral na appointment date at  confirmation email. 

  • I-screenshot ang confirmation email dahil kailangan ito para sa next step.
  • Hanggang Jan. 3, 2019 lang bukas ang online registration kaya  siguraduhin makakapag-register ang iyong referral!

Step 2. May Php 500 Referral Reward ka kapag nai-submit ang Appointment Date

I-submit sa Grab ang Appointment Date at screenshot ng confirmation email ng iyong referral:  https://grb.to/newtnvsstatus

  • Huwag kalimutan ilagay ang information ng referrer para ma-claim mo ang iyong Referral Reward na Php 500 gift certificate. 
  • Maaring mag-submit mula Dec. 22, 2018 hanggang sa DEADLINE na Jan. 3, 2019 
  • May sample screenshot ng confirmation email  sa FAQs sa ibaba.
  • Kung hindi nakalagay ang iyong referrer information kasabay ng pag-submit ng appointment date, wala kang makukuhang Referral Reward.
  • Ang mga referral na nag-submit mula Dec. 22, 2018 hanggang Jan. 3, 2019 lang ang qualified sa Referral Reward. Ang mga Peers/Operators/Drivers na nag-submit bago mag-Dec. 22, 2018 ay HINDI eligible.

Step 3.  May Php 1,000 Referral Reward ka kapag na-Onboard ang iyong Referral!

Kapag successful na nakakuha ng Case Number ang iyong referral sa kanyang appointment date, maari na siyang mag-Onboard sa ating Grab Driver Centers (Prima Bldg., QC or Wilcon Hub, Makati)

May Php 2000 Top-up credit ang iyong referral at makukuha mo na ang Php 1,000 gift certificate Referral Reward!

 

Kumita ng hanggang Php 15, 000 Referral Reward kung  maabot mo ang referral limit na sampung (10) sasakyan!

 

*Referral claims are subject to Terms and Conditions.

 

Frequently Asked Questions

1. Sino ang pwede kong i-refer?

Maaari kang mag-refer ng bagong sasakyan o peer na may sasakyan  na gustong sumali sa Grab. Valid lang ang referral kung ang sasakyan ay wala pa sa Grab Platform (NOT existing in the Platform).

Ang mga referral na nag-submit mula Dec. 22, 2018 hanggang Jan. 3, 2019 lang ang qualified sa Referral Reward. Ang mga Peers/Operators/Drivers na nag-submit bago mag-Dec. 22, 2018 ay HINDI eligible.

2. Sino ang pwede mag-refer?

Open ang ating Ka-Grab Referral Program sa lahat ng Ka-Grab Drivers at Peers.

3. Ano ang makukuha kong Referral Reward at paano ko ito makukuha?

Meron kang 2 pagkakataon na makakuha ng Referral Reward:

  1. Php 500 gift-certificate kapag nai-submit ang appointment date ng iyong referral [DEADLINE: Jan. 3, 2018]
  2. Php 1000 GC kapag successful na nakapag-Onboard ang iyong referral after niyang makuha ang Case Number mula sa appointment date [Duration: Jan-April 2019]

NOTE:

  • Maaring mag-register sa TNVS Online Registration (Step 1) at mag-submit ng appointment date (Step 2) mula Dec. 22, 2018 hanggang sa DEADLINE na Jan. 3, 2019 
  • Kailangang makuha ng iyong referral ang kanyang Case Number mula sa appointment date mula LTFRB bago sya makapag-onboard.
  • Huwag  kalimutan na ilagay ang iyong referrer information (pangalan at contact no.) sa Step 2 para ma-contact ka namin at ma-claim ang iyong Referral Reward.
  • Kung hindi nakalagay ang iyong referrer information kasabay ng pag-submit ng appointment date, wala kang makukuhang Referral Reward.
  • Ang mga referral na nag-submit mula Dec. 22, 2018 hanggang Jan. 3, 2019 lang ang qualified sa Referral Reward. Ang mga Peers/Operators/Drivers na nag-submit bago mag-Dec. 22, 2018 ay HINDI eligible.

4. Kelan ko makukuha ang Referral Reward na gift certificate?

Makukuha ang iyong unang Referral Reward na Php 500 sa Jan. 7-12, 2019. Makakatanggap ka ng SMS mula sa Grab para sa detalye.

Makukuha naman ang iyong Php 1,000 Referral Reward matapos mag-onboard ang iyong referral. Nakadepende ito kung kailan ang kanilang appointment schedule sa LTFRB (Jan. – April 2019)

5. Ilan ang pwede kong i-refer?

Kung ikaw ay isang Ka-Grab Driver o Peer, maaari kang mag-refer ng hanggang sampung (10) sasakyan at kumita ng Referral Reward na hanggang Php 15, 000 gift certificates!

6. Ano ang itsura ng Confirmation Email na kailangan i-submit sa Step 2?

Ito ang sample ng makukuha mong confirmation sa TNVS Online Registration.

Huwag kalimutan i-submit ito sa: https://grb.to/newtnvsstatus

TNVS Online Reg Sample Confirmation